Chapter 15: Manliligaw

3.4M 64.4K 35.1K
                                    

"Manang, gising na!"

Ugh. Antok pa ako. Parang ayoko pa bumangon. Ang sarap-sarap matulog ngayong malamig 'yong panahon. Pilit akong tinatawag ng malambot kong kama.

"Gusto mo bang mabuhusan ng tubig?" Dumilat agad 'yong dalawa kong mata sa sinabi ni Kuya Charles. Ayan na naman siya.

"Subukan mo lang, Kuya." Tumayo agad ako tapos tiningnan ko siya nang masama. "Gising na ako kaya sige na, tsupi! Alis!"

"May nag-aantay sa 'yo sa labas. Bilisan mo riyan." Ang sama rin ng tingin niya sa 'kin. Teka nga lang, may naghihintay raw sa 'kin sa labas?

Sino naman kaya 'yon?

Nagmadali akong pumunta sa banyo ng kwarto ko. Naligo at nag-ayos agad ako. Hindi ako mapakali, hindi ko alam kung sino 'yong naghihintay sa 'kin sa labas. Posible kayang si Lucas 'yon? Aish! 'Wag kang assumera riyan, Candice. Asa naman 'no.

Bwiset! Bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Lucas?

"Roo!" Nakaayos na ako at lahat no'ng talunan ako ni Cholo. Ang bigat ng chow chow na 'to. "Roo!"

"Aw, baby." Niyakap ko siya nang mahigpit. Miss na siguro niya na makalaro ako. "Cholo baby, maglalaro tayo pagkauwi ni Mommy, ah?" Hinalikan ko siya pagkatapos ay bumaba na ako.

"Candice! Candice! Candice!" tawag sa 'kin ni Mama. Parang kinabahan ako bigla. Ayoko kapag ganito ka-hyper si Mama. "May lalaking naghihintay sa 'yo sa labas ng bahay natin." Wow, parang excited pa siya.

Kaso teka, may lalaking naghihintay sa 'kin sa labas? Meaning, hindi kilala ni Mama? So hindi pala si Lucas 'yon.

Sabi ko naman kasi sa 'yo, Candice, e.

"Teka, paano niyo nalaman na ako 'yong hinihintay niya?" Baka mamaya naman, manliligaw 'yan ni Mama. Ayokong maging assumera. Mahirap na, baka mapahiya pa ako.

"May dala-dala siyang bulaklak. Manliligaw 'ata e. Hindi naman pwedeng ako 'yong liligawan niya." What the? Bulaklak talaga?

"Hoy, Candice! Dadaan muna 'yang lalaki na 'yan sa 'kin bago siya manligaw sa 'yo." Hindi ko pinansin si Kuya. Hahaba lang 'yong usapan kapag sinagot ko siya.

Mabuti pa, harapin ko na kung sino man siya. Kukulitin lang ako nina Mama rito. "Aalis na ako, Mama. Bye!"

"Hindi ka na ba kakain, anak?"

"Hindi na po," nginitian ko siya pati si Kuya.

"Hoy, Candice! Hintayin mo ko!" Hindi pa nga siya tapos kumain tapos hihintayin ko pa siya? Bahala siya riyan.

Lumabas agad ako para makita ko kung sino 'yong lalaking 'yon. Who you siya?

Pagkalabas ko ng gate, may isang lalaki na nakatalikod. Sino naman 'tong lalaki na 'to? Ang aga-aga, may bulaklak pa siyang nalalaman ha.

"Sino ka?"

Pagkalingon niya sa 'kin, nanlaki 'yong mata ko. Siya?! Siya 'yong lalaki kahapon sa Starbucks. Siya raw 'yong magiging future boyfriend ko? Wow ha. Ano bang pangalan nito?

"Maganda ka pa sa umaga, Candice." Ang lapad ng ngiti niya sa 'kin. Babanat-banat pa siya sa 'kin ha.

"Ikaw na naman?" Natawa siya.

"Ako nga. Si Blake. Masanay ka na, Candice my loves. Simula ngayon, palagi mo na akong makikita. Sabi ko naman sa 'yo, ako ang magiging future boyfriend mo."

Wow ha. Wow lang talaga. Ang lakas ng hangin. Buti na lang hindi ako natangay.

"Ito o, flowers." Inabot niya sa 'kin 'yong bulaklak pero hindi ko 'yon kinuha.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon