Certified: Feeler (One-shot)

17.4K 731 114
                                    

Correct me if I have typos or wrong grammars <3 love lots

--------------------------------------------------------------------

Phil Era Santos's Point of View

Habang feel na feel ko ang paglalakad sa hallway dahil sa wind effects na nililipad ang buhok ko na parang pang model ang dating ay nakasalubong ko ang crush ko.

Kahit na nadaanan na namin ang isa't-isa pakiramdam ko nilingon niya pa ako. Ang ganda ko talaga yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.

Feeling ko nga crush din talaga ako ng crush ko, natotorpe lang siguro siya o naghahanap ng tamang tiyempo para umamin. 

Sa apat na taon ko siyang hinintay magconfess hindi pa rin niya ako nilalapitan, hanggang ligaw tingin lang ata siya eh. Siguro iniisip niya na maraming nagkakandarapa sa kanya kaya dapat ako ang mag first move pero no way, hindi por que sobrang gwapo niya ay hindi na ako magpapakipot.

Minsan nga nung magka eye-to-eye contact kami ay ang tagal niya bago inalis ang titig niya. Ako pa ang unang tumingin sa ibang direksyon.

May mangilan ngilan namang nagha-hi sa akin na nakakasalubong ko at binabati ko din sila pabalik. 

Nang makarating ako sa room namin, agad akong umupo sa upuan at sinimulan ang pagbabasa ng libro.

Pakiramdam ko nasa akin na nga ang lahat eh. Ganda, talino, talents, height (na hindi karamihan ang nakakakuha), at marami pang iba. Feeling ko nga isa ang mga iyan sa nakakapag-attract kay Gian, yung lalakeng nakasalubong ko at crush ko na feeling ko ay may gusto din naman sa akin.

"Oy Era, nandito ka na pala. Alam mo na ba?"

"Na ano?"

"Na may babaeng matagal na daw na gusto si Gian at taga dito daw sa room natin. Tapos invited ang buong section natin sa gig nila sa Saturday. Aamin na din kasi siya sa nararamdaman niya towards kay lucky girl after four years ng pagiging tahimik niya."

Totoo ba ito? Aamin na siya sa akin at sa harap pa ng maraming tao?

***

Saturday na pala at mag-aalas otso na. Ang sabi kasi ay 8 ang gig nila at yun na nga aamin daw si Gian sa taong gusto niya which is feeling ko talaga ay ako. 

Kaya nagbihis ako ng maganda. Nag-ayos na din ako para mukha naman akong presentable sa harap ng maraming tao.

Nagmadali ako kasi baka hindi ako makarating on time, ayoko namang mamroblema pa si Gian kasi wala pa ako.

Nakarating ako mga anim na minuto bago mag-eight. Mabuti naman at tama lang ang dating ko. Pinapakilala na ang banda nila at natural bilang mga may itsura sila ay maraming babae ang kinikilig. 

Certified: Feeler (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon