Chapter 36.1.4

324K 3.9K 136
                                    

CHAPTER 36.1.4

ADISON

Pagkagising namin kinabukasan ay back to pagiging Yaya na naman kaming mag-asawa. I am not complaining though. Enjoy namang alagaan sina Chloe at Xander dahil sobrang bibo nila at behave rin naman. Wala ngang oras na hindi ko nakitang nakangiti ang gwapo kong asawa. Talagang nae-enjoy niya ang bata at hindi ko naman mapigilang mas ma-inlove sa kanya.

"'Wag mo nga akong titigan nang ganyan na parang gusto mo akong hubaran," halos pabulong pang sabi ng asawa ko na noo'y nakatitig lang sa naidlip na magkapatid matapos na makakain ng lunch.

"Tsss... Feeling mo, huh." Umismid ako at manipis naman siyang natawa.

Kunwa'y sumenyas siyang lumabas muna kami ng kwarto dahil nga baka magising pa ang dalawang bata sa harutan naming dalawa.

Kaya naman nang makalabas na kami ng kwarto ay hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mokong at pinugpog ako nang halik sa mukha.

"Hanggang bukas na lang tayo rito. Hindi man lang tuloy natin ma-enjoy ang beach," maktol ko pa.

"I knew how much you desire me, my wife," ngiting-ngiti pang sabi niya. "Pero enjoy rin namang alagaan ang mga bagets, 'di ba?"

"Well, enjoy nga. Nakakatuwa si Chloe... Sobrang sweet."

"Hmm... It's nice na may compliment ka naman. Akala ko kasi ayaw mo ng bata." He tucked loose strands of my hair at the back of my ear.

"It's not that I don't like kids. Magkaiba naman 'yun sa ayoko pang magkaanak." Napabuntong-hininga lang ako. Kahit kasi sabihin niyang hindi niya ako pine-pressure ay ramdam kong gustung-gusto na talaga niyang magka-baby kami.

"Hey, let's not go there, okay? Like I said, I'll wait 'til you're ready. No rush. Mmm?"

Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"Tutal naman kakatulog pa lang nila. Maybe we can make love on our room," nakakaloko pang aniya.

"Baka mahulog si Chloe sa bed." Natatawa ko pa siyang hinampas sa balikat.

"Diet na ako kagabi hanggang ngayon ba naman?" maktol pa niya.

"Jeez, Sebastian... Huwag ako sisihin mo, okay?" Banayad ko rin siyang tinapik sa pisngi.

"I enjoyed playing with those kids, but I need to take my vitamins too," pilyo pang sabi niya sabay dinaan-daanan ng kamay niya ang boobs ko!

"Sebastian!" Tinampal ko ang kanyang kamay lalo pa nga't nasa labas lang kami ng kwarto. "Makita tayo ng mga kapatid ni Winona! Pasaway ka talaga!"

Natawa lang siya at mas lalo lang akong hinapit sa baywang.

"May mga asawa din ang mga iyan. Normal na 'yun, Baby."

"Heh!" Umirap ako. Kahit pa gan'un ay hindi pa rin ako komportable. "Nakakahiya..."

"Damn, Baby, believe me. They would understand if I am this crazy about you."

"I am crazy about you too, Sebastian. Kung alam mo lang."

"If that's the case, let's go to our room and make love to me right now."

"Hindi ka naman demanding nang lagay na 'yan?" sabi ko pa sabay ngumuso.

"Tsss... Tigas ng ulo! Mamaya pa gising ng mga alaga natin! Sa kwarto muna tayo!" Hindi naman siya nagpaawat at talagang binuhat pa ako papunta sa kwarto.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon