Chapter 8.2

538 12 2
                                    

Chapter 8.2

(the Heartbreaker's POV)

“Sir, Good day po.” sabi ng saleslady na nakangiti sakin.

Ano bang good sa araw na to. Well, may kasama lang naman akong clown at ginagawa akong baliw dahil sa daydreams ko. Good ba yun? 

Iyong isa pang saleslady tinitignan si Tanya. Siguro dahil sa bulgy shirt niya. Hahahahahaha!

“Bibili kami ng shirt”, Sabi ko dun sa saleslady.

”Sige po sir. Eto po ang bestseller namin--”

Binigyan niya si Tanya ng isang shirt na plain white at 3/4 ang sleeves. Pumunta na siya sa dressing room at ako naman nakaupo lang doon. Sinubukan akong daldalin nitong mga epal na saleslady.Pero hindi ko sila pinapansin. Ang iingay---Nakakainis.

 

Isa nalang talaga--Napatayo ako at muntik ko nang masigawan ang mga taong ito nang biglang lumabas si Tanya

Inayos niya ang buhok niya. Mas halata tuloy iyong wavy nyang buhok, lagi kasing nakapig tail pag papasok siya sa school. 

Ang ganda niya--Ehem. Ano, nag-iba ang itsura niya. Ayon mas maganda pagkakasabi ko. Ano ba? Ilang beses ko ng sinasabi ang salitang maganda. Hay!

“Ayos lang ba??” sabi niya. "O bakit Mr.smartypants, nagloloading pa ba yang nasa loob ng bungo mo???” halakhak niya. Lumapit siya at tawa parin ng tawa. Mukha ba akong bangag kanina? Nakatingin lang naman ako sa kanya ah. ilang minuto na ba yon? Hindi ko alam.

“Sige Miss bibilhin na namin yan", sabi ko sa saleslady. 

“Iyan na ang isuot mo pag-uwi”, ang sabi ko naman kay Tanya. 

"Wow!!! Ang bait naman!! grabe!!! hahahha”, sabi niya habang hinampas ng malakas ang likod ko.

Ang babaeng ito--Talagang kakaiba siya. Nakakainis na hindi ko maintindihan!

”Nga po pala Sir--”, tawag sa akin ng salesday, "Couple shirt po yan”

"Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga?", nakakapuno naman ang saleslady na ito--Pero pagkatapos ng ilang minuto--

~THE EAVESDROPPING PRINCESS~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon