C10: Psycho

341K 7.1K 2.6K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Denise's POV


Nasa may gilid kami ng hallway kung saan hagdanan ang nasa ibaba nito at ang tanging matatanaw mo kapag tumigin ka sa ibaba. Hindi ko alam kung bakit tinawag kaming lahat ni Amanda rito. Basta sabi niya magugustuhan daw namin ang mga manyayari. Papasok na daw si Lilith ngayong araw na to. Halos ilang buwan din siyang di pumapasok. Ang sabi ng iba, nasa Mental daw. Siya ang pinakakakaiba sa klase kaya di nakakapagtaka na araw-araw siyang binu-bully. Isa siyang napakalaking misteryo sa amin.

Nakakatakot ang presensiya niya lalo na ang mga sinasabi niya. Natatakpan din ng buhok ang mukha niya. Halos ilong lang ang makikita mo. Minsan matatakot ka pa kapag nakita mo ang mata niya. Ilang beses na siyang pinagsabihan ng mga teachers pero kahit anong gawin nila, di pa rin nila mapilit si Lilith na ayusin ang kanyang sarili. Hindi lang daw niya pinapansin ang mga ito na para bang hangin lang ang kausap nila, walang tugon.

Kahit kalian ay hindi ko nakitang umiyak si Lilith o nagalit man lang. Nananahimik lang siya at minsan ay hawak hawak niya ang paborito niyang teddy bear. Araw-araw niyang dala iyon, minsan nga kinakausap pa niya. Hindi namin alam kung nagdu-drugs ba siya o ano. Madaming beses na ring kinokumpiska ng mga teachers ang teddy bear ngunit napapaatras na lamang ang mga ito dahil biglang titingin si Lilith nang masama sa kanila.

"Anong nangyayari?" Lumapit sakin si Nichole habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa strap ng bag niya. "Babalik na raw si Lilith." Sagot ko naman. "Wow, di nga? Magaling na pala siya. Iwe-welcome ba siya ng lahat?"

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman talaga alam ang gagawin nila Amanda. Biglang dumating si Vince na may hawak na timba. Ano kayang laman ng timba? Sinubukan naming itanong ni Nichole kung ano ang balak nilang gawin pero wala kaming nakuhang matinong sagot. Aalis na dapat kami nang nakita namin na nasa hagdanan na ang pinakahihintay ng buong klase.

Nakatingin lang ako kay Lilith. Wala pa ring nagbago sa kanya. Bukod sa paghaba pa lalo ng buhok niya at sa kapayatan niya ngayon. Papalapit siya nang papalapit hanggang sa ilang hakbang na lang siya sa mula pinakadulo ng hagdanan.

Bigla kong nakitang may bumuhos sa kanya. Kulay itim ito at may kung ano anong bagay na nandoon. Kasabay ng pagbagsak sa kanya ng mga laman ng timba ay nahulog din ang mga dala niyang libro at bag.

"Welcome back, Psycho!" sabay sabay na sigaw ng karamihan sa klase namin at sabay sabay din silang nagtawanan habang nakaturo sa basing basa na si Lilith. Napanganga na lang kami ni Nichole sa kinatatayuan namin.

Nakatingin pa rin ako kay Lilith na basang basa sa mga basurang nasa damit niya. Tumutulo ang mga iyon hanggang sa sahig. Kung titignan mo palang ang kulay itim na likido, alam mong sobrang baho talaga nito. Hindi ko alam kung ano ito pero napakabaho talaga. Nakatakip ang mga ilong namin pero patuloy pa rin sa pagtawa ang grupo nila Amanda at nila Vince.

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon