MALDITA 12

1M 27.1K 6.5K
                                    

Maldita 12

This is it! Ito na ang pinakahihintay kong araw. My best friends texted me and everything is settled. Napadalhan na ang lahat ng dapat padalhan ng invitations at lahat sila pupunta. Bago ako umalis ng bahay, iniwan ko sa mailbox ang invitation ni Avy.

Takang-taka si Ian kung ano bang party ang pinuntahan namin. Ang alam nya lang, ipapakilala ko sya sa mga kaibigan ko. Paano ba naman,sa entrance pa lang humilera na ang mga mamahaling sasakyan. Naka-postura ang mga guests suot ang mga mamahalin nilang alahas at eleganteng mga damit. Nagulat din sya when he saw me wearing a classy violet chiffon dress while he is wearing a faded blue jeans and a t-shirt. I didn't inform him about the party because I want him to look stupid.

"Sigurado ka bang ok lang 'tong suot ko?" Nag-aalalang tanong nya.

"Don't worry Ian, you look fine." Ngumiti pa ako sa kanya.

Gustong-gusto kong matawa sa discomfort na nararamdaman nya. Kanina pa din sya pinagtitinginan ng mga tao at kanina pa din sya nakatungo. I keep on assuring him that he's fine. Of course, that's a lie. The truth is, mukha syang katawa-tawa.

"There they are." I said when I saw my best friends.

As always, they all look gorgeousexcept for Nerdy who's wearing a simple blue dress. Ilang beses din syang kinulit ni Frances na i-make over pero dahil may katigasan talaga ang ulo ni Nerd kaya Frances gave up. Isang ngiti lang ang ibinati nila sa akin noong makita nila ako at ibinaling ang atensyon sa lalaking kasama ko. Pinasadahan nilang lahat ng tingin si Ian from head to toe. If I know, they are mentally making fun of my soon to be ex-boyfriend.

"You must be Ian." Aira said na may halong panlalait sa boses nya. I know her very well, tono palang ng boses nya alam ko na kung anong iniisip nya. Sure akong tawang-tawa na sya sa itsura ng kasama ko.

Tumango lang si Ian sa kanya at tumingin sa 'kin, ngumiti naman ako. Ipinulupot ko pa ang mga kamay ko sa braso nya. Nakita ko pang napa-ikot ng mata si Dhonna dahil sa ginawa ko.

"So you're Avah's boyfriend or driver? Oppss. Sorry, 'yong suot mo kasi medyo eww." Frances said mockingly.

"Frances! You're so mean. That's what you called outfit; outdated and not fit for this party." Sabi ni Dhonna at saka sila nagtawanan at nag-high five. Napatingin naman ang ilang guests sa amin at saka palihim na natawa.

Halos lumubog naman sa kahihiyan si Ian. Dapat lang 'yan sa kanya, damahin nya ang hiya na minsan nya ding ipinaranas sa akin. Kulang pa 'yan, nag-uumpisa pa lang ako.

"Guys, tama na. Ano ba naman kayo. Don't be so mean, he's my boyfriend. Ian, pagpasensyahan mo na sila ha, ganyan lang talaga sila. Kapag tumagal-tagal na masasanay ka na din sa kanila.You look fine, don't mind them...ok?" I rubbed his back saka ako ngumiti sa kanya. Mukha naman syang nakampante sa sinabi ko.

Ako na ang best actress! I deserve some applause and standing ovation.

Maya-maya lang ay dumating na din si Mikee at nagkatinginan silang dalawa ni Ian. Confusion iswritten all over Ian's face. He didn't know that Mikee and I are now good friends. All he knew was that, Mikee is the ex-best friend of Avy. Mikee gave me a look.

"Kayo ulit?" Taas kilay pa nyang tanong.

"Yes." Nakangiti kong sagot.He then looks at Ian sternly.

"Wow. Ang kapal din ng mukha mo 'no? Ginawa mong fishball 'yong magkapatid. Sabay mong tinuhog. Hindi ka naman gwapo pero bakitang lakas ng loob mong mang-gago?"

"Mikee!" Kunwaring saway ko sa kanya.

"Nakakaloka!" Sabi pa ni Mikee at saka naunang pumunta sa naka-reserve naming table. Bago umalis ang mga kaibigan ko they give Ian a last look and I heard them tsk-ed.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon