Chapter 2
Miko’s POV
“Usual story,” sagot niya sa akin. Naintindihan ko na naman ang sinabi niyang yun.
“Be strong okay?” Alam kong hindi sapat ang sinabi ko sa kaniyang yun pero wala naman akong ibang alam na sasabihin sa kaniya.
“I have no choice but to.” Sagot niya at umalis na siya.
Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan ni Trish, magkaibigan na kami simula nung Highschool pa. Hindi naman siya ganito noon, pero nagbago ang lahat 5 taon na ang nakakalipas. Madameng taon na rin kung tutuusin pero hindi pa rin sapat para maghilom ang sugat ng nakaraan.
Minsan kapag may klase kami, mas gusto na niyang magcut pa para lang makauwi at intindihin ang mama niya. Lagi siyang umiiyak, laging balisa, parang wala na siyang ibang ginawa sa buhay niya kung hindi ang intindihin ang mga tao sa paligid niya na umaabot sa puntong pati sarili niya napapabayaan na niya.
Gusto ko siyang tulungan pero wala akong alam na paraan kung paano ko gagawin ‘yun. Kung pwede ko lang siyang hatian sa bigat ng pasanin na dala-dala niya gagawin ko na, pero hindi e. Kaya andito lang ako para sa kaniya, anuman ang mangyari, hinding hindi ko siya iiwan.
Ang kailangan niya ngayon, magpalakas. Katulad nga ng sabi niya, wala siyang choice kung hindi gawin ‘yun.
Lumabas na ako ng room at handa ng pauwi. “Miks, san papunta si Trish? Bakit namumula mata niya?” Si Andrei.
“Ah, wala. Irritated kasi yung mata niya kaya kinailangan na niyang umuwi. Alam mo na, pollution. Sensitive e” sagot ko. Alam kong nagsisingungaling ako, pero kailangan kong protektahan ang kaibigan ko.
“Ah I see, sabihin mo get well soon.”
“Sure. Thanks Andrei, sige una na ako ah. Ingat!”
“Ingat din Miks!”
--
Trish’s POV
Nasa labas palang ako nakarinig na ako ng kalabog mula sa loob ng bahay kaya mas nagmadali ako papasok. Natatarantang binuksan ko ang pintuan ng bahay namin at hindi na ako nagulat ng makita ko ang basag na mga bote sa sahig.
“Mama” naiyak na ako habang lumalapit ako kay Mama.
“Umuwi ka na pala.” Sagot niya sa akin, pulang pula na ang mukha at mata niya.
Hinawakan ko ang mukha niya. “Mama, uminom ka na naman? Sabi ko sayo masama ang alak sa katawan di ba?”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumayo siya. Naglakad siya papunta sa pinto kaya natumba ako. “Ang papa mo anak?”
Mas naiyak na ako sa mga sinasabi ni Mama.
Lumapit ako sa kaniya at hinagod ko ang likuran niya. “Mama, wala na si Papa. Iniwan na niya tayo.”
Mas naluha ako sa sinabi kong iyon, ayokong sa akin nanggagaling dahil nasasaktan ako para sa sarili ko at para sa mama ko. Hindi sumasagot si Mama at iyak lang siya ng iyak. “Ihahatid na kita sa kwarto Ma. Pahinga ka na po.” Inakay ko na siya papunta sa kwarto niya.
Hiniga ko siya sa kama at lumabas ako para kunin ang tuwalya at tubig. Hihilamusan ko si Mama, aalagaan ko siya, hinding hindi ko siya pababayaan.
“Bakit mo ko iniwan?” Tanong ni Mama habang pinupunasan ko siya.
Naluha na ako at sumikip ang dibdib ko. “Hindi ko din alam kung bakit iniwan niya tayo.”
Lumabas na ako ng kwarto at sinimulang ligpitin ang mga kalat. Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi niya sinaktan si Mama hindi kami magiging miserable.
Pagkatapos kong malinis, pumasok ako sa kwarto at tinawagan ko si Miko.
"Okay ka lang?" Agad na tanong niya wala pa man akong sinasabi.
"Miks, pagod na ako."
"Ssh! Wag mong sabihin yan okay? Lilipas din to. Makakalimot din kayo."
"Sana nga Miks, sana isa na lang tong bangungot. Ang sakit, nasasaktan ako para kay Mama. Di niya to deserve. Hindi namin to deserve."
Mas naiyak na ako, kinuha ko yung tissue na nasa drawer ko.
"I know. Mag-usap tayo bukas ha? Pahinga ka na."
"Thank you Miks, thank you."
"Ssh. Itulog mo na 'yan."
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists