chapter 1

453K 4.5K 610
                                    

Chapter 1

SYDNEY'S POV

Madaling araw na ko nung nakauwi sa bahay.

Nagparty kasi kami ng mga girlfriends ko.

Friday na din naman kaya okay lang.

Tsaka kahit naman hindi Friday lumalabas kami pag gusto namin.

Hindi naman ako pinagbabawalan ng asawa ko.

Yes Guys, I am married!

Ako nga pala si Marionne Sydney Angeles

17 years old

At gaya nga ng sinabi ko, I am married!

I am married to a 19 year old businessman.

He is so young yet successful na agad.

Mayaman kasi ang pamilya niya at siya ang nagmamanage ng company nila.

Mayaman rin naman kami pero hindi ako kagaya ng asawa ko na sobrang seryoso sa buhay.

Ang alam ko lang ay magpakasaya at ienjoy ang buhay ko.

Kaya nga rin siguro ako pinakasal agad ng mga magulang ko para matuto ako sa buhay.

Pero wala silang magagawa kasi ganito pa rin ako kahit may asawa na.

Tsaka pure business din naman ang reason kaya kami pinakasal.

Para daw mas lumakas ang company ng pareho naming pamilya.

Pero ang alam ko, magkaibigan naman talaga ang parents namin.

Pumasok na ako ng bahay namin, at nakita ko ang asawa ko na kadarating lang din.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang papunta sa kwarto ko.

Ganun talaga kami pag nagkikita, walang pansinan.

Parang hindi kami magkakilala.

Kahit nga apelyido niya hindi ko ginagamit e.

So, parang hindi talaga kami mag asawa.

Kinasal kami pero hindi kami mag asawa.

Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis.

Tapos natulog na ako.

Isang walang kwentang araw na naman ang natapos.

ANDREI'S POV

Kanina pa ako dumating ng bahay namin kaso wala pa siya.

Gabing gabi na pero nasa labas pa rin siya.

Sa bagay, sanay na rin naman akong madaling araw siya umuuwi.

Pero hindi pa rin ako mapalagay hanggang hindi ko alam kung safe ba siyang nakauwi.

Ako nga pala si Andrei Sanchez.

19 years old.

Ako ang asawa ni Sydney.

Kahit naman hindi kami mukhang mag-asawa, may pakialam pa rin naman ako sa kanya.

Asawa ko pa rin siya kahit anung mangyari.

Naupo ako sa sofa at hinintay siyang makauwi.

Pagod na nga ako sa trabaho, dagdag pa siya sa alalahanin ko.

Hanggang sa nakatulog ako.

Nagising ako nung marinig ko ang pagbukas ng gate.

Ibig sabihin lang, andyan na si Sydney.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko para magmukhang kadarating ko lang.

Ayoko ngang isipin niya na hinihintay ko siya.

Pagbukas niya ng pinto ng bahay, diretso lang siya papuntang kwarto niya.

Hay naku. Hindi man lang namansin.

Sa bagay, ganun naman talaga kaming dalawa pag nagkikita.

Sanay na rin naman ako pero sana man lang kahit papano pinansin niya ako kahit tumango lang siya sa akin.

Nung nakapasok siya sa kwarto niya, pumunta na rin ako sa kwarto ko.

Pagod na ako at kelangan maaga ako bukas.

A/N

Pasabi po kung panget. Hindi po ako magagalit.

Second story ko na po ito.

Sana basahin niyo yung pareho kong stories.

You are My Home (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon