Wizard's Tale 1: Chapter 5

215K 5.4K 541
                                    


(Alyanna POV)


"Dito ka nababagay! Mabulok ka rito!" Ang sigaw ng Auntie ko, saka ako itinulak papasok sa isang maliit at madilim na kwarto.

Parusa ito sa pagnanakaw ko ng tinapay dahil gutum na gutom na ako mula sa maghapong pagta-trabaho. "Hindi na po mauulit, Auntie Seline." Umiiyak akong nagmamakaawa.

"Wala kang utang na loob! Sa susunod na pagnakawan mo ako, sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo!"

Pagkasabi niya ng salitang impyerno, nagbago rin ang lugar na kinaroroonan ko at napalibutan ako ng apoy. Sobrang init, parang pinapaso ako at napuno ng pawis ang katawan ko.

May naaninag akong anino sa gitna ng apoy. "Alyanna Rohan." Tinawag niya ang pangalan ko at nang alamin ko kung sino siya, nakita ko si Brylle Zaffiro. "Welcome to hell!"

Magkasama na sila ni Auntie Seline at sabay na tumawa na mala-demonyo. Biglang lumabas sa gilid nila sina Cerina at Vander at habang papalapit sila saakin, nag-aanyong halimaw na sila.

Ano nang gagawin ko? Kakainin nila ako. Ano nang gagawin ko! "Aaaahhh!"

At nagising na ako mula sa bangungot na yun. Humihingal ako at pawis na pawis. Pero nakampante ako dahil, "Hindi totoo yun, Yana. Bangungot lang yun." Sabi ko sa sarili ko.

Pagbangon ko, may napansin naman ako. "Nasaan ako?"

Nasa isang malambot na kama ako at kahit madumi ang kwartong kinaroroonan ko, mas maganda ito kung ikukumpara sa kwarto ko noon. "Kung ganun..."Ang tungkol sa pagnanakaw ng Auntie ko at pagkakakilala ko kay Brylle Zaffiro ay, "Totoo. Totoo lahat ng yun."

Namroblema uli ako kaya napatakip na lang ako sa mukha ko. Hindi ko pa rin alam kung ano talaga itong pinasok ko. Napatingin ako sa daliri ko at suot-suot ko pa rin ang singsing mula sa spell na ginawa ni Brylle Zaffiro. Pinilit ko itong tanggalin, pero hindi ito maalis sa daliri ko.

"Walang silbi yang ginagawa mo!" Nagulat ako sa maliit na boses na nanggaling sa ibaba ng kama ko. Nang silipin ko, "Rawr!"

"Hwaaaaaaah!" Napatili ako at bumaldog sa sahig.

"Ahahahahaha!" Humahagalpak naman kakatawa ang lamang-lupang si Vander. "Mga mortal talaga! Bakit ba masyado kayong matatakutin?"

Ikaw ba naman gulatin ng isang tulad niya, hindi ka matatakot? "Anong ginagawa mo dito?"

"Aba, aba, aba! Ikaw ang dapat kong tanungin nyan!"

Kung susukatin ko ang laki—este ang liit ni Vander, mas matangkad pa ang ruler! At sa sobrang liit niya, ang dali niyang nawawala sa paningin ko. "Simula na ng trabaho mo, bakit hindi ka pa kumikilos?"

"Trabaho?" Lumingon-lingon ako, nasaan na ba siya? Tapos may tumulak sa mga paa ko. "Waaah!" Si Vander, nasa likuran ko na pala!

"Dali na, dali na, dali na!" Hinila niya ang damit ko para lumabas kami ng kwarto. "Kapag nagising si Master Brylle at wala ka pang natatapos na gawain, malalagot ka! Lagot, lagot, lagot!"

Nagsilbing tour guide si Vander sa buong bahay. Una kaming naglakad sa pinaka-maalikabok daw na parte ng mansyon, ang hallway! Tapos sa pinaka-masangsang, ang banyo! Pinaka-magulo, ang living room at sa pinaka-masagwa, ang dining room. Lastly, dinala niya ako pinaka-nanggigitata, ang kusina ng bahay!

"Kadiri naman kayo! Parang hindi tao ang nakatira dito!" Naiiyak ako sa sobrang pandidiri!

"Eh hindi lang naman talaga tao ang nakatira dito! Pati isang Garden Gnome! Ako, ako, ako!" At nagpunta sa mataas na pwesto si Vander para magkasing-pantay na kami. Sa totoo lang, hindi na ako natatakot sa kanya, kasi ang kulit-kulit niya! At napaka-cute pa.

"So paano ba naging ganito kadumi ang bahay niyo?" As in ang tinutukoy ko ay ang buong mansyon!

"Rituals, spells, research, trainings. Rituals, spells, research, trainings. Rituals, spells, research, trainings. Rituals, spells, research, trainings. Rit—" At pinigilan ko na siya sa pagsasalita!

"I get it! Ganun kayo ka-busy!"

"Tama!" Tapos tumalon siya kung saan. Nakarinig ako ng mga ingay at kaluskos at nang lumabas siya uli, "Heto ang walis, basahan, sabon..." At kung anu-ano pang gamit panglinis! "Maari ka nang magsimulang maglinis! Pero tandaan mo na dapat gisingin mo si Master Brylle ng alas-sais! Nakahanda na dapat ang almusal niya kapag ginising mo na siya!"

"Vander."

Napatakip siya bigla ng tenga. Tapos pinalobo niya ang pisngi niya na parang nagagalit. "Wala kang karapatang tawagin ako sa pangalan ko! Close na ba tayo? Alam mo na ba ang lahat ng tungkol saakin? Kararating mo pa lang! Hindi pa tayo magkaibigan—"

"Okay!" Wala siyang preno kung magsalita. "Ano na lang itatawag ko sayo?"

"Ahem..." Inayos niya ang sarili niya at pinagpag ang suot niyang red-pointed hat. "I'm a 225 year-old Garden Gnome na naninilbihan sa pamilya Zaffiro simula nang ako'y ipanganak." Ganun na siya katanda? "Expert in magic under the Earth Element! Tawagin mo akong—um.... aha! Vander! Ako si Vander!"

Kanina nagwawala siya nung tinawag ko siyang Vander, tapos yun lang din pala ang ipapatawag niya saakin! Nakipag-shake hands ako sa kanya, pero dalawang daliri lang ang gamit ko dahil ang liit lang din ng kamay niya.

"Ano namang itatawag ko sayo, mortal?"

"Pwede mo akong tawaging Yana."

"Yana, Yana, Yana!"

"Hehe, kahit Yana lang." Pero inulit lang din ni Vander ang pagbanggit sa pangalan ko ng maraming beses. "Vander, pwedeng magtanong?"

"Ano yun?"

"Para saan ang singsing na 'to? Bakit hindi ko matanggal?"

"Bond ring ang tawag dyan! That's your lifeline. Sa white crystal na yan naka-depende ang buhay mo." Kinabahan ako bigla kasi ang usapan ay buhay ko! "Dudumi at magiging kulay itim ang crystal sa tuwing gagalitin o palulungkutin mo si Master Brylle. Sa oras na tuluyang maging kulay itim ang crystal, magiging lason ito na papatay sayo."

Napalunok ako. Ang saklap naman nitong singsing na 'to!

"Ngunit, pwede mo itong pigilan sa pamamagitan ng pagpapasaya kay Master! Bukod doon, kapag higit pa sa pagpapasaya ang nagawa mo, magliliwanag ang crystal ng singsing mo! And do you know what it means?"

"What does it mean?"

"One wish, Yana! Maari kang mag-wish sa tuwing mapagliliwanag mo ang crystal sa singsing ni Master Brylle." Napangiti na ako. Kung ganun, dapat ko lang palang pasayahin si Brylle at iwasan na galitin siya! "Ngunit hindi ka pwedeng humiling ng may kinalaman sa kontratang pinirmahan mo, maliwanag ba?"

Tinanguan ko siya. Aalis na sana si Vander pero pinigilan ko uli siya. "Teka, may isa pa akong tanong!"

"Last na 'to, Yana." Nakapamewang na siya ngayon.

"Kung makapangyarihan ang Master mo, bakit kailangan pa niya ng housekeeper at katulong na tulad ko? Hindi ba pwedeng i-magic niya na lang at linisin ang buong bahay niya?"

Tinawanan ako ni Vander at ang sakit sa tenga ng matinis niyang boses. "Hindi ginagamit ni Master Brylle ang kapangyarihan niya sa mga bagay na pwede namang iutos sa iba. Isa pa, lilinisin niya, dudumi lang din! Tapos lilinisin niya, at dudumi lang uli! At lilinisin na naman niya, at dudumi uli. At lilinisin uli—"

"Hep! Ibig sabihin, paulit-ulit lang?" At pansin kong mahilig talaga si Vander na ulit-ulitin din ang sinasabi niya.

"Tumpak! At sa dami ng trabaho at gawaing ginagawa ni Master, hindi na niya maisisingit pa ang paglilinis dahil dudumi nga lang uli!" Lumambitin na sa kisame si Vander matapos ang paulit-ulit niyang paliwanag. "Magsimula ka nang maglinis!" At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon