Kabanata 48

165K 3.1K 355
                                    

Dedicated kay @PurpleMeannieBtch Teh! Bakit ang bongga mong magcomment?! :O grabe super duper haba ng comment mo, at hindi lang siya basta hahaha! Salamat! Nakakatuwa >.< wag ka ng magalit sakin huhuhu. XD hello pala dun kay @Pinaaaay sino siya? Hahaha! Salamat sa inyong dalawa. ;)

NOTE: Intindihin mabuti, baka may maguluhan. Thanks! <3 :* 




Kabanata 48

DRAKE'S P.O.V


Paulit ulit kong binasa ang huling sulat niya.

Drake..my Sweetheart, I love you a million times and it's endless.

Maghihintay ako..naniniwala akong darating siya. I do believe in miracles at alam kong makakaya niya. Please Lord, help us.


Mariin kong ipinikit ang mata ko at pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na darating ang asawa ko. Darating siya dito na maayos, magkakasama kaming tatlo ng anak namin.

Bullsht, kahit anong gawin ko sobrang sakit pa rin. Ayokong mawala siya, kuhanin niyo na lahat saakin h'wag lang si Kei Marie. I'm begging you Lord h'wag niyo siyang kuhanin saakin, I love her. Mahal na mahal ko siya ibalato niyo nalang saakin yung isa sa mga miracles na kaya niyong gawin.

"Kei Marie...sweetheart, lumaban ka. Parang awa mo na, hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Mababaliw ako. Tangina mababaliw ako."


Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko, bumaling ako sakanya. Isang batang lalaki na kasing edad ni Miracle at nakangiti saakin, nakaputi siya ngayon. Hindi ko siya kilala pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hanggang dito nalang siguro ang kaya niya.." Napakunot ang noo ko, nakangiti pa rin siya saakin at pilit niyang hinuhuli ang dalawang mata ko.

"Sino ka?" Wala sa sariling tanong ko, nagkibit balikat lang siya at umupo sa tabi ko.

"Gaano kalaki ang paniniwala mo na mabubuhay siya?" Bulong niya pero nakatuon pa rin ang mga mata niya sa malayo ng beach.

"Damn it, anong klaseng tanong yan? May tiwala ako sakanya, hindi niya ako basta basta iiwanan." Hindi ko alam kung bakit kinakausap ko ang batang ito, pero nawawala yung sakit na nararamdaman ko ngayong katabi ko siya. Ngumiti siya.

"Kung minsan maniniwala ka lang sakanya kapag kailangang kailangan mo siya. Maaalala mo lang siya kapag alam mong nasa pinakababa ka ng isang laban mo. Bakit ganun noh? Saka mo lang ipapakita ang tiwala mo sakanya kapag alam mong wala ng pag asa." Para akong nakikipag usap sa isang matanda pero tumatagos sa puso ko ang bawat linyang binibitawan niya.

Kunot noo ko siyang tinitigan, maaliwalas ang mukha niya na para bang wala siyang problema na dinadala. Pero sa mga mata niya makikita mong may lungkot siyang itinatago.

"Naniniwala ako. I believe in him, walang imposible kapag naniniwala ka sakanya." Wala sa sariling sagot ko.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon