Wizard's Tale 1: Chapter 9

189K 4.8K 248
                                    


(Alyanna POV)


"Hwaaaaaaaaaaaaah—ugh!" Nakaluhod na naman ako sa lupa. Nakabalik na kami mula sa Otherworld at ang dinaanan namin ay yung kasumpa-sumpang portal nila.

Nagawa naman akong tulungang tumayo ni Brylle pero sa pamamagitan yun ng paghila sa kwelyo ko! Ang gentleman noh? Gusto kong ma-meet niya ang kamao ko kahit one time lang.

Syempre, naghintay muna kami ng ilang minuto para maka-recover sa trauma ang mga lamang loob ko sa tyan. Ang tagal pa nga bago bumalik sa normal ang umiikot kong paningin.

Nang makatayo na ako sa sarili kong mga paa, saka na kami naglakad pabalik sa mansyon niya.

Sa paglalakad namin pauwi, ang dami kong tinatanong sa kanya tungkol sa Otherworld. At masaya naman ako dahil hindi siya napipikon sa kakulitan ko ngayon. Yun nga lang...

"Alam mo Brylle, hindi lang ito ang dapat nating bilhin."

Hindi siya napipikon dahil madalas din naman na hindi niya ako sinasagot! "Nakikinig ka ba? Walang stock ng pagkain sa bahay mo. Paano ako makakapagluto kung walang ingredients?"

Napatigil siya bigla sa sinabi ko. At tamang-tama dahil medyo malapit na kami sa isang grocery store. "May pera ka bang dala bukod sa Rugrants? Ayun lang yung grocery store!"


* * *


Napapayag ko si Brylle na mag-grocery kami. Pero nagka-abirya kami sa harap ng baggage counter. "Sa totoo lang Brylle, first time mo lang bang makapunta sa ganitong lugar?"

Ayaw niya kasing bitawan yung basket na naglalaman ng lahat ng pinamili niya sa Necro Market. "Basta ayoko! Mahirap ipagkatiwala sa ibang tao itong mga pinamili ko!"

"Ow Em Ji Brylle! First time mo nga!" Tapos tinuro ko sa kanya yung malaking sign na, BAGGAGE COUNTER. "Iniiwan talaga ang mga gamit bago ka pumasok sa loob! Part of security yun!"

"Eh paano ang magbabantay nito? Paano kung kalikutin niya itong mga gamit na pinamili ko!"

"They won't do that! Ano ka ba!"

Ignorante din pala ang mayabang na Wizard 'to. Nakakatawa pero ang hirap ding paliwanagan. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil sa pagtatalo namin.

"Okay ganito na lang. Kung ayaw mong ipaiwan yan dito, maghintay ka sa labas at ako na lang ang papasok sa loob para mamimili."

"Inuutusan mo ba ako?"

"Hindi po." Naiinip na talaga kasi ako sa nasasayang naming oras. "Sasama ka ba at ipapaiwan na yan sa baggage counter? O maiiwan ka na lang dito para ako na lang ang mamimili sa loob?"

Ang tagal pa na nag-isip si Brylle. Sa huli, wala siyang nagawa.


* * *


"Papayag din pala, pinatagal pa."

"May sinasabi ka?"

"Wala po!" Bulong ko na nga lang yun sa sarili kong naririnig pa niya!

Anyway, natawa ako sa ginawa ng ignorante kong boss. Biruin mo ba naman, pinagbantaan niya pa yung nagbabantay sa baggage counter para lang masiguro na hindi nito gagalawin ang mga pinamili namin. Nakakatawa lang talaga!

"Ang baho naman dito!"

"Syempre nasa meat section tayo!" At pumili na ako ng magagandang karne. Expert na ako sa ganito dahil lagi akong inuutusang mamalengke ni Auntie Seline. "Mahilig ka ba sa chicken? Anong part ang gusto mo?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon