Chapter One

2.1K 21 12
                                    

Inspired by Titanic, kahit medyo malayo siya. Haha. Basta yun yung inspirasyon ko para itype 'to =))

Pati pala yung moments of love, movie din yun, pero made from Pinas. Haha.

Ang weird nito, promise. Weird din kasi yung nagsulat =))

So here it goes! <3

***

-PAST, PRESENT, AND FUTURE-

Ang pag-ibig, walang pinipiling panahon... lahat ay nakasalalay sa choice mo... Pero wala tayong choice pagdating sa panahon...

Hindi natin pwedeng palitan ang nangyari sa PAST, hindi natin pwedeng icontrol ang nangyayari sa PRESENT, hindi natin pwedeng ipredict ang mangyayari sa FUTURE...

Kaya nakabase ang lahat sa sarili natin... Tayo ang gumagawa at sumusulat ng daloy ng kwento ng buhay natin... And it's all because of choice...

Magulo na ba? Haha. Basta nakadepende ang FUTURE sa nangyayari sa PRESENT. At kung ano ang nasa PRESENT, yun ay dulot ng PAST.

***

Maddi's POV

Field trip namin ngayon, and alam niyo ba kung saan kami pupunta? Sa most boring place in the world, isang museum =_____=

Makikinig at susunod lang kami sa tour guide, and it's done! Yung ibang destination naman, museum din, iba iba nga lang. Kunwari, museum sa artifacts, history of man. Ganun, ang boring!

"Maddi, stay at your line please! Don't break the line!" sigaw nung adviser namin. Pinigtitingilan tuloy ako ng mga kasama ko sa pila. Tss.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, hanggang sa may nakita akong dark part ng museum, mukhang off limits ito. No unauthorized person daw eh. Hmm, may naisip ako. Pasimple akong umalis sa pila namin at tumakbo papunta dun sa dark part na yun.

Tumalon ako across dun sa harang, red rope to be exact. Kinuha ko yung flashlight mula sa bag ko, pinagdadala kasi kami ng adviser ko. Nilibot ko yung lugar na yun, iba't ibang painting ng mga tao ang nakita ko.

May mukahng hari na may bigote. Kasama niya sa litrato ang isang babaeng may makapal na make-up at isang lalaking seryoso ang mukha. Ang weird naman.. bakit parang walang reyna?

Ano bang section ng museum 'to? Bakit naman off-limits sa mga tourists?

May caption sa baba ng painting, binasa ko ito, "King Fero VI, Princess Cleo and Prince Kyle, year 1869." 

Woah, ang tagal niya na pala pero buong bup pa rin kasi yung mga mukha sa painting. Nagpatuloy ako sa pag-iikot, may nakita akong upuan na sobrang ganda. Parang upuan ng maharlika. Lumapit ako doon at umupo. Biglang nagbago ang paligid ko, sumigaw ako sa sobrang panic, "Tulooooooooonngggg!"

Nag-dilim ang paligid...

***

"Excuse me Madam, but are you alright?" minulat ko ang mata ko at nagulat ako nang may bumungad na lalaki na may bigote sa harap ko. Napabangon ako at umatras, "S-sino ka?"

"Woah, that girl has no respect! I told you, she's weird! Seize her!" napalingon ako sa nagsalita. Isang babaeng naka-gown na may makapal na make-up, pero bagay naman sa kanya, kahit papano.

"Sshh. We must not make decisions immediately. May I help you in standing?" sabi nung lalaki at inabot yung kamay niya. Hindi ko ito hinawakan at tumayo na lang.

"Pwede bang magtagalog kayo? Tss." reklamo ko habang pinapagpagan ang damit ko. Hindi kasi ako sanay na ini-English, nakakaburaot pakinggan eh. -_____-

Past, Present, and Future (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon