Chapter 35.4.4

323K 3.8K 90
                                    

A/N:

Sorry guys, eto yung chap na isasama ko na lang sana sa kakapost ko lang kanina.  pasensya na at ayaw nga eh, i dunno why.  oh well, baka 7 or 8 parts na lang 'to kasama ang epilogue.  Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa sobrang pagsuporta ninyo sa story na 'to.  Ang dami ko mang pinagdaanan sa posting nito, masaya pa rin ako at maraming nagkagusto.  So, sobrang daming thank you talaga!  love u guys!

<3 ate dean

********

CHAPTER 35.4.4

ADISON's POV

Naiilang pa rin talaga akong maki-bonding kay Winona. Ewan ko ba, parang extra close kasi ang asawa ko sa kanya dahil sa mga bagets niya. Obviously, ang hilig ng asawa ko sa bata. Bukod sa pagiging lapitin niya sa chics, mukhang lapitin din siya ng mga bata.

"Ang cute nila, 'no?" bigla pang sabi ni Winona na agad ding sumulpot sa likod ko. Nagsu-swimming kasi ang husband ko kasama ang panganay na anak niya.

"Oo nga... Ang cute ng mga kids mo." Tipid naman akong ngumiti sa kanya. Hindi ko mapigil ang mapatingin sa maganda pa rin niyang katawan kahit na nakakadalawang anak na siya.

I wonder kung gan'un pa rin kaganda ang hubog ng katawan ko kapag nagka-baby na rin ako.

"Wala pa ba kayong plano ni Seb na mag-anak?" tanong pa niya.

I was expecting that. Jeez...

"Wala pa naman..." Marahan pa akong umiling.

"Ah, kasi ang hilig ni Seb sa bata. For sure, kukulitin ka na niya one of these days."

"Oo nga..." Mapait pa akong ngumiti sa kanya.

"Pagpasensyahan mo na mga kapatid ko, huh. Mga praning kasi, akala, e, naging kami ni Seb noong college." Naupo siya sa tagiliran ko at inabot sa akin si Chloe. "Hawakan mo lang si Chloe saglit and look at Seb's reaction," pilya pang aniya at mapaglarong kumindat sa akin.

Wala naman ako sa sariling sumunod kahit na hindi ko alam ang ibig niyang mangyari.

"Sebastian!" malakas pang tawag niya sa asawa ko na noo'y pasan sa balikat si Xander. "Bagay ba kay Ady?" Ngingiti-ngiti pa niya akong itinuro.

Nang magtama ang mga mata naming ng asawa ko, pakiramdam ko ba ay huminto ang paggalaw sa paligid ko. There is definitely something with his reaction. Parang natutuwa na nagulat na ewan.

"See that look, Ady? Obviously, he wanted to have baby with you," mahinang bulong pa ni Winona na parang nagpabalik sa akin sa normal na ikot ng mundo.

"Paano mo naman nasabi?" Nilingon ko siya at pinagmasdan ang tila nangangarap niyang reaksyon.

"See how he looks at you. As if you're the most beautiful thing he has ever seen. Like you were actually carrying his own kid."

Ngumiti lang ako at hindi na nagkomento. I knew he wanted to have kids. Ako lang naman itong hindi pa handa.

"Mamaya nga pala iiwanan ko muna ang mga bagets ko sa inyo, huh. May emergency lang at kailangan ko lumuwas pabalik Manila."

Seriously?!

"Mga pasaway kasi ang mga kapatid ko. Ayaw mag-alaga at vacation daw pinunta nila rito at 'di para magyaya para sa akin," nakasimangot pang aniya.

Okay, as if may magagawa kaming mag-asawa?

"Don't worry, mababait naman ang mga anak ko. 'Di ba, Chloe?" baling pa niya sa kanyang baby at hinalik-halikan iyon.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon