“His Girl and I”
Written by: HooLienne
***
Prologue
Lahat naman tayo naghahanap ng taong nakalaan para sa atin,
Madaming daraan sa ating buhay ngunit balang araw
May taong magpapatunay sayo kung bakit para ka sa kaniya
At bakit di ka para sa iba
**
I could write a million songs about the way you say my name
I could live a lifetime with you and then do it all again
and like I can't force the sun to rise or hasten summer's start,
neither should I rush my way into your heart
**
Chapter 1
“Back to you Clarisse,” pagpaparinig ko sa kaniya. Kainis kasi e, kanina ko pa kinakausap pero hindi man lang ako pinapansin. Nice talking.
Kanina pa siya busyng busy sa pagbabasa ng manga, yung mga Japanese na babasahin. Buti pa siya may pinagkakaabalahan. Ako naman buryong buryo na at gusto ko ng umuwi. Wala na kasi kaming teacher, nasa faculty meeting silang lahat.
Naglakad ako palabas ng room at sinilip yung guard house, tanaw kasi mula dito yun e. At nakita ko yung tumpok ng mga estudyante. Bawal pa kasi magpalabas kapag hindi pa 3 o’clock. Nakakainis nga e, para saan pa kaya na maaga ang uwian kung hindi naman maaga papauwiin.
Bumalik na ako sa upuan ko at padabog na naupo. “Badtrip talaga!”
“Sssh! Kim, shut up. I’m reading,” medyo binaba ni Clarisse yung binabasa niya para sitahin ako.
“Sorry,” sagot ko na lang.
“Alam ko na kung paano tayo hindi mabobored,” sabat naman ni Jason. Huh? May idea siya? Uh-oh. I don’t think na maganda yan.
“Ano na naman ‘yan?”
“Itago natin mga bags ng classmates natin,” nakangiti pa siya ng malapad.
Binato ni Johny yung libro na hawak niya, “Sira ka talaga! Umayos ka nga Jason.”
“To naman, di ka majoke ah. Deep ka ba?” sagot niya.
Nagalit ata si Clarisse kaya tumayo siya at lumapit siya kay Jason, “Hoy Lenro, pwede bang manahimik ka ah? Kasi nakakaabala ka e, kitang nagbabasa ang tao. Bastos!” galit na sabi niya kay Jason.
Di naman nagpatalo ‘yung isa at tumayo na rin siya, bale magkalevel na sila, though mas matangkad siya kay Clarisse. “Hoy Gonzales, kung gusto mo ng tahimik, dun ka sa library.”
“Tss. Epal kasi,” inirapan niya ito.
“Feeling matalino kasi,” sagot naman ng isa.
“At least ako kahit papaano may talino. Hindi kagaya ng iba, yung utak parang buko, puro sabaw.”
Nainis ata si Jason kaya inikutan niya si Clarisse, “Sinasabi mo bang bobo ako ha?!”
“I never said that, unless inaamin mo.”
“Whatever Miss All Knowing.”
“Whatever Mister Know Nothing.”
Then nagseparate na sila, muntik ng magsapakan yung dalawang ‘yun. To talagang si Jason ayaw magpaawat sa pang-aasar, pati babae pinapatulan e.
Sa sobrang sakit ng ulo ko sa kanilang dalaw inub-ob ko yung mukha ko dun sa desk ko. Baka sakaling makatulog ako e. Sayang kasi ang oras.
Kaso kahit na pilitin ko man ang sarili ko na makatulog e ayaw pa rin. Parang gusto ata ng tadhana na maiputan ako ng ibong Adarna dito sa kinauupuan ko.
Yung tatlo kong kaibigan naman busy sa kung anu-ano, si Clarisse sa binabasa niya, si Jason sa PSP tapos si Johny naman nagrereview ng future lessons.
“Banana potato nana,” kanta ko habang may panlulumong expression sa mukha. Nabobored na ako. Sobra.
Tinampal ko ng mahina yung mukha ko para magising ako. Nang hindi ko na makayanan tumayo na ako.
“Bili lang akong pagkain natin,” paalam ko sa kanila.
“Sige,” bored na sagot naman nilang tatlo.
Tss. Badtrip.
**
Kakahintay namin na maguwian ayan tuloy umulan pa. Mas badtrip. Wala pa naman akong dalang payong.
“Badtrip naman, wala akong payong. Kayo mga ser?” Tanong ko sa kanila.
“Ako meron, may design pa,” mayabang na sagot ni Jason.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists