A Broken Hearted's Diary

4K 84 26
  • Dedicated kay everybody who reads this
                                    

Carryl's POV

September 2, 2010

Did you ever tried loving a man secretly? It's just like hanging on a thin thread hoping not to fall in to the cliff youre on to, right? And only you and God know how it hurts.

He told me not to care and I said "fine! Whatever!" Hindi ko naman inaasahang tototohanin niya iyon, eh. Akala ko lokohan lang. Kung kailan nahulog na ako ng tuluyan sa kanya, saka pa niya ako sasabihan ng ganoon. Every time na titigan ko siya, feeling ko, ang tanga tanga ko kasi pinatulan ko ang kababawan niya.

Isn't he aware that I'm falling for him every time he denies me? Malamang hindi. Kung hindi lang siguro kahiya-hiyang tignan na ang babae ang manliligaw sa lalake, marahil ay ginawa ko na. Well, that's just a thought lang naman. I like him a lot and he hates me to the highest level. Will it work? The answer is NO. With a capitalized 'N' and 'O' as in NO

Dapat nakalimutan ko na sya kasi dahil alam ko naman na kahit pangalan ko ay hindi na niya maalala. Dapat deadma na siya para sa akin kasi ganoon na rin naman niya ko ituring, eh.

Medyo nahihilo na rin ako, physically and emotionally. Miss ko na siyang kausap.

C.A.

***

September 4, 2010

I can't give up talaga. Kaninang umaga, nakita ko siya. Ang saya-saya nya habang kasama niya ang mga kaibigan niya. Ang sakit. Sana ako ang kasama niyang ganoon. 'Tapos no'ng tumingin siya sa akin, biglang nawala iyong ngiti niya at lumayo na siya. Nang-iinis ba siya? Anong kasalanan ko?

He's really a guy full of shit at ako naman si super bitch, super gaga at super tanga na patuloy na nagpaparamdam! Kainis.

Nakuha ko ang cellphone number niya. I called him pero no'ng sinagot na niya, 'di ako nagsalita. Parang nakakahiya na hindi ko maipaliwanag.

P.S. 'Di ako nakasulat nung September 3, nagpa-check up kami. Medyo nahihilo na talaga kasi ko, eh.

C.A.

***

September 9, 2010

Hay naku. Talagang may nalagpasan na akong mga araw kasi ilang araw na akong nahihilo. 'Di pa daw naman lumalabas ang result ng mga test na pinaggagagawa ng mga doctor sa akin sabi ni papa.

Kakapagod na nga, 'tapos medyo stressed pa ako dahil sa lalaking iyon. Kainis naman kasi talaga. Siguro makakalimutan ko rin siya pero siiguro, matagal pa. I can't move on pa nga, eh, lalo na't araw-araw ko pa naman siyang nakikita. Nalaman ko din na sinasabi niyang papansin daw ako sa kanya. Hello? Wala na nga akong ginagawa para mapansin niya, 'no!

Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat para baguhin yung akala niyang iyon, 'di ba? Puro kahihiyan lang 'ata ang dala nitong nararamdaman ko sa kanya, eh.

C.A.

***

September 10, 2010

Bakit ko ba nasabi-sabing mawawala na siya sa akin, eh, hindi naman naging kami ni minsan?

I must say "bye bye dreams, hello reality." I'm done dreaming. I must really wake up from this nightmare kung ayaw kong mamatay na umaasa sa wala.

Ilang araw pa lang ang nakakalipas mula nang mangyari iyong hindi namin pagkakaintindihan pero bakit parang ang bilis naman niyang nakarecover? Ipagpipilitan ko pa ba ang sarili ko sa kanya gayong alam kong ayaw niya sa akin?

A Broken Hearted's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon