Babala: Cliche ang story na ito. Bahala na kayo kung babasahin nyo pero kung sakali mang mabasa nyo ehh salamat po ^___^ Vote nyo narin po kung nagustuhan nyo man.
Baka malito nga lang kayo dito haha XD
Di ako maalam magsulat ng SHORT stories eh.
Pero ENJOY :)
______________________
Nagsimula ang lahat sa isang magandang umaga at ng mga salitang napakatamis.
"UWAAA!!! SINO KA??!!! ."
"Ako ang iyong soon to be asawa ." nagwink pa ako sa kanya.
"HA?! What?! Anong asawa pinagsasabi mo!!! ."
"Haha can't you see it? Something happened! meaning nun I'll get pregnant at pag nabuntis ako pakakasalan mo na ako."
"WHAT THE!!!! ."
Ako nga pala si Eunice Irish Dela Vega na pinikot ang isang lalaki na nagngangalang Nico Dela Vega. magpipitong buwan na kaming mag-asawa at walong buwan na kong nagbubuntis muhaha. Ang matagal ko ng pinapangarap na lalaki ay nakuha ko na rin. Matagal ko na syang pinapantasya simula pa nung High School kami at apat na buwan bago ang graduation namin sa college ay ayun nga nasimulan ko na ang plan haha at natupad nga ang matagal ko ng inaasam.
Magpipitong buwan ng nagtitiis at nakukuntento sa napakalamig at casual naming pag-uusap pitong buwang nakukuntento sa hindi nya paturing na "ASAWA" kahit isang beses man lang kahit nga bilang tao man lang ay di nya ako nagawang ituring. Siguro nga masama ang nagawa ko pero di ako susuko alam kong balang araw maiinlove din sya sakin! Di sya makakatiis sa alindog ko ^_~
Nakita ko sya sa may hapag kainan at nagsisimula ng kumain. Papasok na sya, nag-aral ulit kasi sya ng second course habang ako dito tambay sa bahay para ingatan ang baby na ngayon ay walong buwan na :D
"Good morning Darling kamusta ang iyong tulog." nakangiting sabi ko sa kanya habang umupo ako sa upuan para kumain na rin.
tiningnan nya lang ako at sumubo ng isang kutsara sabay tayo "Sige pasok na ako, Wag ka masyadong maglalabas makakasama sa kanya ." tapos tiningnan nya ang tiyan ko, tumango ako bilang sagot.
Tumayo ako para ihatid sya sa gate "Ingat ka!! ." tapos nag wave ako. Hinawakan ko ang tiyan ko at kinausap ang baby ko "Haha kita mo yun anak ohh! may care parin pala sayo ang daddy mo." ngumiti ako habang hinihimas ang tiyan ko.
Wala akong maisip na gawin >__< tinatamad ako dito sa bahay pero di naman ako pwede lumabas magagalit si Nico. Pero ehh ano ba tong anak kong to napakagala di ako mapakali. Haays makaalis na nga lang kainis ehh.
"Ano oh sige sige na pupunta na tayo sa Lola mo ok." sabi ko sa baby na nasa tiyan ko sabay nagpunta kay Mommy Nina ang ina ni Nico.
Pumunta nga kami kay Mommy Nina dahil gusto nitong anak ko pero sa totoo lang ayokong ayoko na nagpupunta dun na ngayon ay malalaman nyo na ang dahilan kung bakit.
Pagkadoorbell ko ay may lumabas na katulong. Hehe mayaman tong napangasawa ko eh :P , Ako? Mayaman rin kaso pariwara ang buhay tinakwil ng magulang de joke naglayas ako samin :D
"Andyan ang mommy?." tanong ko sa katulong matapos kong makapasok.
"Opo mam nasa harden po!." ngumiti ako sa katulong
"Salamat." tapos tumuloy na ako sa hardin.
"HELLO!!! MOMMY!!! GRANNY!." nagulat ko ata dahil napatalon si mommy eh mehehe
"Jus meyo! Papatayin mo ba akong bata ka? Ilang beses ko bang sasabihin na Mamsy! hindi Granny!! tsaka di ka ba pinagbawalan ni Nico na lumabas ng bahay?!." yeah yeah nagger nagger =3=
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists