1 - First

76K 448 45
                                    

- ARA's POV -

 .

"Happy monthsary, baby!" masayang bungad sa akin ni Thomas pagkasakay na pagkasakay ko sa kotse niya.

Yes, one month na ang nakalipas nang maging official na ulit kami ni Thomas. Ang bilis ng panahon, parang kelan lang araw-araw ko siyang inaaway at tinatarayan tapos ngayon nagce-celebrate na kami ng monthsary namin. Well, natatarayan ko pa din naman siya minsan, hindi maiiwasan eh, parang ngayon..

"Baby ka diyan! Tigilan mo ah." Answeet ko, 'di ba?

"Hmmp. Sungit.", patampo niyang sabi pagkatapos ay tuluyan nang nag-drive.

"Eh pano ba naman, mapapahamak tayo diyan sa kaka-baby mo noh!"

"Oo na po." Muntik na kasi kaming mabuko dahil sa 'baby' na 'yan. Sinubukan niya akong tawagin ng kung anu-anong pet names sa umpisa at kahit kinikilabutan ako, pinagbigyan ko na para matahimik, pero anong nangyari? Eto..

*Flashback*

Pauwi na ako ng dorm at nandito na kami ni Thomas sa may paglagpas ng gym. Ito na kasi ang extent kung saan ko siya pinayagang ihatid ako. Nagpaalam na ako pero ayaw niya pa din akong tigilan sa gusto niya, hindi tuloy ako makaalis.

"Sige na, isa lang, please?"

"Ayoko nga, mamaya may makarinig pa sa'tin!", suway ko kay Thomas habang nililibot ko ng tingin ang paligid namin.

"Wala 'yung teammates natin, tigilan mo na 'yan. Isa lang, sige na?", sabay hawak niya sa kamay ko at nagbigay ng napaka-inosenteng ngiti.

"Ang kulit. Umuwi ka na, okay?" Ang corny naman kasi ng pinapagawa niya noh! Kahit cute siya, hindi talaga pwede! Ayoko! No way!

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi 'yun."

"Aba, sino ba hindi uuwi? Ako ba?" Ako pa talaga tinakot ah.

"Hindi din kita papauwiin."

"Ah talaga? Tingnan mo 'tong gagawin ko ah?", saka ako akmang aalis pero nakahawak pala siya sa kamay ko kaya mabilis niya akong nahatak pabalik sa kaniya. Napasubsob tuloy ako sa kaniya, at ang loko, mabilis na pumalupot sa bewang ko sinabayan pa ng nakakalokong ngiti. Argh.

At dahil sa ginawa niya, nagsimula nang magtinginan at magtaka 'yung iilang estudyanteng dumadaan dito sa may gym. Nag-champion kasi pareho 'yung teams namin tapos biglang sikat din ng volleyball kaya medyo may instant popularity din kaming mga players. Slight lang naman. Normal pa din silang nakikitungo sa amin pero nandun 'yung kilala ka nila at tinitingnan kapag dumadaan ka. Pero siyempre, hindi pa din maiiwasan 'yung pag-usapan ka.

"Oo na, oo na. Bitiwan mo na 'ko.", sabi ko habang nagtatakip ng mukha.

[2] Officially Back TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon