Chapter 31: Lady_Apocalypse

104K 2.2K 511
                                    

Chapter 31 (UNEDITED)

Lady_Apocalypse

"NASAAN KA NA ba?!" Histerikal na bulanghit ni Xavier sa nobya niyang kanina pa niya hinihintay dumating sa kanilang tahanan.

"Malapit na nga po ako sweetie, h'wag ka ngang OA d'yan."

"Ako?! OA?!"

"Oh bakit? Hindi ba?"

"Sabi ko naman kasi sa'yong susunduin na kita d'yan sa inyo hindi ba?! Ikaw pa 'tong ayaw."

Napabuntunghininga na ang dalaga. "Eh kasi po, alam ko naman na ang bahay niyo po, sweetie."

"Kahit na!"

"Okay okay, next time. Next time! Papahatid na 'ko. Okay na?"

"Oo. Nasaan ka na ba?"

"Huh? Ah eto, nasa may gate na— Sa Villareal Residence, Manong Guard. Thank you po."

"Tss. Nakuha mo pang makipagngitian." Nahimigan ng dalaga ang pagiging seloso ng nobyo.

"Seriously?! Pati guard pagseselosan mo? Grabe huh!"

"Oo. Kahit sino pagseselosan ko, sweetie. You know that I own every single detail of you."

Nakangiting aso ang dalaga sa tinuran ng nobyo sa kanya.

"Oh heto, na nakikita na kita, h'wag ka nang maghimutok d'yan."

Ibinaba na ni Xavier ang kanyang telepono nang makita na nito ang nobyang lulan ng isang Honda Civic na kulay itim. Dinaluhan niya ito pagbaba at mabilis na hinagkan ang matatamis nitong labi.

Napapangiti na lamang ang dalaga sa pagiging adik ng kanyang nobyo sa mga labi niya.

"Baka may plano kang pumasok na tayo sa loob. Hindi pa 'ko nakikita ng nanay mong mala-dinosaur ang ugali eh mapatay na tayo kasi late na tayo."

Ngumiti ang binata. Narealize na tama ang tinuran ng kanyang nobya. Hindi pa nakikita ng kahit na sino ang dalagang nagpatibok ng kanyang puso. Ang dahilan? Dahil sa internet lamang sila nagkakilala. Internet Love Affair ika nga. Nagkakilala silang dalawa 1 year ago at nitong last week lamang siya sinagot ng dalaga nang magkaroon sila ng eyeball. Nung una pa nga ay hindi niya alam ang salitang eyeball dahil lahat ng nangyayari sa kanilang dalawa ay pawang sa internet lang nila nagagawa. Ni hindi nga niya inakalang magmamahal siya ng isang tao through site.

Nang magkita silang dalawa ay hindi niya akalaing sobrang ganda nito na to do the point bighaning bighani siya sa angking kariktan ng dalaga. Ibang iba ang itsura nito sa skype 'pag nag-uusap sila roon. That time kasi ay nasa America ang dalaga at doon raw ito nag-aaral, kung kaya't hindi nila magawang magkita ng personal. Nang mabalitaan ng binata na magbabalik Pilipinas ang dalaga ay saktong may big event naman sa kanilang tahanan at may makakasama na siyang partner.

Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang dalaga. All black attire, matching a killer boots, black skinny pants and a black hanging blouse exposing her flawless arms. Natawa na lamang siya sa suot ng dalaga. Hindi dahil sa hindi ito ang akmang kasuotan bagkus dahil mukhang sinusubukan ng dalaga ang pasensya ng kanyang ina.

Alam naman na kasi ng kanyang nobya ang lahat lahat tungkol sa kanya— bilang si Xavier Villareal. Maging na rin sa pag-uugali ng kanyang ina sa lahat ng kanyang nagiging nobya.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon