Just A Day

30.4K 466 167
                                    



Erika's POV


"San ka pupunta?"

"Sa puso mo!" 

"Tino mo talagang kausap 'noh?!"

"Haha! Well... that's me Eka!" 

"Magtigil kang Ico ka ah! Wag mo akong simulan! Wala ako sa mood!" 

"Chilax bes, sungit nito." Nagsimula syang maglakad papalayo.

"Oi! San ka ba pupunta??!" Tumayo ako at sinigawan sya. Nasa park kami at katatapos lang namin magjogging. Kaya naupo muna kami sa isang bench para magpahinga. Tuwing umaga kasi lagi kaming sabay magjogging at magbreakfast sa mcdo. 

Sya si Ico, haha. Tawag ko sa kanya shortcut for his name, ayaw nya kasi yan kaya yun tawag ko sa kanya pag asar ako sa kanya.  Jerico Martin naman ang totoo nyang pangalan. Bestfriend ko sya simula elementary until now, pareho kaming fourth year but we're not in the same school. 

Paano kami naging magbestfriend? 

Dahil sa isang activity.

Grade 3, nagtransfer sya sa pinapasukan ko at naging magclassmate kami. Dahil bago palang sya, wala pa syang makasama at makausap. Tahimik kasi sya palagi eh, one day nagkaroon kami ng class activity na by partner. Nasa isang sulok lang sya nun at nakatingin lang sa mga kaklase namin, nilapitan ko sya.

"Jerico, partner tayo! :) " 

"S-sige" nahihiyang sagot nya. 

"Lahat na ba may kapartner?" Tanong ng teacher.

"Ooooppppo!" Sabay sabay naming sagot na ubod ng haba. ^_^

Question and answer ang activity nun, kahit anong tanong. Ang topic kasi namin nun e rising and falling intonation. 

Ako ang unang nagtanong sya lagi ang sagot. Bali ako yung rising, sya ang falling.

"Are you happy?" 

"Yes, I am"

"Do you like puppy?"

"No, i don't" 

"Do you have a crush?" 

"....."

"Uy... tagal mo sumagot. Last na yun tapos ikaw na magtatanong" kinalabit ko sya dahil nakatingin lang sya sa may bintana. Nung lumingon ako kung san sya nakatingin, may babae akong nakita, si ate Nikki. Grade 6. 

"Crush mo si ate Nikki?" 

Napalingon naman agad sya sakin.

"Hindi.. yes i have yung sagot ko sa tanong mo. Ako na magtatanong" 

"Eeeh, teka teka! Isang pang tanong! Sino yung crush mo?" 

"Did you eat your breakfast?" 

"Wah, wait! Sagot ka muna!" 

"Are you deaf?" 

"Tsk! No, i'm not!"

"Kainis to. Daya mo. Sabihin mo na kung sino... secret lang natin!" 

"Can you be my bestfriend?" 

I smiled.

"Sure! Sure!!" Sigaw ko na may halong excitement. 

Narinig ako ng teacher namin kaya lumapit ito sa amin. 

"Erika. That's not a falling intonation, say it again.." kalmadong sabi ni ma'am

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon