mnj ch32

57.1K 315 35
                                    

julianne's

1 araw lang ako sa hospital. Pero hindi agad ako pinapasok nila mama and daddy. Buti pinayagan na nila akong pumasok ngayong Monday. Akala ko nga papatigilin na nila ako sa pag aaral ee. Buti na lang mali ung akala ko. Di naman pala ganon ka-OA ung parents ko. Pumayag lang sila kasi nagvolunteer si Carlo na ihatid at sunduin ako araw araw. Oo, si Carlo nga. Okay na kami. I mean, okay as in napaliwanag na nya sakin lahat. Ung tungkol kay Wendy; ung pagkakaroon nya ng sakit pati ung pagkamatay nya. Lahat kinwento nya sakin. Pero hindi pa kami ulit. Hindi naman kasi pwedeng ganon ganon na lang yun. Hindi naman porket napaliwanag na nya ung side nya, e babalik na kami sa dati agad agad. Kailangan nya munang patunayan ulit ung sarili nya sakin. Oo, binigyan ko ulit sya ng chance. But it woudn't be that easy this time... Marami na kasing nagbago. Sya, ako, pati ung environment namin. Sa ngayon, isa lang ang malinaw sakin... NAGUGULUHAN AKO! TT__TT

"Julia? Okay ka lang?" Kasama ko nga pala sya ngayon, si Carlo. Sinundo nya ako sa school. Eto pa ang isang bago sakanya, may bago syang kotse. Bigay daw ng Daddy nya.

"Huh?"

"Kanina ka pa kasi nakatulala dyan. Malalim ata ung iniisip mo."

"Huh? Wala. Ano ka ba! Hehehe. Thanks pala sa pagpayag mo na ihatid at sunduin ako hah. One week lang naman." Pinilit kong maging cheerful. Kahit na ang totoo, nakakaramdam pa rin ako ng lungkot.

"Okay lang Julia. Basta para sa'yo. Ayos na rin to. Para naman nababantayan kita. Thank you rin sa pagbibigay sakin ng chance Julia. I will do it right this time." he said while grabbing my hand. Agad kong binawi ung kamay ko sakanya. I just felt so uncomfortable. Siguro hindi na lang talaga ako sanay na may ibang humahawak sa kamay ko, bukod kay...

"Sorry. Ah Carlo! Pwede mo ba akong ihatid kila Dave?"

+++++++++++++++++++++

carlo's

Nagulat ako sa pagbawi nya ng kamay nya mula sa pagkakahawak ko. Pero mas nakakagulat ung sinabi nya sakin. Ihatid ko sya kila Dave??

Bigla kong nahinto ung kotse. Mahirap na. Baka mabangga pa kami. Ayokong masaktan ulit si Julia.

"Kila Dave? Bakit?" I tried to calm myself before I asked her. Sa totoo lang kasi, nabigla talaga ako. Di ko akalain na hihilingin ni Julia na ihatid ko sya sa lalaking un. Alam ko naman na ung tungkol sa naging pagpapanggap nila. Alam kong kasinungalingan lang ung tungkol sakanila, pero nakakaramdam pa rin ako ng selos pag naiisip ko na ung Dave na un ang lagi nyang kasama nitong mga nakaraang linggo.

"Ah kasi m-may tutorial session pa kami. Di ba nasabi ko na un sa'yo?"

"Hindi ba pwedeng next week nyo na ituloy un? Hindi ka pa masyadong okay Julia." Ayoko. Hindi ako papayag na magkalapit ulit sila nung Dave na un. Baka mapahamak pa ulit sya! Alam ko namang hindi lang sila basta basta napagdiskitahan ni Dave nun. Alam kong kaaway sila nung gang kung saan leader si Dave. Talagang hinayaan pa nung g*gong un na madamay pa si Julia. Malamang ayaw ni Dave na makita ako ni Julia kaya sa back gate sila dumaan. Buti na lang may nakapagsabi sakin ng tungkol dun. Kaso nahuli na ako masyado. Nakita kong nakahiga na si Julia sa daan nang walang malay. Samantalang si Dave pinagtutulungan ng 5 lalaki. Dali dali akong naghanap ng mga pulis, buti na lang may nakita ako agad. Kaya natulungan namin agad sila at nadala sa hospital.

"Hindi pwede Carlo! Malapit na ung finals. Hindi pa sya ganon kahanda!" Biglang nag iba ung aura ni Julia. Kung kanina nakangiti pa sya, ngayon, magkasalubong na ung mga kilay nya at nakakunot ung noo.

"E di maghanap na lang sya ng ibang magtuturo sakanya." nasabi ko na lang bigla. I know it sounds so possessive pero gusto ko lang ipaalam kay Julia na hindi ako pabor na sya ang nagtututor sa gang leader na un.

"You know what Carlo? Bababa na lang ako. Magtataxi na lang ako papunta kila Dave." she said tapos agad agad syang lumabas sa kotse. At naglakad papalayo. Bumaba na rin ako agad para sundan sya.

"Julia! Wait!" pagkahabol ko sakanya, agad kong hinatak ung kamay nya..

+++++++++++++++++++++

julianne's

Pagkahatak ni Carlo sakin, naalala ko bigla si Dave. Alam nyo naman kung bakit ko sya naalala bigla di ba? Madalas nya kasi akong hatakin dati.

"Ano ba Carlo?!! Bitawan mo nga ako!"

"Okay na Julia! Ihahatid na kita kila Dave. Pumasok ka na ulit sa kotse. Baka sumakit na naman yang sugat mo e." Tinignan ko sya. Tinignan ko kung nagsasabi sya ng totoo.

"Talaga? Ihahatid mo na ako?"

"Oo Julia. Pero sa isang kondisyon..." Aba! Talagang may kondisyon pa ah! Nagsimula na akong maglakad ulit.

"Nasaan na ba ung waiting shed dito?"

"Baby naman e."

O_O

Nabigla ako sa tinawag nya sakin..

"Baby ka dyan! Tayo na ba ulit ha??!" sabi ko sabay tingin ng masama sakanya.

"Sorry J-Julia. Ano? Pakinggan mo muna ung kondisyon ko.."

"Hmmmm.. Spill it out."

"Hihintayin kita hanggang matapos ung tutorial session nyo."

"NO."

"Julia naman e. Kahit sa labas lang ako. Maghihintay ako sa kotse."

"Talaga? Kahit matagal??" Nakita kong napaisip sya sa sinabi ko.

"Sige! Kahit anong oras matapos. Basta ako maghahatid sa'yo pauwi. Please.." sabi nya with pleading eyes. Sige na nga. Pagbigyan ko na sya..

"Okay. Bilisan mo! Male-late na ako.."

Gumaan ng konti ung pakiramdam ko. Pero nakakaramdam ako ng panghihina ng tuhod tapos parang may kakaiba sa tyan ko. Butterfly in the stomach ba tawag dun? Basta.. Naeexcite akong makita ulit si Dave. At the same time, kinakabahan din ako pero di ko alam kung bakit..

Nami-MISS ko ata si Dave..

#_#

my night jobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon