chapterSIX~ the Start..

6K 102 13
                                    

[ This is still Brandon's POV. Next chappies will be Danielle's again so have fun and enjoy. Namnamin niyo na ang mga chappy na may POV ni Brandon dahil bihira ko lang siya gagawan ng POV ^___^v ]

Pag-uwi ko ay nakita ko si Ma na nag-aabang.

                "Brandon? Ikaw ba yan?"

                "Bakit po?"

                "Talagang tinanggal mo pa yung salamin mo at nagpagupit ka pa talaga sa date niyo. Nililigawan mo na ba? Sinagot ka na ba? Kayo na ba?"

                "Ma! Nagpasama lang siya. Minake-over niya ako tapos binili niya ako ng mga damit at-"

                "ANO!! IBINILI KA NIYA NG DAMIT? BAKIT KA NAGPABILI? DAPAT SIYA ANG BINILI MO!!"

                "MA! Ipinili lang niya ako ng damit! Ako ang nagbayad."

                "Ahhh. Hndi mo naman sinabi sa akin agad."

                "Susunduin ko nga po pala siya bukas. Gagamitin ko po yung kotse ko."

                "Haay. Ang sweet mo naman. Susunduin mo pa siya. Kayo na ba?"

                "Ma, hindi ko po siya nililigawan.."

                "Bakit hindi mo ligawan? Crush mo naman siya diba?"

 Huh? Hindi ko naman sinabi kay Ma na crush ko si Danielle huh?

                "Halata sa kinikilos mo. Ngayon lang kitang nakitang magbago ng itsura para sa isang babae at ngitingng-ngti ka pa kanina nung umuwi ka.."

                "Ma, ang sarap pala ng feeling pag-kasama mo yung crush mo no. Kanina nga hinawakan niya yung kamay ko saka niyakap niya ako tapos paran kinilabutan ako.."

                "Maiin-love ka na pala.."

                "Ha?"

                "Yung mga bagay na sinasabi mo, yan yung mga naranasan ko bago ako tuluyang ma-fall sa Papa mo."

                "Paano niyo po ba nalalaman pag mahal mo na ang isang tao?"

                "Pag nakikita mo siya, ang saya-saya mo,. Pag may tumitingin sa kaniyang ibang lalaki, naiinis ka. Pag may ginagawa siyang kakaiba, parang bumibilis yung tibok ng puso mo. Nababago ka niya,. Lagi mo siyang iniisip. Prang natutuwa ka pag-iniisip mo na kayo na.. Bakit? Na-inlove ka na ba kay Danielle?"

                "Sa palagay ko po, malapit na po.."

                "Huwag kang mag-alala, hindi ako hahadlang sa pagmamahala niyo. Huwag ka na kaisng torpe! Palibhasa mana ka sa Papa mo kaya babagal-bagal kumilos!"

 Tapos ay nagtawanan na kami. Ngayon lang ako nakapag heart-to-heart talk kay Ma. Ang sarap pala sa pakiramdam pag nailabas mo yung nararamdaman mo. Nagkwentuhan pa kami taos ay pinatulog na niya ako. Baka daw mapuyat ako at hindi ko masundo si Danielle. Di bale daw na ako ang maghintay kaysa kay Danielle.

                "Good Morning po Ate Rosie!"

                "Good Morning din.! Ang gwapo mo na ngayon! Si Danielle nagbibihis na. Teka lang at tatawagin ko. Maupo ka muna."

 Naupo na ako sa sofa nila tapos ay maya-maya ay nakita ko si Danielle na pababa. Naka white skirt siya tapos ay naka-gladiator sandals. Ang ganda niya! Nung tumingin siya sa akin ay napahinto din siya. Tapos ay naglakad na siya papunta sa akin.

She was a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon