Chapter 35.2.4

352K 4.3K 153
                                    

I LOVE MY READERS, THANK YOU  :')

********

CHAPTER 35.2.4

ADISON

Mga nine o'clock na noon nang makabalik kami sa penthouse. I knew he's not that dumb para hindi mapansing nawala ako sa mood, but he seemed to be ignoring my tantrums at pa-cool pa rin siya.

"Sasama ka talaga kina Winona?" Hindi ko na rin mapigil ang magtanong. Kakatapos lang namin parehas maglinis at magpalit ng pantulog. Papahiga na lang talaga kami.

"Yeah..." tumangu-tangong sagot pa niya. "Hindi ba isinasama pa nga kita, pero busy ka nga kamo, 'di ba? So, e, 'di ako na lang." Nagkibit-balikat pa siya bago tuluyang nahiga.

At ako, naiinis talaga ako!

"Why?" Bahagya pa siyang kumunot. "Do you have a problem with that?"

"No, of course not," maagap ko rin namang sagot.

Deny to death.

"Hmm..." Wala naman na siyang sinabi at hinila lang niya ako palapit sa kanya. "Good night, Baby..." Saglit lang niya akong hinalikan sa labi bago yakapin ako nang mahigpit galing sa likod.

"Good night..." bulong ko lang din.

Obviously, nagpe-pretend lang din siyang maayos lang siya. The fact na hahayaan lang niyang matulog kami without making love is not so him!

Haist, Sebastian! Ano ba talagang gusto mong patunayan this time?!

Days passes by so fast.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Sebastian. Looked like sobrang excited niyang magbakasyon dahil kagabi pa lang ay iginayak na talaga niya lahat ng mga gamit niya. At mas lalong hindi ako makapaniwala na three days silang magbabakasyon d'un!

Shit!

"You're up early," puna pa niya habang namimili nang isusuot.

Nagkunwari akong kakagising pa lang at naghikab-hikab. Pagbangon pa lang niya kanina ay sa banyo na kaagad siya nagdiretso at naligo.

Tutuloy talaga siya kahit na hindi ako kasama?

"Hindi ba masyado pang maaga para umalis na agad?" Pupungas-pungas pa akong umupo mula sa pagkakahiga.

"I still need to drop by my office, may mga pipirmahan lang ako," sagot naman din niya at namimili pa rin nang isusuot.

With just a towel hanging so low on his hips my husband is no doubt a Greek god.

"Are you really gonna leave me here alone?" nagpapaawang tanong ko pa bago tumayo na. I am wearing a spaghetti strap and a lace panty. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya galing sa likod.

"I am asking you to come with me, right? Pero ayaw mo dahil sabi mo nga marami kang gagawin." Bahagya pa siyang natigilan at bumuntong-hininga.

"Please stay here with me, Baby," malambing pang sabi ko.

I needed to convince him to stay. Ayokong magkasama sila nang matagal ni Winona!

Humarap siya sa akin at hinawi-hawi ang magulo kong buhok.

"I need some vacation too, Baby. Ang daming nangyari lately and I just want total relaxation away from all of these." Mataman pa niya akong tinitigan. "Why don't you just come with me instead?"

Napailing lang ako. Loaded pa rin ako nang trabaho sa opisina.

"I-I can't..."

Napabuntong-hininga lang ulit siya bago hinalikan ako sa noo.

LOVING SEBASTIAN GREENE (Published under Sizzle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon