Previous Page of 5Next Page

ONE SHOT Short Stories.

spinner.gif

Dahil ang lungkot lungkot ng panahon dito sa Baguio kaya eto, nasulat ko 'to habang nagpapahinga sa dami ng schoolworks.

 

Salamat po sa mga nagbabasa! Comment po kayo. :)

 

____________________________________________________________________

 

 

 

Stage Three.

 

 

 

 

Magkikita kami ni Josh mamaya, sabi kasi niya, may pag-uusapan kami. Excited na nga ako eh, tagal na rin kasi naming hindi nagkikita. Busy kasi.

 

 

 

 

 

Matagal na kaming mag-bfgf ni Josh, halos magtatatlong taon na rin. Mula fourthyear high school hanggang ngayong college.

 

 

 

 

 

From: Baby <3

Mamayang 4, hintayin kita sa carpark.

 

 

 

 

 

Pero recently, parang hindi na kami.

 

 

 

 

 

Madalang magkita.

 

 

 

 

 

Madalang magkausap.

 

 

 

 

 

Kahit magtext, madalang na rin.

 

 

 

 

 

Ewan ko kung bakit, lagi ko naman siyang tinetext at tinatry pang tawagan. Pero lagi daw siyang busy. Ayoko namang maghinala. Hangga’t maaari, ayokong mawala yung tiwala ko sa kanya eh.

 

 

 

 

 

4PM, Carpark.

 

 

 

 

 

“Ang tagal mo.” Yun agad ang sinabi ni Josh sa akin pagdating ko. Hanep, wala man lang greeting.

 

 

 

 

 

“Sorry, ano bang pag-uusapan natin?” Tanong ko.

 

 

 

 

 

“Aya..” Niyakap naman niya ko ng mahigpit. Nakakapagtaka pero parang ang sakit ng yakap niya.

 

 

 

 

 

“Sorry, hindi ko na kaya.” Sabi niya. Hindi kaya ang alin? Halata sa mukha ko na naguguluhan ako.

 

 

 

 

 

“Pwede.. pwede mo na ba kong pakawalan? Sorry Aya. Wala na kasi, wala na yung dating tayo.” Dugtong pa niya na halos hindi makatingin sa akin.

 

 

 

 

 

”Josh..” Wala, wala akong maisip na sabihin. Parang bigla akong nablangko. Parang, natanga na lang ako sa tapat niya. Hindi kumikibo. Pilit iniisip kung bakit.

 

 

 

 

 

 

”Sorry Aya.”

 

 

 

 

 

Huminga ako ng malalim. Nagpipigil umiyak.

 

 

 

 

 

”Sigurado ka na ba?” Malungkot kong tanong.

 

 

 

 

 

”Oo.”

 

 

 


 

Ang sakit, haha. Gusto ko siyang sigawan, gusto ko siyang tanungin kung san ako nagkulang. Pero wala, walang lumalabas na salita mula sa bibig ko.

 

 

 

 

 

“Kung yan ang gusto mo, Josh. Sorry din pala. Sige, uwi na ko. Sana.. sana maging masaya ka.” Yun lang at tumalikod na ko agad.

 

 

 

 

 

Tumulo na kasi ang luha ko.

 

 

 

 

 

Wala eh, ang sakit.

 

 

 

 

 

Pagkatapos ng ilang taon, ganun ganun lang? Ang dali lang para sa kanya na bitawan kung ano man ang meron kami.

 

 

 

 

 

 

 

 

Previous Page of 5Next Page

Comments & Reviews (186)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Under This Old Oak Tree ( Tagalog Version)Aftermath of "Happily Ever After"Could it be?Pwede ba maging TAYO?