Previous Page of 2Next Page

A Sophomore Love~ (Tagalog)

spinner.gif

Part I

Ako si Kaye. 14 taong gulang. Kakatungtong ko palang ng second year highschool sa isang pribadong eskwelahan. Masaya  ako nung first day. Walang pinoproblema, nakikipagtawanan at nakikipag-usap sa mga bagong kaklase,at medyo malungkot na rin kasi wala na si crush na kakagraduate lang. Medyo nakakapanibago din naman kasi hindi na kami yung pinakabata sa highschool, at dahil nga sa private kami.. ang onti lang namin sa school. Sa isang section, mga 20+ lang at ang isang batch ay 40+ lang.. kaya imposibleng hindi magkakakilala ang per year level dito. Parang pamilya na nga daw kami sa sobrang close.

Second quarter na namin. Kung baga, half na ng first sem sa college. Masaya ako sa school, ang dami kasing gwapo sa third year at fourth year. Hindi ako masyadong tumitingin sa first year kahit meron, kasi sinasabi nila agad na pedo pag ganun. Ang funny lang. 

...Ang there's this Senior guy that caught my eye. Hindi man siya ganon kagwapo pero, nakakatunaw yung mga tingin niya. Siya si Miko. Mukha siyang Koreano kasi singkit, matangkad, maputi, pogi.. pero pure Filipino daw siya. Nung una, lagi ko lang tinitingan yung profile niya sa Facebook, but one time.. di ko napigilan sarili ko. Online ako at online siya, walang mangyayari kung wala akong gagawin! I know I shouldn't do the first move, pero sa panahon ngayon.. kung di unang kikilos ang girls, walang mangyayari!

"hello po." Nag-pm ako sa kanya. Bahala na kung san 'to tumungo.

"ay.. hello din!" reply niya. Kahit sa ganun, sobrang saya ko na. Grabe naman kasi, di pala siya snob! :">

"pwede po makipag-friends? :))" tanong ko.

"oo naman, basta ikaw."

Napa-isip ako.. kilala ba niya ako sa personal? bakit may 'basta ikaw'? Para maliwanagan ako.. tinanong ko pa siya.

"Kilala mo po ba ako sa personal?" 

"Uhmm.. oo.. yata? hahahha! oo." sagot niya. Natuwa naman ako dun! :"> Mygahd. Kilala pala niya ako?! Di ko ineexpect! Hihihi!

Nag-chat kami.. nang nag-chat.. nang nag-chat. Umabot sa point na ako pa yung nanghingi ng number niya, kasi masyado na akong na-attach sa kanya. After kong nag-logout, I texted him. He replied immediatly. Di ko ulit ineexpect na magrereply siya agad kasi sabi niya, di siya mahilig magtext.

Nung time na yun, uso yung mag-tatanong ka sa mga kakilala mo kung anong gusto niyong tawagan.. like for example, loves, bheb, cupcake.. yung mga ganun. Dahil sa ayokong magpaghuli kay crush, nagtanong ako kung gusto ba niyang may tawagan kami. Alam kong masyadong mabilis, pero nadadala lang ako ng emosyon. Pumayag siya at nagsend ako ng listahan.. at natawa naman ako sa pinili niya. It's "plump". Plump means chubby/fat. Yun daw yung pinili niya para huggable! :">

Lagi na kaming nagkakatext, so one time may sinabi ako sakanya..

"Approach mo naman ako sa school, lilibre kita pag ginawa mo yun."

Di siya nagreply that time. Kinabukasan, nag-iintay ako.. pero di niya ako na-aaproach. Busy ata kasi yung fourth year that time about their review. The next day, I'm still waiting for him. Akala ko di nanaman niya ako iaapproach pero, may biglang..

"KAYE!" Ang layo pa lang niya, sumigaw siya. Uwian na nun. Palabas na ako ng school, pero hinahabol pala niya ako kasama si Victor, kaibigan niya. "Oh, asan na yung libre ko? :D"

"Uy.. uhmm. uhh.. *smiles*" 

"haha! Joke lang! sige, may review pa kami eh. bye!"

"Sge, bye!"

HALA! Anyare? Bakit wala akong nasabi? Nagsisi akong wala akong nasabi nun. :(

Pag-uwi ko sa bahay, nag-online ako. Bigla siyang nakipag-chat..

"Uy, Plump! Nahihiya ka naman sa'kin eh. Wala tuloy yung libre ko. tsk!"

"Grabe, di naman. Baka lang kasi nagmamadali ka kanina eh."

Ganun? Imbento. Walang masabi. -___- Hahaha!

Napansin ko, as time pass by.. lagi kaming nagkakatext every weekend, siya naman laging nakikipag-chat pag weekdays. Lagi niya akong sinasamahan kapag magpupuyat, kapag magpapaprint ako.. andyan lang siya. Akala ko yun na. Isang beses..

"Miko! Plump ko! Musta? di ka na nagpaparamdam ah?"

"Ha? busy eh. sensya na."

"kamusta naman buhay mo, plump?"

"okay lang."

"Ah.."

hay.. bakit ganun? wala na siyang ganang kausapin ako? Nakakapanibago. Lagi siyang ganun sa bawat PM ko sakanya. Di man lang niya tanungin kung kamusta na ako. Minsan nalang kami magkita sa school kasi iba ang schedule ng fourth year sa second year. Ang hirap. Miss ko na siya. 

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (452)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended