Ang Katapusan

2.2M 48.7K 40.2K
                                    

Thank you po dahil umabot kayo dito. MEDYO SPG. Kaya yung mga conservative, wag na lang bumasa. hehe. Thank you again. Kita tayo sa Until He Was Gone.

-------------------------------

Ang Katapusan

Humagalpak si Mathew sa katatawanan. Nasa loob kami ng canteen ngayon at pinapanood ko silang nag uusap tungkol sa bukambibig na babae ni Koby.

"Alam niyo naman ang taste nun." Tumawa si Oliver.

Umiling ako at napangisi.

Panay kasi ang pagyayabang ni Koko tungkol sa isang babaeng taga Maynila daw. Makinis, maganda, maputi, matangkad, mahaba at umaalon ang buhok, at higit sa lahat ay nagpapakita daw ng motibo sa kanya. Hindi makapaniwala sina Mathew at Oliver sa kanyang sinasabi kaya ipinangako niyang ipapakilala niyo ito ngayon.

"Guys, ito nga pala si Chesca." Ngumisi si Koko.

"Sino yan, Koko? Taga kabilang bayan?" Natatawang tanong ni Kathy.

Nilingon ko ang babaeng nasa likod ni Koko. Tingnan natin kung worth it ba ang paglingon ko o walang kwenta. Nagtaas agad ako nang kilay nang nakitang tiningnan niya rin kami isa-isa. Ngumuso ako nang napagtanto na maganda nga itong dala niya. Makinis, mahabang umaalon ang buhok, maganda ang tindig ng mga binti, mapupungay ang mga mata, purmado ang mga kilay at mukhang malambot ang labi. Talaga? May motibo kay Koby Marasigan ang ganito ka gandang babae?

Nagpigil ako ng ngiti nang nakita kong nag second look siya sa akin. Ano? Nagsisisi ka kasi si Koko ang binigyan mo ng motibo at hindi ako? Tumingin ako sa table ng canteen at unti unti itong tinapik sa aking daliri. Nakatitig parin ang babaeng iyon sa akin.

"Hindi, si Chesca ay taga Maynila." Ani Koko.

"GF mo?" Tanong ni Reese.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko. Nakatingin na iyong babae kay  Koko. Lumalapit si Koko sa kanya. Kung totoong may gusto siya kay Koko, dapat ay gaganahan siya sa ginagawa niya. Ngunit sa mga nakikita ko ay parang umiilag pa siya.

"Hindi... pa." Nakangising sambit ni Koko sabay akbay sa babae.

Nilingon agad noong babae ang kamay ni Koko sa kanyang balikat. Mabilisan niya iyong hinawi at kita sa mukha niya ang pandidiring agad ginawang ngisi.

"Ah! Not so fast, Koko." Aniya.

Tumigil ako sa pagtatapik sa mesa. Alam ko na agad. Hindi niya gusto si Koko. Kung ano man ang dahilan kung bakit niya pinapaniwala si Koko na gusto niya ito ay hindi ko na alam. Basta ay sigurado akong hindi niya gusto si Koko.

"Bakit? Manliligaw muna ako?" Tumaas ang kilay ni Koko.

"Hmmm... Oo." Medyo may pagdadalawang isip na sinabi noong babae.

"UYYYY! SA WAKAS!!! IN LOVE NA SI KOKO!!!" Sigaw ng mga kaibigan ko.

Hindi ako makapaniwalang nahulog sila sa bitag ng babaeng iyan! Alam ko na ayaw niya kay Koko! Kitang kita ko iyon at di ko maintindihan kung bakit hindi nila makita iyon! Nakikita ko na iba yung pakay niya kay Koko! Alam ko dahil madalas akong makasalamuha ng mga babaeng may ibang motibo din sa akin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon