Kabanata 61

1.2M 31.4K 15.6K
                                    

Warning: Medyo SPG

-----------------------------

Kabanata 61

Pag Aari

"SULUTERANG MAY DETERMINASYON!" Sigaw ko habang nakikita si Janine na sumasakay sa kabayo.

Malayo pa ako at kitang kita ko na nakikipag usap si Hector sa tiga alaga ng kabayo habang si Janine ay nag struggle na sumakay sa isang puting kabayo.

"Hector! Hector!" Sigaw niya.

Lumingon agad si Hector kay Janine at itinuro niya ito kaya nagpunta ang ranchero at ang mga trabahador para tulungan siya. Nakapamaywang si Hector at pinanood niyang hinahawakan ng mga ranchero ang kamay ni Janine sa pagsakay ng kabayo.

"Hector!" Tawag ulit ni Janine ngunit hindi man lang nag abala si Hector sa pagpunta roon. Imbes ay hinayaan niya lang ang mga trabahador.

Nilingon ako ni Hector at mas lalong bumilis ang lakad ko. Hindi ko siya pinansin kahit kita ko ang pangungunot ang noo niya sa akin. Maaaring napansin niya ang pula kong pisngi at ang nag aapoy kong galit.

Bwisit kang higad ka! Tinatawag mo pa si Hector kahit kitang walang interes iyong tao sayo! Napatingin si Janine sa akin dahil diretso ang lakad ko sa kanya. Ang inilahad niyang kamay sa ranchero ay kinuha ko at hinila ko siya pababa ng kabayo. Nahulog siya at nangudngod ang kanyang mukha sa putikan.

"SULUTERA KA!" Sigaw ko.

Nagsigawan sa gulat sina Desiree at Tara. Mabilis na nagtakbuhan ang mga lalaki sa aming dalawa. Gumapang si Janine para makaahon.

"Ano ba, Chesca? Ano bang problema mo?" Sigaw niya.

"Ah? Ako pa ngayon ang may problema, ha? Ikaw ang may problema dito, Janine! Makati ka! Kung gusto mo ipakamot mo yang iyo sa unggoy dahil sobrang kati na, diba?"

Bumangon siya at sinampal ako. Nakita kong umiiyak siya kahit na ang kabilang pisngi ay punong puno ng putik. Sinampal ko rin siya pabalik at humagulhol siya.

"Chesca! Ano ba?" Sigaw ni Desiree sakin.

Napalibutan na kami nilang lahat. Si Hector ay nakahawak sa magkabilang braso ko at nasa likod na para awatin ako. Sina Billy at JV naman ay nasa kay Janine.

"Janine, ayos ka lang ba?" Tanong ni RJ sabay tingin sa mukha ni Janine.

"Hector!" Sigaw ni Janine sabay turo sakin. "Walangyang Chesca! Nakita niyo ba iyon? Nakita niyo ba?" Sigaw niya.

Kumawala ako kay Hector at sinampal ulit siya.

"CHESCA!"

"AHHHH!"

"TAMA NA!"

Nabingi ako sa mga sigaw nila dahil sa ginawa ko.

"Chesca!" Mariin at may awtoridad na sigaw ni Hector sa akin.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon