Chapter 10

499K 6.6K 1.5K
                                    

Yumiko POV

Pagkatapos ng paninigaw ko kay Lance dahil sa pagiging pervert nya, sumuko din ako. I let him stay here in my room. Matutulog kami ng magkatabi for Pete sake.

Pesteng magic word na yan. Lagi nalang bukambibig. Psh.

Steady lang ang pagkakahiga ko since yung paa ko ay injured. Nakapatong sya sa malambot at malaking unan. Ang sakit kasi 'pag nagalaw. Sana naman gumaling din 'to agad. Ang hirap ng hindi nakakapaglakad.

"Babe.."

Para akong kinikilabutan 'pag tinatawag akong 'babe' ni Lance. Di na kasi ako sanay. Diko pa din ako makapaniwala na ngayon, nagiging sweet sya sakin tapos ang bait nya pa.

Parang nung mga nakaraang araw lang, tinataboy nya ako.

"Tulog nako."

"Paano ka nakapagsalita kung tulog kana? Tch."

Nag-try lang mamilosopo eh. "Psh."

"I'm sorry.."

"I'm sorry for being such a jerk. For hurting you, for pushing you away from me. I'm really sorry. Umaasa ako na maibalik pa natin yung dati.."

Nanggigilid ang luha ko. Bakit ganito si Lance. Bakit ba sya ganito?

"You love someone else.."

"How many times do I need to tell you, you're still the one I love."

"Sinabi mo yun sa harap nina Papa nung tinanggihan mo yung arranged marriage." Sabi ko. Nag-uusap kami ngayon na kapwa nakahiga lang sa kama. Steady. Hindi ako tumitingin sa kanya sa tabi ko.

Kusa ng tumutulo ang luha ko. Everytime we open this topic, nasasaktan talaga ako.

"Sinabi ko lang yun dahil galit ako sa'yo. Dahil sa pang-iiwan mo sakin six months ago." Seryoso nyang sabi.

"That's not a valid reason Lance. Kahit galit ka sakin, you shouldn't told me that you love someone else dahil may mga instances na baka maniwala ako, na baka yun ang tumatak sa isip ko. Like now, paulit-ulit na nagpa-flash sa isip ko kung paano mo sinabi na may mahal ka ng iba. It hurts like hell. That's why I almost give up on you."

"That's why I'm asking for your forgiveness. It's my fault. Lagi kong pinapagana yung galit ko. Hindi ko iniisip yung mararamdaman mo. I'm really sorry babe. Please forgive me?" Sabi nya saka tumagilid na sa'kin then he held my hand.

Bibitaw sana ako pero lalo nyang hinigpitan. "Please babe. Ibalik natin yung dati.."

"I don't think I can do that. Masyado na'kong nasaktan. Madali sakin na kausapin ka, pansinin ka, pero ang patawarin ka? Diko alam Lance. Hindi ganon kadaling magpatawad." I said while crying.

"I understand. But please, hayaan mo lang ako dito sa tabi mo.."

"I don't think so.." Sabi ko. "I want to sleep." Kunwari ko lang. Dipa naman ako antok. Di ko nga alam kung makakatulog ako na katabi si Lance ngayon.

"Okay let's sleep." Sabi nya saka ako hinalikan sa labi. Smack lang pero nagulat ako. Parang ang awkward na ngayon 'pag nagiging sweet si Lance. Ewan ko ba. Bahala nga sya.

"Goodnight babe. I love you." Sabi ni Lance. Hawak pa din pala nya yung kamay ko.

"Night."

Ayoko muna sagutin yung huli nyang sinabi. Diko pa kaya. Nag-a-acting lang si Lance. Ayoko pa din umasa na minamahal pa din ako ni Lance.

***

Kinaumagahan..

Nakapikit pa'ko. Parang ayoko pa bumangon. Bukod sa masakit pa binti ko, parang masakit din buong katawan ko. Aish. Ayoko ng ganito.

MY 2: The Vow (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon