Chapter 10: Asset

2.9K 59 6
                                    

Umuwi ako ng bahay na may tatlong dala. Yung cellphone, yung extra assignment sa Physics na pinapagawa kay Clyde dahil sa pagabsent niya at yung marka sa may kanang balikat ko.

Wala akong nagustuhan kahit isa lalo na yung marka na ginawa niya.

Alam ko gusto niya gumanti kay Sage pero hindi ko akalain na sa akin niya gagawin yun. Aaminin ko natakot ako nung nakita ko yung itsura niya nun. Galit na galit siya kasi naisahan siya ni Sage. Wala naman talagang nangyaring 'intimate' moments. Kung ano man yung pinagsasabi ni Sage kay Dustin at kay Brian, alam kong gusto niya lang na mabadtrip lalo si Clyde sa kanya.

Dumeretso ako sa kama ko. Binuksan ko yung lalagyanan nung cellphone at kinuha ko yung iPhone ko. Nung tinignan ko yung contacts ay andun na ang number ni Clyde.

Kung paano ako nakauwi ay masyado ng malabo yung naaalala ko. Buong byahe pabalik ay nakatulala lang ako. 

Mukhang nakita ko na ang iba niyang mukha.

May kumatok sa may pintuan ng kwarto ko.

"Nak, Hannah"

Agad kong binuksan yung pintuan ng kwarto ko.

"Ma ano po yun?"

Pinakita sa akin ni Mama yung hawak-hawak niya. M&Ms, Ferrero at Cadburry.

"Kailangan na ata nating simulan ang pagubos nitong mga chocolates na ito anak. Hindi na masarap kung tunaw na to. Sino nga ulit ang mabait mong kaklase na nagbigay sayo nito?"

Parang may bumara sa lalamunan ko nung sinabi yun ni Mama. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya kung sino ang nagbigay nung basket ng chocolates.

"Si Clyde po, Ma"

"Siya din ba naghatid sayo kahapon?"

"Opo" nahihirapan kong sagot sa nanay ko.

"Pasabi sa kanya salamat at napakabait niyang bata"

Nanikip yung dibdib ko "Sige po Mama"

Mukhang nakuha na agad ni Clyde yung loob ng nanay ko. Walang nakikita ang nanay ko kundi kabaitan sa ibang tao. Hindi siya nagisip ng masama at yun ang isa sa mga gusto kong ugali niya na magkaroon ako.

Pero nung nakilala ko si Clyde, ayaw ko man pero puro kasamaan lang ang naiisip ko sa kanya.

__________________________________________________________

Pumasok ako ng maaga nung Monday. Ayokong makasalubong ang kahit sino man. Kahit saglit lang ayokong makita kung paano nila ako tignan at pagbulungan.

Wala pang tao nung pumasok ako sa room. Agad akong dumeretso sa likod at nilagay dun ang assignment na pinapagawa sa akin ni Clyde. Pagkatapos nun ay dumeretso agad ako sa upuan ko. Napansin ko na bagong pintura yung desk ko at mukhang mas buhay ang kulay nito kung ikukumpara sa ibang desk.

My MiracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon