Chapter 1

1.1M 21.4K 5.6K
                                    

Chapter 1

          "Oh...My...Gad!" sabi ko habang nakatanga sa harap ng monitor ng laptop ko.

          1000+ notification?! My goodnesss! Anong nangyayari sa Faceook ko?!

          "Hindi kaya may na post ako na nude photo ko?!"

          Iniscroll down ko mga na-post kong pictures. Ah! Thank goodness wala naman!

          "Sunga mo talaga Sitti! Kailan ka ba nagpapicture ng hubad huh?!" sermon ko sa sarili ko sabay batok sa ulo ko.

          Iniscroll down ko yung isang libong mahigit kong Facbeook notification.

          Puro like, comment at share ang nakikita ko.

          "Bakit ang dami nito?!" tanong ko sa sarili ko.

          'Hindi kaya nasali ako sa auto-friend request something something kalokohan sa Facebook?!' sa isip ko.

          Iniscan ko list ng mga group na sinalihan ko sa Facebook. Wala namang auto-liker, auto follower at auto-friends sa mga yun.    

          "Ano ba kasi 'to?!"

          Dahil na napagod na ako kaka-scroll sa notification ko, nagdecide na ako na i-open yung isa sa mga comment ng kakilala ko. Yung katabi ko sa klase na si Patty.

          [Bakla totoo ba 'to?! Kayo ni Kaizer?! Bading ka! Magkatabi lang tayo pero hindi mo na chika sa akin na jowa mo pala sya!]

          "HUH?!" kunot-noo na sabi ko saka iniscroll down pa yung nga comment ng mga tao.

          At napag-alaman ko na ang libo't mahigit na ito ay galing lang pala sa iisang pinost ko.

            [B*TCH! Kaizer is mine!]

          Napataas kilay ako sa nagcomment na yun saka chineck yung profile nya.

          Si Margaret Torres. Yung ultimate mean girl sa Eastton University.

          Binasa ko pa yung mga comment ng iba doon at ganoon na lang ang pagnganga ko sa mga pinagrereply nila sa post ko.

          May nagcongrats, may nagsend ng heart icon sa akin, may nang-away (mas marami 'to) at kung ano-ano pa. Yung iba nagtatanong paano, bakit, saan, kailan at di nga sa akin.

          Tumunog na naman PC ko. Sign na meron na naman akong natanggap na new notification.

          [AABANGAN KITA SA SCHOOL BUKAS!]

          Yan yung sabi. Capslock para intense!

          At, hindi pa nakakakurap yung mata ko, ang dami agad naglike sa post na yun. At sunod-sunod na naman yung pagbaha ng comment at notification sa FB ko.

          "Ano ba kasi 'tong pinost ko?"

          Iniscroll up ko yung scroll bar ko saka chineck yung post ko.

          At, ganoon na lang ang pagluwa ng mata ko ng makita ko yung pinost ko.

            [I love you boyfie! Mwuah! Mwuah! :* – with Kaizer Buenavista]

          "Patay!"

          Iniscroll down ko ulit yung mga comment na yun na patuloy pa din sa pagbaha at chineck yung comment na naka-CAPSLOCK kanina.

          Bigla kong nabitawan ng wala sa oras yung mouse ko ng makita kung sino ba yung nagcomment na yun.

            [Kaizer Buenavista 2 minutes ago] yan yung basa ko.

          "Hindi pwede 'to..." kabadong sabi ko saka hinawakan ulit yung mouse at itinapat ang cursor sa name ni Kaizer saka iyon clinick at saka ako na re-direct sa profile nya.

          "Hindi..." sabi ko sa sarili ko saka napatanga sa profile na binuksan ko.

          Kaizer Buenavista (Kaizer Buenavista) Works at Eastton Varsity Team. Add as Friend. Message. Follow.

          "Lagot ako..." sabi ko saka napahawak sa magkabila kong pisngi.

          Maglolog-out na sana ako dahil na din sa sobrang hiya ng biglang magpop yung message icon ko. Naging red #1 sa taas. May natanggap ako na isang message.

          In-open ko yun. Kaya lang, nung nabuksan ko na, hiniling ko na sana hindi ko na lang ginawa iyon.

          Nagmessage sa akin si Kaizer.

          [Hoy babae! Kung sino ka man, malalagot ka talaga sa akin bukas! Tandaan mo yan! Babasagin ko yang kakapalan ng mukha mo! Boyfie pala huh?! Boyfie-in mo mukha mo gago! Wala akong panahon makipagjowa sa baliw tandaan mo yan! Yari ka talaga sa akin bukas pag di mo naayos 'to!]

          Napalunok ako matapos kong basahin yung message nya.

          Isang malaking pagkakamali ang lahat ng ito! Maling-mali!

          Hindi naman talaga sya ang dapat na-tag ko sa post ko na yun eh! Si Kaizer! Si Kaizer Buenavista na isang fictional character ng isa sa mga favorite author ko sa Wattpad na nagkataong may Facebook account din.

          Sya yung tinutukoy kong boyfie. Hindi si Kaizer Buenavista na taga-Eastton University!

          Hiniling ko na sana lamunin na lang ako ng lupa kaya lang pati yung paglamon sa akin nabitin ng magpadala ulit sa akin ng private message si Kazier—yung totoong tao na Kaizer.

            [Hoy babae! Subukan mo lang hindi pumasok bukas at tatamaan ka sa akin! Inalam ko na schedule mo, section mo, course mo, pati mga subject na pinapasukan mo! Pati pala bahay mo alam ko na din! Kaya wag na wag mong subukang tumakas dahil yari ka sa akin naiintindihan mo?! Magkikita pa tayo bukas kaya humanda ka!]

          Consider na ba 'tong cyber bullying? Grabe sya makabanta sa akin eh!

          Gusto kong magreply sa kanya at mag-explain ng side ko kaya lang hindi ko magawa.

          Nanginginig kasi mga kamay ko sa nabasa ko na second message nya.

          Kilala na nya ako. Ano ng gagawin ko?!

          "Lumipat  kaya ako ng school?"

          Binatukan ko ulit sarili ko. Hindi yun pwede! dalawang taon na lang at gagraduate na ako. Sayang kung lilipat ako. At isa pa, fully paid na tuition ko. Hindi ko naman marerefund yun kapag umalis ako.

          "Paano na 'to?!!" inis na sabi ko saka binaksak yung sarili ko sa kama na nasa likod ko lang.

          "Malaking gulo napasok mo Felicity..."

          Ako nga pala si Felicity Sandoval. Mas kilala bilang Sitti.  Kahapon, ordinaryo pa lang buhay ko. Isa lang akong anti-social pero media socially active lalong-lalo na sa Facebook.

          Pero ngayon, ng dahil sa isang maling tag, iniisip na ng buong school namin na boyfriend ko ang isa sa sikat na varsity player na si Kaizer Buenavista.

          "Talagang yari ako bukas..." naiiyak na sabi ko. "Hindeeeeeeeee!!!!!!!"

A/N: Ano kayang mangyayari kay Felicity sa pagpasok nya? Mapatay kaya sya ni Kaizer? Pero ang tanong, anong paraan ng pagpatay ang gagamitin ni Kaizer sa kanya?! Hahahahaha! Comment kayo dali! Gusto kong malaman reaksyon nyo sa kabaliwan na ito! Kekekeke!

My Tag Boyfriend (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon