A Tragic Lovestory
Written by: Jade-Dragon/HooLienne
Prologue
Once upon a time I was scared of falling in love, and then he came and changed my life.
He was everything I never thought he could be.
He was my happiness, my source of joy, my security, my second chance, my stronghold, my hope and every little thing that mattered. He was everything I couldn’t picture living without.
Maybe I was a damsel in distress longing for protection and he was there to give my salvation.
It was so real until…
Maybe some good things are not meant to last forever.
--
Trish’s POV
Nagmamadali na ako papuntang school. Medyo basa pa yung buhok ko kaya patakbo takbo na ako habang nagsusuklay. Kasalanan ko naman kasi kung bakit ako ngarag e, nagpakapuyat na naman kasi ako kagabi sa panunuod ng mga romantic movies kaya madaling araw na ako nakatulog. I know, screw me. Pero wala na akong panahon, ngayon din nga pala ipapasa yung project namin. Takbo na ako ng takbo.
Nasa jeep na ako ng maalala ko na naiwan ko pala sa bahay yung USB ko. Ay nako! Ayoko na balikan, bahala na si batman.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusot na yung uniform ko, magulong buhok, di mawaring kalituhan. Ano pa ba? May iwo-worse pa ba ang araw ko na ‘to? Please Lord, spare me. Di ko na kaya pa. Enough.
7:30 ang pasok ko, pero 8am na ako nakarating ng school. Buti na lang at wala pa si Mam Psychology kung hindi patay na talaga ako dun.
Hapong hapo akong umupo sa upuan ko, paglapat na paglapat pa lang ng pwet ko lumapit na sa akin si Miko, bestfriend ko. “Hoy! Late ka na naman. Hulaan ko, nanuod ka na naman ng…”
Di pa siya tapos magsalita pero sumabat na agad ako habang medyo kinikilig pa. “Oo! Grabe nakakakilig talaga yung istorya, nasa episode 5 of 10 pa lang ako pero grabe!” Hinampas ko pa siya dahil hindi ko na mapigilan yung nararamdaman ko. Masyado lang kasi akong affected sa pinapanuod ko e.
“Aray naman! Makahampas ka naman sa akin.” Reklamo niya at hinimas yung part na pinalo ko.
“Ay sorry naman. Kasi e, panuorin mo rin ha, pahihiramin kita nung CD after ko. Para kiligin ka din, masyadong boring ang buhay mo e. Para may pagkaabalahan ka naman kahit papaano.”
“Eh?” Medyo alangan pa. “Sige na nga, sabi mo maganda e, tsaka sa kilig mo palang feel ko na talaga na magugustuhan ko yan.”
“Oo naman no! Ako pa ba? Tsaka ayoko mang i-spill pero I think si Daniel at Naomi ang magkakatuluyan” sa sobrang kilig ko medyo napalakas tuloy ang pagsasalita ko.
Sa sobrang kahihiyan ko, nanlaki ang mga mata ko at nanlamig ang katawan ko. Nakita ko kasi si Mam na papasok ng room e. Tinignan niya ako ng masama. “Yes Ms. Reyes? Sino nga ba ang magkakatuluyan?” Usyoso niya habang linalapag ang mga gamit niya sa kaniyang table. Patay.
Sa hiya ko napayuko ako. “Wala po Mam.” Sagot ko tsaka na ako naupo ulit.
Nakakahiya. Yay!
Pagkaupo ko etong si Miko e tinawanan pa ako. Nakakainis talaga ang isang to. Since magkatabi kami ni Miks, nagdaldalan kaming dalawa. Sige pa rin ang pagkwento ko sa kaniya kahit na nage-explain si Mam dun ng kung anoman.
“Can anyone tell me what are the different theories regarding the behavior of man?” Tanong ni Mam na palinga linga sa paligid para maghanap ng sasagot.
“Bigbang Theory” bulong ko. Yumuko naman ako at tumingin sa malayo
Tapos sa kamalas-malasan pa e, narinig pala ng buong klase yung sinabi ko. Patay na! OMG! Nagtawanan yung mga kaklase ko kaya sinuway sila ni Mam. “Shut up!” Inis na pagpapatahimik ni Mam sa amin. “Stand up Ms. Reyes! Will you explain what is the relation of Big Bang theory to our topic in Psychology?”
Tumayo na naman ako, eto ang mahirap kapag minsan ka ng napagalitan e. Magiging mainit na dugo sayo ng Professor mo. “Sorry Mam.” Sagot ko na lang tapos yumuko ako. Nagbibiro lang naman ako e. Di ko naman ine-expect na maririnig nila diba? Sorry na.
Pagkaupo ko, sige naman ang tawa ng mga kaklase ko. Mga baliw talaga.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists