Previous Page of 4Next Page

[BME 1] : BAD MEETS EVIL (Completed)

Dedicated to
BeyaNana
spinner.gif

 

 

 

 

 

 

                                43. LONG-DISTANCE CELEBRATIONS.

 

"Girls! Puntahan natin ang lolo nyo?" Aya ni mommy sa'min pagpasok nya ng kwarto. 

 

Kasalukuyan kaming nanunuod ni B ng kung anong palabas sa tv.

 

Mag-iisang buwan na kami dito sa Canada. Miss ko na nga si TJ eh.

 

Dito kami nag-celebrate ng Christmas, at maya-maya lang, New Year na sa Pinas. Aww. Hindi kami magkasama ni TJ. Ibang babae ang kasama nya. Paka-babaero. Katampo.

 

"Sure mame, wala naman kaming nagawa ni B dito." Sagot ko kay mame.

 

Buti na lang ayos na si mommy tsaka si lolo. Ang gara lang, kung kailan pa nagkasakit si lolo at nasa ospital, tsaka lang kami nagkita-kita. Kung sana mas maaga-aga, nakakasama pa namin sa outing ang lolo. Pero hindi, sa ospital lang namin sya nakakasama. Bawal kasing lumabas ng matagal si lolo. Sayang.

 

"Okay." Kibit-balikat na sagot ni mommy. Isasara na sana nya ang pinto nang biglang pumasok din si dad.

 

"A, nakalimutan ko ng ipakita sa'yo. Oh, heto anak…" Umupo si daddy sa gilid ng kama at may inilapag na album sa harap namin ni B.

 

"Ahh, pangit kaya nila dyan! Ew! Wag mo ng tignan A! Haha!" Buska ni B.

 

"Batang 'to…" Pabirong akmang ipupukpok ni daddy kay B ang album.

 

"Mommy oh!" Tumayo si B at tumakbo kay mame sabay yakap. 

 

Ang harte ng batang to. Pa-baby lang eh.

 

"Daddy! Inaaway mo baby ko!" Pabirong saway ni mommy kay dad.

 

Si daddy naman ngingiti-ngiting nailing na lang. "Baliw lang."

 

Haha. Ang saya talaga kapag ganitong kumpleto kami.

 

Inumpisahan kong huklatin ang album.

 

"Puro kami lang ng mommy mo 'yan kasama ang ibang mga kaibigan namin noong girlfriend ko pa lang sya." Paliwanag ni daddy habang pinakakatitigan ko ang mga pictures nila.

 

Naupo na rin si mommy at B sa kama.

 

May kalumaan na ang mga pictures. Laging magkatabi si mom at dad, pero mas nakaagaw ng atensyon ko ang isang lalaking halos kasama rin nila sa lahat ng pictures. At eto pa, kapag hindi sila magkakatabing tatlo, may mga kuha sila na ‘yung lalaki, nakatingin kay mame. Stolen shots ata. Pero parang ang weird naman, may gusto kaya 'yung lalaki kay mommy dati? Hmm…

 

"Dad, sino sya?" Tanong ko kay daddy at itinuro ko ang litrato nila na kasama ang lalaking nakaagaw ng atensyon ko.

 

Pati si mommy at B nakiusyoso at tinignan din ang tinuro ko.

 

"Ang weird 'no, A? Bestfriend daw. One-sided ata kay mommy. Haba ng hair, mana sa'tin! Haha!" Agaw eksena ni B. Ang epal tala. Haha

 

Pero napakunot ang noo ko. Hindi sa nagulat ako na alam ni B 'yun, natural malalaman nya 'yun dahil tyak na nai-kwento na sa kanya ni daddy. Hindi rin ako nagulat sa one-sided love na sinabi nya kung totoo man nga iyon. Pero kasi…. parang nakita ko na 'yung lalaki.

 

Nakita? Hindi ata. Pero parang namumukhaan ko eh. Nakita ko na kaya ang lalaking 'to?

 

"Muntik nang magpakasal ako sa kanya…" Biglang saad ni mommy.

 

What? Muntik??

 

"Bakit hindi ko alam 'yan!" B.

 

"Pa'no mo malalaman, eh kailan ko lang din nalaman? Wala na kaming koneksyon sa isa't isa noong maghiwalay kami ng mommy nyo." Sagot naman ni daddy.

 

"Oo nga pala." Napatango na lang si B.

 

"Mame, kwento ka nga, dali! Pa'nong muntik na kayong magpakasal? Bestfriend? Rebound? Ano 'yan, mame? Kwento, dali!" Naatat n tanong ko.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (67)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Cast

Kathryn Bernardoas Helen Arianna Santana
Daniel Padillaas Troy Jefferson Salamat

Recommended

Off-limitsDestined EnemyMy Best ENEMY turns to My Best HUSBANDHow to produce a Prince