Previous Page of 4Next Page

Diary ng Panget/ Diary ni Eya fanfiction

Dedicated to
HaveYouSeenThisGirL
spinner.gif

Hi Ate Denny! Happy Happy Birthday! Bilang gift ko sa'yo, gumawa na lang ako ng fan fiction ng Diary ng Panget/Ni Eya since namimiss ko na rin naman sina Cross. Pahiram muna ng characters, ha? Enjoy your day! God Bless! :)

 

***

 

Kailangan ko pa bang i-enumerate yung mga nangyari samin after nung moment namin sa airport? Interesado ba kayong malaman kung ano nang nangyari sa pagitan namin ng Lolo ni Cross? 

 

 

 

 

 

 

Edi okay. Bahala na kayong gumawa ng conclusions niyo. Tinatamad akong magkwento.

 

 

 

 

 

 

 

Pero joke lang yon. Dahil mahal ko kayo, ikkwento ko. Pero shortcut na to, ha? 

 

 

 

 

 

Ayun, tinulungan nga kami ni Mr. Sandford na kausapin yung Lolo ni Cross. Matagal rin bago namin siya nakumbinse sa relasyon namin. No choice kundi daanin sa santong paspasan. Binitin namin patiwarik habang nasa loob siya ng sako. Nilublob din namin siya sa drum ng tubig tulad nung ginagawa sa mga movies. At ayun, sumuko na siya. We won!

 

 

 

 

 

Pero syempre, joke lang yon. Naiimagine ko lang kung anong itsura niya if ever gawin nga namin yun. Haha! Sama ko noh. Hindi ko na ikkwento every detail ng pag-uusap namin kasi sobrang looooong story talaga. Basta ang mahalaga, okay na kami ngayon. May improvements na naman kahit papano.

 

 

 

Anyway, mago-one year na na kami ni Cross/ Cookie monster ko bukas! Akalain niyo yun? Nakatagal kami sa isa't isa. Oha, kahit wala kaming sweetbones parehas, nananatili pa rin kaming inlove! Haha, landi alert! 

 

Ewan ko kung anong pinaplano nitong si Cross. Di ko nga alam kung may plano ba talaga. Hindi niya naman kasi namemention yung tungkol bukas. Ang weird lang kasi tuwing monthsary namin nagiisip na agad siya ng gagawin bago dumating yung day na yun. Pero ngayon atang anniversary parang wala? Nakalimutan niya na ba? Parang masyado kasi siyang busy. Sa Penshoppe naman kasi siya nagmomodel ngayon. Kasi nga diba, nafire na siya dun sa Bench dahil dun sa panununtok niya dun sa baklang photographer dahil sa selos. Madalang lang kami magkita this week dahil hectic nga daw sched niya. Ayaw niya naman akong pasamahin sa studio nila. Kainis! Ayaw niya lang ako sigurong makita yung mga babaeng kasama niya sa shoot. 

 

 

Andito kami ni Chad ngayon sa ice cream parlor. Nasstress kasi ako dito kay Cross. Di man lang maisip tumawag or magtext. Kailangan kong magpalamig! 

 

"Peppy, tunaw na ice cream mo!" 

 

Hindi ko namalayang halos tunaw na tunaw na pala yung ice cream ko. Yung tipong wala ng ice. Cream na lang. 

 

"Eh nakakainis naman kasi yung halimaw na yun eh! Parang hindi namin anniversary bukas." at napahalumbaba na lang ako. Nakakainis talaga eh. :(

 

"Alam mo, Peppy. Imposibleng makalimutan niya yun. Yun pa? Eh patay na patay sa'yo yun. Pinagselosan pa nga ako, diba?" 

 

Natawa naman ako dun. Naalala ko tuloy yung mga kabaliwan na pinaggagawa ni Cross nung nagseselos siya kay Chad. Haha! Alala niyo pa yung binigyan niya kami ng penalty at sumayaw kami ng Teach me how to dougie sa harap ng lahat? Hahaha! Tas nung ano pa.. nung tumawag si Chad sakin tas hinablot niya phone ko tas binali sim ko. Pinakamasaklap dun yung pumayag siyang maging fiancee ni Ysabel. Natatawa na lang ako ngayon. Hahaha. 

 

"Haha! Grabe talaga yun. Teka, tingin mo talaga hindi niya nakalimutan yun? Pano mo naman nasabi?" 

 

"Sa mga kilos pa lang ni Cross, makikita mo na eh. Mahal na mahal ka nun, Peppy. Kaya malabo yang mga pinagiisip mo jan. Wag kang nega. Saka diba pag mahal ka ng isang tao, kahit ga'no pa siya kabusy, ikaw pa rin unang priority niya. Malay mo, may pinaplano pala siya sayo para bukas kaya gumagawa ng kung ano anong excuse."

 

Napaisip naman ako sa sinabi ni Chad. Tama! Baka nga kaya hindi siya masyado nagpaparamdam these past few days ay dahil may pinaplan siyang ikasusurprise ko. Hindi naman sa nagpapakafeeler ako. Pero sige na nga! Magpapakafeeler na. Minsan lang naman. Haha! Ano kayang pinaplan niya if ever? 

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (1277)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Multimedia

Diary ng Panget/ Diary ni Eya fanfiction

Recommended

Their wedding, our love story (One Shot)The Cassanova Prince meets The Ultimate PlaygirlSpecial A (EXTRACTION OF A LOVE EQUATION: YOU + ME= LOVE∞)My Bestfriend's Girl