7: Mira

362K 5.5K 125
                                    

Nasa isang mala-stretcher na platform ako habang ini-examine ni Doc Vince ang balakang ko. Ang abnormal ba namang kapatid niya, binuhat-buhat ako tapos bigla rin akong binitawan. May balak yata akong iparalisa ng isang 'yon!

"I think, wala ka namang damage na nakuha sa pagkabagsak mo. Malala na ang magkapasa ka ng kapiraso sa area na 'yan. Pagpasensyahan mo na si Vren ha? Masyado lang talagang impulsive 'yon."

Buti na lang talaga, mabait itong si Doc Vince. Baka naman evil twin niya si Stupid Driver — mala-angel-and-devil tandem lang? Ayaw lang siguro nilang ibunyag.

"Doc, pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na. Why will I make you stop?" His words ended with a grin.

Tumawa naman ako. Medyo corny ang joke ni Doc, pero pagbibigyan ko na.

"Paano ka nagkakapatid ng katulad ng isang 'yon?" Pabiro akong umismid.

"You know what, Mira? You amaze me." Tumawa rin si Doc Vince.

"Ha? Hindi naman 'yan ang sagot sa tanong ko." Kunwari ay sumimangot ako dahil sa pagkalito, pero sa totoo lang ay kinilig ako. Imagine, this gorgeous doctor found me amazing?

Amazing!

"Sorry." Halatang nagpipigil pa rin si Doc Vince ng tawa. "Alam mo kasi, ikaw ang kauna-unahang naglakas ng loob na tawaging stupid si Vren. Ibang klase ka. And take note, ikaw rin ang kauna-unahang tao na nakapagpatiklop sa kanya."

"Gano'n?"

He nodded, evidently amused. "Kasi, si Vren," pagpapatuloy niya, "madalas tahimik kaya napapagkamalang suplado. Well, come to think of it, suplado naman talaga siya. At nakakatakot 'pag galit. Mahilig manapak. Ilang beses na nga niyang pinadugo ang labi ko, eh. Imagine, kuya niya ako pero nakukuha niyang umbagan."

"Hala. Ang scary naman ng kapatid mong 'yon," komento ko.

"Indeed. Pero kanina, habang nakikita ko na binubulyaw-bulyawan mo lang siya, hindi ko maiwasang matawa. Vren looked so helpless."

"Helpless ba 'yon, Doc?" I made a face. "Nakita mo namang nakikipagsabayan siya ng sigaw sa akin. At ibinagsak niya pa ako, ha? Like hello, 'yon na pala ang tinatawag na helpless? Hindi ako na-inform about sa change."

Doc Vince let out a laugh. "Siguro, since we're talking about Vren, I'll say yes — that was him being helpless. Kasi, kung ibang tao lang siguro 'yon, baka na-slaughter na niya."

"Naku po. Dapat na ba akong magpapalit ng mukha at pangalan?" biro ko. "I already got into your brother's bad side. Baka balikan ako no'n."

"Don't worry. If that happens, I got your back." He winked at me.

At kinilig naman ang lahat ng nerve endings ko dahil sa hirit niya.

Doc Vince naman, eh! This is it na ba? Ikaw na ba si Mr. Right?

"Hey, what's wrong?" Kung hindi pa ikinaway ni Doc ang kamay niya sa harap ng mukha ko, hindi ko pa namalayang nakatulala na pala ako sa gwapo niyang face. "May masakit ba, Mira?"

"Ah, eh... wala! Iniisip ko lang kung paano ako makakauwi, Doc," pagpapalusot ko. "Alam mo na, dahil dispalinhado ngayon ang paa ko."

"I see." He nodded understandingly. "Well, since I don't have scheduled appointments today, I can drive you home. Kung okay lang sa'yo, siyempre."

"Ihahatid mo ako pauwi?" hindi makapaniwalang tanong ko. "As in?"

"As in," he confirmed with a chuckle. "Let's get you home then, Mira."

My Boss is a Freak (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon