Chapter Three: The Lucky One

97.4K 1.8K 251
                                    

Chapter Three: The Lucky One


Vince's POV

Nang magkamalay ako ay naroon na ako sa ospital. Sina Mark at Tyron ang una kong namulatan. Maya-maya ay humahangos na dumating si Mama at umiiyak. Kasunod niya sina Papa at Cyrhel.

Thank God, I'm still alive! Buong akala ko ay hindi ko na sila ulit makikita. Pero nakaligtas man ako sa aksidente ay hindi biro ang pinsalang natamo ko. Naka-cast ang buong kaliwang binti ko dahil nagkaroon daw ng mild fracture ang aking tuhod at bukung-bukong. At ayon kay Mark ay matatagalan bago ako tuluyan maka-recover at makapaglakad muli ng normal.

"Vinci Boy, sabi ko naman sayo alisin mo na ang katangahan sa katawan mo. Tignan mo tuloy ang nangyari sayo."

Sinulyapan ko ng matalim si Tyron. "Gag-! Kung hindi dahil sayo hindi ako mahuhulog sa hukay. Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito." Kung magagawa ko lang makatayo ay kanina pa siya nakatanggap ng magkakasunod na kutos mula sa akin.

"Hay naku, Kuya! Aminin mo na kasi ang katangahan mo. Ang laki-laki ng kalsada para hindi mo makita ang hukay na iyon. Nakakahiya ka. Guwapo ka nga pero ang laki mo naman tanga!"

"Cyrhel!" Saway ni Mama. "Huwag mong pagsabihan ng ganyan ang kapatid mo. Hindi katangahan ang tawag doon. Minalas lang talaga ang kuya mo na mahulog sa hukay."

"Ma, pareho lang iyon."

"Tumigil na kayong dalawa!" To the rescue sa akin si Papa. "Be thankful that nothing seriously happened to him," aniya at nangingiti na nilapitan si Mama. "Mary my dear, huwag ka ng magtampo. Alam ko naman na napilitan kang i-postpone ang tour mo dahil sa nangyari kay Vince."

"Of course not. Bakit naman ako magtatampo? Natural lang na umuwi ako dahil buhay ng anak ko nakasalalay rito."

Lihim akong napangiti. Hindi naman pala ako maipagpapalit ni Mama kay Bon Jovi.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?" Lumapit sa akin si Mama at hinalikan ako sa noo. Hindi na siya umiiyak pero patuloy siya sa pangsinghot. "Dr. Mendoza, sigurado ba kayo na maliban sa bone fractured niya sa binti ay wala na siyang ibang pinsala?"

"Hindi kaya naalog na naman ang ulo ni Kuya Vince at mayroon na naman siyang hindi maalala?" Sabat ni Cyrhel. Mabilis siyang pinanlakihan ng mga mata ni Mama.

"Actually, kalalabas lang po ng resulta ng brain scan ni Vince at wala naman siyang nakuha na pinsala sa ulo." sabi ni Mark. "He'll be fine soon. Basta tuluy-tuloy lang ang ilang series ng medication at therapy niya, sigurong makakalakad siya ulit."

"Kailan maaring makauwi si Vince?" Tanong ni Papa.

Muling nagsalita si Mark. "Pwede na po siyang mai-discharged next week at maaaring mas maaaga pa. Iyon ay depende sa development ng kondisyon ng anak ninyo. But I suggest that he needs a private nurse to take care of him and also to monitor his condition.

"No way!" Mabilis kong tututol. I don't like the idea. Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang inaalagaan ako na parang bata. "I can take care of myself. And Ma, ayokong umuwi sa bahay. Doon na lang ako sa condo unit ko."

"Vince, huwag matigas ang ulo mo!" Saway ni Mama. "Doon ka sa bahay uuwi para mabantayan ka namin."

"Fine! Sa bahay ako uuwi pero hindi na ninyo kailangan kumuha ng private nurse para may mag-alaga sa akin."

"It's not for you to decide.." Tinignan ako ni Mark na tila sinasabi niya sa akin na wala akong magagawa kundi sumang-ayon sa gusto nila. Pakiramdam ko tuloy ay pinagkakaisahan nila ako.

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now