Chapter 11♥♥

120 4 4
                                    

Chapter 11

“You called me because of this?” parang gusto kong itapon sa pinaka-malapit na creek si Zandro kaya lang pala niya ako tinawagan ay dahil sa walang kwentang bagay!

Easy Trish!

“Oh what’s wrong if this is the reason why I called you?” halatang pinipigilan lang nitong huwag matawa. Zandro is grinning ear to ear!

Totally jerk!

“Zandro naman! Saturday ngayon. Dapat gumagawa na ako ng mga kapaki-pakinabang na bagay. But no! I’m here with you at tinitignan kang kumain ng siomai!” nagmadali pa man din ako dahil akala ko mahalaga ang dahilan kaya siya tumawag.

But dang! Aalukin lang pala akong kumain ng siomai!

Gawain ba ‘yon ng matinong tao?

But knowing Zandro, wala talagang matinong gagawin ang lalaking ito!

“I told you, umorder ka na rin. Libre ko.”

“Wala akong pakialam kung bilhin mo man ang buong restaurant na ito!” nanggi-gigil kong sabi.

“Sweet, relax ka lang okay? To be honest I have an important matter to discuss with you.” Lalo lang umiit ang ulo ko dahil parang baliwala lang dito na naiinis na ako.

The nerve!

“But for now…” Zandro tapped his food.

“We need to eat. Or should I say… I need to eat.” Ngumisi pa ito.

Whoo grabe! Sarap ibalik sa sinapupunan ng nanay niya!

Kailan kong ipunin ang lahat ng pagtitimpi ko dahil sa estado ng pag-iisip ko parang any time mauupakan ko na si Zandro.

Okay cool ka lang Trish! Kaya mo ‘yan! Isipin mo na lang si Aiden…

Bigla ko na namang naramdaman ang kakaibang kirot sa puso ko ng maalala si Aiden.

Here we go again…

Until now, hindi ko pa rin ma-digest sa utak ko na may girlfriend pala si Aiden. Well, what should I expect? Aiden Kristoffer Laurent kaya ‘yun!

The man that every girls dream. Eh ako? Sino ba naman ako?

Mahinang tapik ang nagpabalik sakin sa reality. Reality na naiinis pala ako.

“Okay, okay. Sasabihin ko na. Baka hindi kana makapag-pigil baka masakal mo na ako.”

Huh buti alam mo!

Tumikhim pa ito bago nagsalita.

“I have the result.”

“W-what result?”

“The exchange student result. Kahapon ko lang nakita. Since ako ang president ng athletic commission-“

“Wait? You mean nakapasa ako sa scholarship sa London?” putol ko sa sinasabi ni Zandro.

“No.” sabi nito sa seryosong tono. Pero bigla rin naman itong tumawa.

“Just kid-“ sobrang hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya dinukwang ko na si Zandro para sabunuta.

“Ikaw na lalaki ka, gusto mo bang ibalik kita sa pinanggalingan mo?” pagkasabi ‘non ay hindi pa ako nakuntento sa pagsabunot kaya hinampas ko sa braso si Zandro.

If You Only Knew:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon