Wizard's Tale 1: Chapter 8

198K 4.9K 538
                                    


(Alyanna POV)


Nilibot namin ang Necro Market at marami pang kakaibang bagay na binili si Brylle. Bukod sa telang fireproof at nagiging invisible underwater, bumili pa siya ng bag kung saan kasya ang lahat, ballpen na nagiging invisible ang tinta at kung anu-ano pa!

"Saan ka nakakakuha ng rugrants?"

"Bakit may gusto kang bilhin dito?"

"Tatanong ko lang kung marami ka pa bang bibilhin at parang hindi ka nauubusan ng pera." Ang dami na rin kasi ng bitbit ko! Ang bigat na!

Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at pumasok kami sa isang shop na pagawaan daw ng wands. Binasa ko ang pangalan ng shop, "Necro Truncheon Shop."

Pagpasok namin, sinalubong kami ng isang matandang lalaki. "Mr. Zaffiro!" Pansin ko lang na sa lahat ng tindahan na pinupuntahan namin, sikat si mokong!

"Hello Rufus! I'm here for my new wand."

"It's done!" Tao naman si Rufus—tao nga ba o nagkatawang-tao lang? May hinalughog siya mula sa ilalim at nang harapin niya uli kami, may dala na siyang box na naglalaman ng stick—isang magic wand.

Napatingin naman siya saakin. "Sino nga pala siya?"

"My mortal helper, si Yana." Napatingin siya saakin at pinalapit niya ako sa kanila. Tapos may kakaibang tinginan sina Rufus at Brylle, nakaka-ewan sila! Ano kaya yun!

"Anyway here's your new wand." Iniabot na ni Rufus ang wand kay Brylle. Kung ganun, balak nang palitan ni Brylle yung mahaba niyang baston. "As you wished, ginamit ko yung live oak and willow wood at pinag-combine ko ito gamit ang copper wires na ibinilin mo saakin noon."

Mas maganda yung hawak na wand ngayon ni Brylle. May mga nakaukit din na symbols dun. "I carved those during the waxing phase of the moon. Subukan mo na."

Ngumiti si Brylle. Tinanggal niya yung red crystal na nakalubog sa luma niyang baston at inilipat yun sa bagong wand na ginawa ni Rufus. "Perfect fit!" Mas bumagay nga ang crystal sa bagong wand.

"Now test your magic!" Testing mode na?

"Yana, pumunta ka muna sa likod ko." Nagmadali naman akong sumunod dahil malay ko ba kung anong gagawin niya di ba! At pag-swish ni Brylle, nabasag yung mga salamin sa bintana ng shop ni Rufus.

Sa ginawa niyang yun, natalsikan pa ako ng bubog sa mukha at nasugatan ang pisngi ko! "Aray ko." Pero walang pumansin saakin! Yung atensyon nila ay nandoon sa bagong wand.

"Oops! I'll pay for that."

"Haha..." Napakamot na lang si Rufus sa ulo niya. "Madalas nang mangyari ito."

"But this is great Rufus!" Naglabas na ng bag of rugrants si Brylle pambayad kay Rufus. "I'm very pleased kaya dinagdagan ko pa yan! Pambayad na din sa mga nasira ko."

"Kaya favorite customer kita Mr. Zaffiro. At dahil dyan, ako na ang bahalang mag-dispel nitong luma mong scepter."

"Salamat Rufus." At nginitian niya si Rufus. "So till next time."

Lumabas na kami dun sa shop. Ako naman, pilit na pinupunasan ang dugong tumutulo pa rin sa pisngi ko.

"Dalian mo Yana! May pupuntahan pa tayo!"

"Nariyan na!" Hinayupak na lalaki 'to! Hindi na naawa! Kung sa bagay, hindi naman niya yata nakitang nasugatan ako. At kung nakita man niya, malamang ano naman bang pakelam niya!

Nang magkasabay na kaming maglakad, saka lang siya napatingin saakin. "Ang kupad mo, alam mo yun?"

"Ito na nga po, binibilisan na!" At inirapan ko na lang! Buset! Sinugatan niya ang mukha ko!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon