Papano ba magbigay ng palatandaan ang Diyos, Kuya? Nagsasalita ba siya talaga? Nagpapakita ba siya sa panaginip?
May assignment kami sa Filipino. Gagawa kami ng essay tungkol sa isang tao na hinahangaan namin. Ikaw ang una kong naisip. Hinahangaan naman talaga kita. Okey lang ba, Kuya? Para kasing gustung-gusto kong magsulat tungkol sa yo.
Sana sagutin mo agad itong sulat ko. Hihintayin ko yun. Hindi ako maiinip sa paghihintay.
Hanggang sa muli,
Mayreen
_____________________________________________________________
August 2, 1998
Dear Mayreen,
Kumusta na ulit? Kababasa ko kang ng sulat mo at syempre nawala ang pagod ko. Salamat at hinahangaan mo pala ako. Sige, payag ako na tungkol sa akin ang isulat mo sa essay mo. Basta yung totoo lang ang sasabihin mo ha. Bawal ang tsismis ha.
Papano nagbibigay ng palatandaan ang Diyos? Minsan sa panaginip. Minsan sa salita ng ibang tao. Minsan sa nababasa sa Bibliya. Sa akin kasi, madalas bumubulong siya. Huwag kang mag-alala. Kung talagang gusto ng Diyos na maging Kristyano kayo, siya mismo ang gagawa ng paraan.
Sana nga maayos ang lagay ng ama mo. Natutuwa naman ako at wala kayong problema diyan. Namimiss ko tuloy ang mga masasayang araw natin diyan. Ang tagal pa ng tag-araw.
Sa isang linggo, may field trip ang mga estudyante ko sa Zambales. Kasama ako syempre. Pupuntahan namin yung mga Aeta doon. Pagkatapos, maliligo kami sa dagat. Natutuwa ako dahil makikita ko ulit ang dagat sa halip na mga building dito. Miss ko na rin ang dagat diyan.
Aral ka nang mabuti. Magpapakabait ka ha.
Sa uulitin,
Mike
_______________________________________________________________
August 16, 1998
Dear Kuya Mike,
Katatanggap ko lang ng sulat mo. Natagalan yata sa post office. Bakit kaya? Siguro dahil sa nagdaang bagyo. Sana hindi na maulit ang ganun.
Kumusta din ulit? Kahapon, namasyal kami ni Pastora sa tabing-dagat. Gusto ko sanang maligo kaya lang malamig.
Anong nangyari sa field trip nyo, Kuya? Natuloy ba? Hindi ba kayo inabutan ng bagyo? Dito naman, maayos lang. Wala namang nasira yung nagdaang bagyo dito. Marami lang dahon ang nalaglag kaya doble-kayod kami sa pagwawalis. Dalawang araw ding nawalan ng pasok.
Yung essay ko tungkol sa yo, nakaperfect score ako dun. Ang galing ko nang magsulat, Kuya. Syempre, ikaw ang nagturo sa akin e. Gusto mo, ipadala ko sa yo yung essay ko?
Malungkot dito sina Pastor at Pastora. Wala pa kasing dumadating na bagong misyonero para makatulong nila. Umalis na sina Kuya Dado at Kuya Emil. Sabi nila, talaga daw ganun. Kapag tag-araw daw maraming dumarating. Pagkatapos, madalang na. Bakit ba ganun, Kuya?
Sige, Kuya. Matutulog na ko. May contest pa bukas sa school. Linggo ng Wika. Kasali ako sa pagbigkas ng tula. Sana manalo ako.
Mag-iingat ka lagi. Miss ka na namin.
Sa uulitin,
Mayreen
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists