CHAPTER COVER: Choi Sulli as Eunice Samonte
**
"Wahh! (T___T) Ansaket! Tama naa! Lolo naman ehh! We-wait. Teka sino yun?" nabigla naman ako nung biglang tinuro ako.
Hihihihi.. hindi ko akalain may gwapo rin pala rito (*__*)
"Halika rito, ipapakilala kita. Siya yung bagong itinakda."
"Maganda naman eh. Mamaya na." sabay alis niya. We-waait maganda daw? (o////o) Aysh, na se-sense ko na ang panget na side niya.
"Elio Jeiro! Bumalik ka rito!!" Sumisigaw na si lolo Vhal at lumapit na lang sa akin.
"Sino po ba yun?" Pagtatanong ko sa kanya. "Inampon ko siya para may kasama ako sa bahay. Pero tinuturing ko siyang apo."
"Ahh.." Buti pa siya may kasama sa buhay. Samantala ako wala na, walang wala. "Bakit hija? May problema ba?" napatanong naman si lolo Vhal.
"Wala po.. na mi-miss ko lang ang mga magulang ko."
"Wag kang magalala. Kapag nakaligtas ka sa Fabolloso Bellum ay pwede kang bumalik sa inyo."
"Wala po akong magulang. Ulila na po ako."
Shet tumulo bigla luha ko (ToT)
"Hija, hindi yan ang tamang solusyon para kalimutan ang problema. Iwanan mo ang iyong nakaraan at subukang harapin ang hinaharap."
Iwanan ang nakaraan..
Dapat ngang gawin ko yun..
Kaso mahirap..
Pero wala rin namang mapapala kung hahayaan ko lang 'tong lahat.
"Wag kang magpapakain sa dilim. Di nakakatulong ang pag-akbay sa nakaraan. Tapos na ang lahat. Dapat keep moving forward."
Keep moving forward
I think i really need to do that.
Na encourage ako ni master Vhalundra. Mabait nga talaga siyang wizard. Pinakain niya ako at kinewentuhan ng kung ano ano sa kanyang buhay. Nakakatuwa ang ganito, diba?
Mayamaya biglang pumasok yung Elio sa bahay.
"Lolo pahinge ng copper! SIge na lo, pleeeeeeeassee!" Copper? Oh, yun ang money system nila rito.
"Anong bibilhin mo?"
"Basta! Pagkain yun na yun."
"Osya sige. Basta isama mo itong si Eunice. I-gala mo siya sa labas para maging komportable siya rito."
"Eh?" (._____.)
"Hala sige lumarga na kayo. Kaylangan ko pa din kasi tapusin itong ginagawa ko. Delekado kung panonoorin niyo pa 'to. Mag-iingat kayo ah. Ikaw Elio, asahan mong wala na ang flute mo kapag may mangyayari jan kay Eunice! Naintindihan?!"
Pinalabas agad kami ni lolo vhal sa bahay niya. Maggagala? Bigla kaming pinagsaraduhan ng pinto. Maggagala saan?
"Wahh (T^T) Yung flute ko nanganganib." Tinititigan ko siya. May itsura naman siya, masasabing cute nga. Di ko akalain may mga ganitong kagwapo pala rito sa lugar na 'to (*____*)
"Tingin mo jan?"
"Ha?" Ehrmm...
"May copper ka ba?"
"Ah.. Wala.."
"Hmm.."
"Hehehehehe! Tara! Gala tayo." weird yung tawang niyang yun. Parang evil plan? Hala kaaa nyan.
Naglakad siya paalis, sinundan ko lang siya. Natatakot akong maligaw. Ang dami pa namang creepy creatures dito. Brrr
Nakasunod lang ako sa kanya, hindi siya umiimik o kaya magsalita man lang. Akkwaard. Lakad kami ng lakad at hanggang makarating kami sa isang maliit na nayon. Waahh! pinagtitinginan ako! Paano ba naman yung suot ko iba sa suot nila.
Ang daming tao sa paligid. Teka, tao nga ba sila. Ay oo Senrei nga pala. (=3=) Pero mukang tao parin yung iba. May nakikita rin ako mga kung ano anong nilalang sa paligid, hindi sila mukang tao! Yung iba kamuka ni Sapiro, mga goblins din siguro. Yung iba mukang wolves, ahas at ewwaan!
"Hellloooo Elio ko!" biglang may humarang na babae kay Elio. Sino naman yun? Bakit may 'ko' sa tawag niya sa kanya. Ahhh siguro girlfriend =3=. tsk
"Wag mo muna akong kulitin Seina! Doon ka muna!" bigla bigla namang kumapit ito sa braso ni Elio. Oooww landian in public alert! alert! alert!
"San ka pupunta? sama na ko? sige na! please? please? pleeeeaaaasee." pero saying the truth maganda siya. Ano daw pangalan niya? Seina?
"Ano ba Seina! May pupuntahan kami!!" bigla namang bumitaw ito
"Kami?? sino kasama mo???" bigla naman tong tumingin sakin. Oy! Oyy! wala akong kasalanan dito! (.___.)
"Sino siya??! Anong klaseng nilalang yan? Bakit ganyan suot niyan? ano yan?" grabe! maka nilalang ah. Tao ako no!
"Mamaya ka na mangulet.. Ayokong mag explain explain dito. Tara na nga!" bigla niyang hinawakan kamay ko. Bigla akong kinalabit ng kilig (>///<)
"Anooo?! NO! Sino yang babaeng yan! ipakilala mo muna sakin! Hooooy! Elio ko wag kang mang-iwan!" para siyang baliw sigaw ng sigaw. Kaano ano ba siya ni Elio? Kung girlfriend, bakit niya iniwanan?
Di parin siya umiimik habang naglalakad kami. Kaya nag start ako ng conversation.
"Girlfriend mo ba yun?"
"Huh? anong girlfriend?" So di nila alam ang salitang girlfriend.
"Ang ibig sabihin nun karelasyon o may koneksyon sa isa't isa. Girlfriend mo yung babae kanina?" ewan ko ba kung bakit ko tinanong 'to (=3=)
"Koneksyon? Relasyon? Hinde ah! Siya lang naman ang naghahabol habol sakin." Ahhh.
"Sabagay gwapo ka (=3=)" binulong ko lang. Totoo naman eh, may look siya.
"Ano?"
"Ha? Anong ano?"
"Tss.."
Maya maya bigla siyang tumigil. Nandidito kami ngayon sa isang madamong lugar na sobrang daming malalaking bato. Grabe naman ang lalaki ng mga bato rito, yung iba mas matangkad pa sakin. Ano naman gagawin namin dito.
"So ganito ha, may iuutos ako sayo. Kaylangang mong sundin ha." ano namang iuutos nito
"Ano?" maikling sagot ko
"Ang una.. tulungan mo ko hanapin yung Aeris Bird. Kulay bronze siya. Basta mahaba leeg nito at hindi nakakalipad" Aeris Bird? bagong word ah.
"Okay" ang sabi maggala daw eh hindi maghanap ng bird -___- Sige sige hanapin nalang din. Ano naman gagawin niya sa ibong yun. Wala naman sigurong evil plan dito no.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists
| Choi Sulli | as Eunice Samonte |