Previous Page of 7Next Page

I met a jerk whose name is Seven.

Dedicated to
to a friend who can't move on
spinner.gif

 

"Pero... Hindi naman kasi talaga katanggap tanggap ang sorry ko, ang laki ng kasalanan ko sayo... Hindi mapapaltan ng isa o sampung sorry ang pananakit at panloloko na ginawa ko sayo..."

 

Umiling si Yuri habang nakapagkit pa rin ang isang weary smile sa kanyang mukha, "Lahat ng tao nagkakamali pero paano maitatama ng tao ang mali niya kung hindi siya mapatawad ng taong nagawan niya ng mali?"

 

"Nagpadala ako sa galit ko sa ginawa mo Annika, naging makasarili din ako at hindi nakinig sa paghingi mo ng apology at hinayaan at pinagmasdan lang kitang macast-out sa klase. Sorry Annika for not giving you a chance..."

 

"Ayokong para sa lalaki lang magaaway tayo, mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa sa kahit sinong lalake, ayaw kitang ipagpapalit. Kaya Annika... Bati na tayo, please? Miss na kita eh." (T3T)

 

 

 

Minsan sa buhay natin bigla biglaan na lang magdidilim ang lahat at babagsak ang mundo natin, andyan yung babahain tayo ng luha, makakaramdam tayo ng sobra sobrang lungkot at pagsisi habang pinagmamasdan nating lumayo ng lumayo ang mga taong importante satin. Pero minsan din naman ay parang brown out lang yan, pag nagdilim ang mundo mo, wag kang magpapanic, wag kang matatakot dahil di rin naman magtatagal ay magkakailaw din at babalik din ang liwanag sa mundo mo. Pero kung matatagalan ang brown out na ito sa buhay mo, wag kang magalala dahil ang kelangan mo lang gawin ay mangapa sa mga sulok sulok o tabi tabi ng mga magsisilbing flashlight at ilaw para magbigay ng kahit konting liwanag, munti man ay sapat na para maging pagasa mo habang iniintay na muling magliwanag ng tuluyan ang mundo mo.

 

Pagkatapos ng iyakan namin noon ni Yuri sa ospital ay nagkabati na kami, sabi ni Yuri na di naman daw sapat na dahilan ang isang lalaki para buwagin naman ang isang bagay na mahalaga tulad ng pagkakaibigan namin.

 

Kinailangan ko magstay noon sa ospital for about 3weeks for observation and medical care dahil nung bumagsak daw ako sa tubig ay napasama daw ang naging impact ng paghampas ng likod ko sa tubig kaya magu-under go daw ako sa isang buwang therapy to make sure na maging maayos ang likod ko. Fortunately daw hindi napasama ang tama ng ulo ko sa tubig kasi baka pag nagkataon daw baka naging mitsa yun ng buhay ko at buti na lang din ay hindi rin ako tumama sa mga bato, nagkaroon ako ng konti at maliliit na galos sa katawan at medyo masakit ang braso ko. All in all daw, wala naman nangyaring malala sakin. According to them, I was lucky to survive such fall.

 

 

Sa pagstay ko sa ospital ay dinalaw din ako ng mga kaklase ko. Nagsorry din sila sakin sa inasal daw nila, naging mapanghusga daw sila masyado. Humingi din naman ako ng tawad at nagkaayos na kaming lahat.

 

Masayang masaya talaga ako noon, sobra. Kahit na... Di man lang ako binisita ni Kirby at lalo na ni mamma... Sabagay paano niya ako bibisitahin kung hindi niya naman alam na naospital ako and moreover, hindi niya naman na alam ang nangyayari sa buhay ko dahil eversince then ay wala na siyang pakelam sakin at hanggang sustento na lang siya. Pero di ko kasi kelangan ng sustento niya, pagmamahal niya kelangan ko. Pero I have had enough dramas, simula ng makaligtas ako sa fall na yun ay nagbago na ang pananaw ko sa buhay.

 

 

It was a second chance from me.

 

Actually I was grateful to God that he gave me a second chance because to tell the truth, I actually regret committing suicide. For me... it was the most stupid and cowardly thing I've ever done in my life.

 

 

Sa second chance ko, nagsimula akong mabuhay ng masaya at optimistic sa mga bagay bagay. Napagtanto ko rin na marami din naman pala talagang nagmamahal sakin, hindi man ako mahal ng mamma ko o kaya ni Kirby... andyan naman sina Yuri, mga magulang ni Yuri na tinuring na din akong sarili nilang anak dahil madalas akong tambay sa bahay ni Yuri, andyan din yung mga circle of friends ko, andyan din yung mga kaklase ko na nagpapahalaga sakin at nirerespeto ako bilang president ng klase, andyan din yung mga teachers ko pati yung adviser namin na nage-encourage sakin na magsikap at wag sumuko sa magulong mundo na ito.

Previous Page of 7Next Page

Comments & Reviews (4872)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Cast

Yuanneas Annika Marie Reyes
Melmar Magnoas Seven Astute
Maira Toas Yuri

Recommended

Destined EnemyI want you back (one shot story)How to produce a PrinceMy Best ENEMY turns to My Best HUSBAND