Mensahe ni Saiyang: Dahil fan po siya ng Starry Starry Days With You kong english story na sobrang twisted ang grammars at nagflu-fluctuate ang verbs. XD Walang editor ang lola mo, ee. This chapter is for you sis. Thank you very much sa pagsupport sa SSDWY.
-------
“Anong sabi mo?” Mukang nagulat siya nung nagtanong ako. Hindi niya siguro akaling maririnig ko ang sinabi niya.
Aba loko tong primitive na unggoy na ito ah? Kuwestiyonin daw ba ang order ko?
“Nothing.” Napalagok siya.
“May sinabi ka, eh.” Tinaasan ko na siya ng kila’y.
Bumuntong hininga siya dahil alam niyang talo na siya.
“Bakit po kayo nago-order ng orange juice, eh coffee shop po ito?”
Napasinghap ang mga kaibigan ko sa table habang ako naka-cross arms na at nakataas ang kilay.
Maayos naman ang tanong niya. Hindi antipatiko ang dating pero alam nilang he hit me a nerve dahil may sense ang tanong niya.
Chill. Maddie. Wag magpaapekto sa huklubang yan.
Kung tutuusin sa tinagal-tagal na customer ako ng Brew siya lang ang unang nagtanong sa akin niyan. Paano, lahat kasi ng crew ng shop alam na hindi talaga ako umiinom ng kape. Bakit? Kasi ayoko ng lasa, eh. Kaya bilang honorary customer nila for five years- may option ako na bumili ng drinks kahit hindi kasama sa menu nila as long as bibili din ako ng cakes nila.
O di ba? Ako lang ang may exception sa shop na ito. Yan si Maddie! Like a boss!
Si Hiro nagpapanik na parang sinasabihan siyang- “Tumigil ka na kung ayaw mong mamatay!”
Si Gemma nakatulala na lang. Parang naghihintay na may malaglag na lasagna sa langit.
Si maganda, mabait at seksing Sandra naman naka-kunot na ang noo.
Si couz Brad bumulong ng “Takbo.”
Si Gray naman- clueless sa reaction ng mga kasama ko.
“Di ba kape po dapat ang inoorder niyo?” Tanong ulit ni Gray sa akin.
Hindi ko na kaya! I can’t stand this anymore!
Tumayo ako at hinampas ng malakas ang table.“Eh, pake alam mo ba, primitive monkey na Homo Erectus ka?”
Napatalon siya sa gulat dahil sa reaksyon ko. Nanlaki din ang mga mata niya.
“Nakikita mo ba iyon?” Itinuro ko ang malaking slogun sa board ng Brew. “Ang sabi- the customer is always right!”
Tinignan niya lang ako, speechless pero nakakunot ang noo. Halatang nababagabag siya sa nangyayari.
“Kuha mo ang logic? Oh, baka naman wala ka noon? Customer ako, right? Kaya I’m supposed to be right, right? Kaya kung may problema ka sa akin- problema mo lang iyon! Solohin mo! Get it?”
Tumahimik ang buong shop. Lahat ng customers pati si Manong Dan at yung mga datihang barista ng Brew na sina Michael, Indi at Joel na nirerespeto ako, nagulat sa outburst ko.
Naningkit ang mga mata ni Gray. Tapos inilapit niya ang muka niya sa akin.
“Nagtatanong lang ako di ba? Ba’t ang sungit mo? Wala naman akong sinabing mali ka.”
Natigilan ako.
Oo nga naman. Nagtatanong lang naman siya.
Kung tutuusin pwede ko naming sabihin ang dahilan.
Bakit nga ba hindi ko sinabi?
Hindi rin niya sinabing- mali ang ginawa ko.
“Ano ba yan. Ang palengkera ng attitude.” Sabi ng isang customer sa tabi ng table namin. “Kung tutuusin hindi nga tamang umorder siya ng wala sa menu eh- ano siya pa special? Ang kapal, ah.”
“Oo nga girl. Ang kapal noh?” Gatong pa nung kasama niya.
Binigyan ko sila ng malupit at kasumpa-sumpang death glare.
Nanahimik sila bigla at kunyari wala silang sinabi.
Nakakahiya naman ako.
Grabeh. First time tong nahiya ako sa mga actions ko ah.
Usually, nakakahanap ako ng butas pag nalalagay ako sa mga ganitong sitwasyon pero ngayon- bakit hindi ko magawa?
Nakakainis.
Naiinis ako sa sarili ko.
At ang isaa pagkinaiinis ko ay yung katotohanang mali ako at tama siya.
Ang dami kong sinabi pero lahat iyon mali at walang sense.
Siya- isang linya lang ang sinabi niya pero ang tindi ng impact.
Damn!
Biglang lumapit si Michael, datihang crew ng Brew.
“Ahem. Excuse me lang po.” Sabi ni Michael.
“Bakit!”
“Bakit!”
Sabay naming ni Gray na nasigawan si Michael. Tapos nagkatinginan kami.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists