XXVII. The Three Guys.

213K 3.5K 279
                                    

Semestral break na ngayon pero kinakailangan ko pa ring pumasok dahil kinakailangan kong mag-encode ng grades ng mga estudyante ko, pero hindi ako papasok talaga ngayon. Si Zeke kasi, biglaang tumawag kaninang madaling araw at pinagmamadali niya akong pumunta ng airport dahil may susunudin daw kami, duon na rind aw kami magkita. Gusto ko nga rin talaga sanag pumasok dahil nakikita ko si Anna duon kahit sembreak na. Masaya na ako sa ganun, walang ng napapahamak kapag mamahalin ko na lang siya sa malayo.


Kaya ito ako ngayon, nakatambay sa NAIA inaantay kung sino man yung taong uuwi dito sa Pilipinas. "Sinasabi ko sa'yo, Zeke. Kung hindi talaga importante tong susunduin natin, yari ka sakin." Banta ko sa kanya habang siya, naglalaro ng Temple Run sa iPhone4s niya.

"Dude, chill ka lang! Ano bang meron sa university at hindi mo maiwan-iwan?" Sabi niya habang tinatagilid yung cellphone niya. "Well, aside from the obvious---Putcha! Game over!" Natawa naman ako sa reaksyon niya, halos maibato na niya yung cellphone niya. 

"Pero di nga, Pare? Yung grades lang ba o nagbabakasali kang makita mo dun yung kinababaliwan mong si Anna?" Sabi niya nung makarecover na siya sa pagkakatalo niya sa Temple Run.

"Kailangan ko ng matapos yung encoding ng grades, okay?" Palusot ko.

"Kung ayaw mong magsabi ng totoo, bahala ka." Sabi niya na may halong pang-aasar.


Magsasalita pa sana ako ng biglang may tumayo sa harapan namin ni Zeke na may dalang cart. Tinitigan ko muna siya ng mabuti bago ako makapag-react.

"Oh God, no." Narinig kong tumawa si Zeke.

"Wala man lang yakap, guys?! I'M BAAAAACK!!!" Sabi ni Boyet.

"Sige na, yakapin na natin tong jologs na to!" Sabi ni Zeke habang hinihila ako patayo.

Tumayo naman ako at niyakap ako ni Boyet, niyakap niya naman agad si Zeke pagkatapos niya akong yakapin. "Grabe, namiss ko kayo, guys!" He grinned.

"Tangina, Pre! Nung umalis ka ang angas mo, pagbalik mo ang bading-bading mo!" Natawa siya sa pang-aasar ko.

"Ulul! Nananadya lang ako! May asawa na kaya ako!" He grinned.

"Alam niyo, sa kotse na lang natin 'to pag-usapan."Suggestion ko sa kanilang dalawa.

Tumango naman si Zeke. "Oo nga, ginutom din ako sa Temple Run." Sabi niya habang hinihimas yung tyan niya.


Nung nasa kotse kami, hindi natigil sa kakakwento si Boyet tungkol sa buhay niya sa California. Pati kinuwento niya rin yung aksidenteng nagkita kami sa Staples Center, 4 years ago na rin ata iyon. Nagtataka pa rin ako dahil hindi pa siya nakakapag-open ng topic na pwedeng ma bring-up si Mars. Ewan ko rin, pero parang iniiwasan din ni Zeke na mapunta duon dahil ang bilis nilang magchange ng topic kapag nagiging seryoso na ang usapan.

"Oo nga pala, Pare. Kamusta ka na? Ano balita sa inyo ni Ma—" Hindi pa natatapos ni Boyet yung sasabihin niya nang bigla nag-ring yung cellphone ko.

Sinenyasan ko lang ng 'saglit' at nanahimik silang pareho ni Zeke. "Hello?" Hindi ko na tinignan kung sino yung tumawag.

"Nasaan ka?" Pagkarinig ko ng boses niya, napabuntong hininga na lang ako.

"Nasa kotse." Matipid kong sagot.

"Hindi ako naniniwala!" Sigaw niya sa akin.

"Okay." I said, noncommittally.

"Hindi mo ba sasabihin sa akin kung nasaan ka talaga?"Napatingin ako sa side mirror bago ako sumagot.

"Nasa kotse nga." Sumigaw ulit siya pero inabot ko agad kay Zeke yung cellphone ko habang nakatingin ako sa windshield at nakafocus lang sa pagmamaneho. "Kausapin mo nga 'yan, napaka praning." Tinignan muna ni Zeke yung screen ng cellphone ko bago niya ito kinausap.


"Hello, Val? Si Zeke ito. Kasama ko siya ngayon, nasa kotse kami papuntang  mall kasi magla-lunch kami."Zeke explained, mukhang may sinasabi pang mahaba si Val. 
"May sinundo kasi kami sa airport." Medyo tumaas yung boses ni Val sa kabilang linya, napangiwi kasi si Zeke at inilayo niya sa tenga niya yung cellphone. "No, Val. Lalaki sinundo namin, high school friend namin." I rolled my eyes, typical Val... Napakapraning.


Inabot sa akin ni Zeke yung cellphone, kinuha ko naman agad at ibinalik ko na agad sa daan yung atensyon ko. "Puntahan daw natin siya sa university niyo at sasama raw siyang kumain sa mall." Sabi ni Zeke habang minamasahe ang sentido niya, halatang na-stress siya sa pakikipag-usap kay Val.

"Kahit kalian talaga, hindi marunong lumugar." Sabi ko habang umiiling.

Tumawa ng bahagya si Zeke. "Ang malas mo talaga. Fiancée mo na e." Pang-aasar ni Zeke na hindi ko na pinansin.

"Teka, teka, teka! May fiancée ka ng iba? Anong nangyari sa inyo ni Mars?" Napatingin kami pareho ni Zeke sa rearview mirror, para bang nakalimutan naming nasa backseat si Boyet.

Natahimik kaming bigla ni Zeke, walang may gusting magsalita. "Well? Wala bang maglilinaw ng narinig ko?"Halatang naiinis si Boyet.

Napahinga ako ng hininga at nagsalita, "Maraming nangyari nang mawala ka at umalis ako... Saka na lang natin pag-usapan, Pare." 

"No, Pare. Hindi na ako makakapaghintay. Ano bang nangyari?" Pangungulit niya pa.

"Please, Pare. Not now." Pakiusap ko.



"19 years old ka lang?!" Biglang bigla si Ms Renz nang sabihin ko sa kanya na 19 years old lang ako.

"Bakit hindi ka makapaniwala?" Sabi ko habang natatawa.

"Grabe, Sis. 24 na ako e, feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na!" Napangiti ako sa pagsimangot niya.

"Kesa naman ako, 19 nga ako pero napagkakamalan akong mas matanda." Sabi ko para gumaan ang loob niya.

"Ang laking bulas mo kasi!" She grinned.

"Nakakainis kaya." Sabi ko, umaarte na naiinis. "Pwedeng magkwento ka pa tungkol kay Mars? Kung okay lang?" 

Tumayo siya at hinila niya rin ako para tumayo. "Sige, pero gusto ko habang naglalakad-lakad tayo. Nabo-bored ako sa ambience ng canteen niyo!" She chuckled.


Nag-umpisa na kaming maglakad, si Ate Lydia nasa likuran lang namin. Nagulat ako ng i-link niya yung braso niya sa braso ko, parang best friends kami, parang matagal na kaming magkakilala... Parang magkapatid talaga kami...

"Swerte ako dahil naging kapatid ko siya, pero hindi ko nasabi sa kanya iyon. Sa kabila ng mga pagpaparaya niya sa ibang bagay, masama ang isinukli ko sa kanya."Hindi ako sumagot pero pinisil ko yung braso niya para ipagpatuloy niya ang kanyang kwento.

"Crush na crush ko kasi si Mark nuon." This time napatingin ako sa kanya, nakita ko siyang nakangiti. "Pero si Ate Mars ang napansin niya sa aming dalawa, I did everything to destroy their relationship." She looked down.

"Ang sama mo namang kapatid." Sabi ko ng pabiro, tumawa siya ng bahagya.

"I know but I paid for what I did. Pinagsisihan ko naman iyon tsaka thinking about it now... Napaka immature nung ginawa ko." She chuckled.

"Ganun talaga, may nagagawa tayo talagang katangahan pagdating da pag-ibig." Siya naman ang tumingin sa akin ngayon.

"Wow naman! May pinaghuhugutan! Magkwento ka nga!" Sasabihin ko pa lang sa kanya na wala akong 'love life' nang biglang napahinto ako. Tinignan ni Ms Renz yung tinitignan ko. Napangiti siya at tinakpan niya ang bibig niya.

"Oh my God! Totoo ba itong nakikita ko? Ang mga lalaki sa buhay ng kapatid ko?!" Sabi niya habang kumukurap-kurap.


Tumigil silang tatlo sa harapan ko, napatingin ako sa isang lalaki na kasama nila. Ngayon ko lang siya nakita, yung isa nilang kasama naman ay nakita ko na sa engagement party nila Sir Mark. At syempre, si Sir Mark ang kasama nila.


"Oh my God, Crispy! Kailan ka pa bumalik?!" Halata sa pagtatanong ni Ms Renz na masaya siyang nakita niya yung lalaking kasama nila Sir Mark. Bumitaw pa sa akin si Ms Renz at yumakap sa kanya.


Saka lang ako tinignan nung lalaki nang bitawan siya ni Ms Renz. "MARS?!" Napasigaw yung lalaki at itinuro ako. Hindi pa ako nakakapag-react nang bigla niya akong yakapin. "I missed you! Kamusta ka na?" He said pero hindi niya ako binitawan.

Dahan-dahan akong  umalis sa yakap niya. "Nagkakamali ka, hindi ako si Mars." I politely said.

He shook his head no. "No! Don't be silly! Kanina pa ako naguguluhan sa mga nangyayari! Ano ba tong trip na to!" Hinawakan siya sa balikat ni Mark.

"Pare, hindi siya si Mars. Magkamukha lang sila."Paglilinaw ni Sir Mark. Hindi ko alma kung saan ako mas nasaktan, kung duon bas a sinabi niya o dahil hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Ano ba! Buking na kayo! Wag niyo na akong pagtripan!"Sabi niya at tinanggal niya yung kamay ni Sir Mark sa balikat niya.

"Dude, hindi ka namin pinagtitripan. Alam ko dapat kanina pa namin sinabi to pero hindi namin alam kung paano sasabihin ito—" Hindi pa natatapos nung lalaki yung sasabihin niya nang magsalita si Ms renz.

"Matagal ng patay si Mars." Walang kumibo nang mabitawan niya ang mga salitang iyon.


Nakatingin lang sa akin yung lalaking tinutukoy nilang si Crispy, naluluha siya. His pained expression killed me.


"I think I need to go, baka hinahanap na ako ng professor ko." I squeezed Ms Renz's hand before I left them.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon