Huling Bulong

1.6K 90 107
                                    

Ang araw na ito ay deklarasyon ng kamatayan ko. Hindi sa pisikal na anyo pero dito sa puso at damdamin ko. Napatawa na lang ako ng marahan kasabay ng pag-agos ng mainit na likido mula sa mga mata ko. Napasandal ako sa lamesa at pinahid ang nagbakas na mga luha, Napapikit ng ako ng mariin ng nagbabalik muli lahat sa aking alaala.

Nasa pareho kaming ika-tatlong baitang sa elementarya nung una ko siyang makilala. Masayahin pero mahinhin para ipakita sa lahat. Simple't maaliwalas siyang tignan, isama mo pa yung singkit niyang mga mata at mumunting butas sa pisngi niya. Siguro nga, sa unang kita ko pa lang sa kanya ay nabihag na niya ang mga mata ko dahil mula noon ay para akong munting anghel na binabantayan siya kahit saan siya magpunta. Nagtuloy ito hanggang sa ika-apat na baitang na kaming pareho pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi ko siya makuhang makausap dahil pinangungunahan ako ng pangamba at tinatabunan ako ng hiya at kapag nagkakasalubungan kami sa daan ay napapayuko na lang ako pero munti-munti ay iniaangat ko ang tingin ko sa maamo niyang mukha para pasadahan siya. Sa ganoong paraan, masaya na akong makita na masaya siya.

Siya si Hannah Marie Ali.

Dumating ang araw na nagpunta siya sa silid-aklatan, habang ako ay nasa malayo at nakamasid lang sa kanya. Ilang kalalakihan ang lumapit sa kanya at pinalibutan siya. Aminadong sa mga lumipas na mga araw at panahon ay mas lalong gumanda siya. Di maiwasan na magustuhan siya ng mga ito pero ang alam ko lang, hindi ko maiwasang mainis dahil dito. Hindi sa dahil gusto nila si Hannah kundi dahil natatakot akong isipin na may tsyansa na magkagusto siya isa sa kanila. Napabalik ako sa realidad ng makarinig ako ng isang malakas na bagsak ng kung ano mang bagay. Napatingin ako sa dako niya. Nakita kong nakayuko siya at nagsimulang tumaas-baba ang mga balikat niya.

Umiiyak siya. Umiiyak si Hannah.

Napayukom ang palad ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na eksena dahil pinangungunaan ako ng galit at pagkamuhi sa mga kalalakihan. Napabalikwas ako ng yugyugin niya ako para patigilin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin ako sa mga palad ko ng makita kong nahiga sa sahig ang mga ibang kaklase namin. Duguan at may pasa sa iba't ibang parte ng katawan. Napayakap ako sa kanya.

'Ligtas ka na. Ligtas ka na' bulong ko sa kanya.

Gumanti siya ng yakap at lalo siyang napaiyak sa dibdib ko. Hinayaan ko siyang umiyak habang hinahagod ko ang likod niya para kumalma. Napangiti ako ng lihim dahil yakap-yakap ko ang babaeng matagal ko ng gusto. Tinulungan ko siyang buhatin ang kanyang mga gamit at inalukan na ihahatid ko siya pauwi. Nagtatalon ang damdamin ko ng marinig kong sumang-ayon siya. Hindi maiwasan mamula ang mga tenga ko. Tinawanan niya ako pero, binabalewala ko ang mga panunukso niya, mas ang tawa niya ang pinariringan ko dahil para sa akin, para itong musika. Kinaumagahan ng araw na iyon ay pinatawag ako ng principal namin sa eskwelahan. Nanginginig ako habang naglalakad sa corridor. Napatingin ako sa silid nila Hannah at natama ang tingin namin pero agad kong iniwas at nagmadaling naglakad. Bumungad sa akin sa loob ng opisina ang mga lalakeng pinagsusuntok ko kahapon. Putok ang mga labi at may mga malalaking pasa. Pinaupo ako ng principal sa harapan nila. Nagsimula na siyang magsalita pero hindi ko maintindihan ang mga bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Tumango-tango lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang tinatanong niya. Isa lang ang naiisip ko ngayon. Magagalit ang mga magulang ko nito at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila pag-uwi.

'You're suspended for 2 weeks Mr. Carlos Evanghelista'. Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa principal namin. Wala na akong nagawa at napayuko na lang pero nakita ko ang pagngisi ng mga lalakeng binalak na gawan ng masama ang babaeng pinakamamahal ko, Si Hannah. Di bale na kung ito ang kinahantungan basta't alam kong ligtas at di siya nasaktan. Napabalikwas kami ng tingin ng isang malakas na paghampas ng pintuan ng opisina ang narinig namin at iniluwa nito si Hannah.

Huling BulongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon