Chapter 14

36K 470 52
                                    

Lhaine Lee Ramos – POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lhaine Lee Ramos – POV

Nagising ako dahil sa malakas na kulog at kidlat. Napatayo ako agad at napatakbo palabas ng kuwarto ko hanggang sa tapat ng pintuan ni Lee. Takot na takot ako at ang kasama ko ngayon dito sa bahay ay 'kaaway' ko pa. Kumidlat at kumulog nanaman! Pinihit ko agad ang knob ng pintuan niya at nang bukas iyon, pumasok ako agad ng hindi man lang nag-iisip. Nasa harap siya ng computer niya at naglalaro. Hindi pa nga niya yata napansin na pumasok ako dahil naka-headset siya. Lumapit ako at kinalabit siya.

"May kailangan ka?"

"Ha? Auhm, manghihiram sana ako ng notes."

"Half day lang ako kanina," tumayo siya at dinampot ang bag niya. Inabot niya ang ilang notebooks sa akin. Aba, nag-notes talaga siya.

"Salamat," kinuha ko ang notebooks pero hindi ako umalis sa harap niya. Kumidlat at kumulog nanaman— I cringed.

"Hindi pa ako kumakain. Magluto ka," pautos na sabi niya at lumabas ng kuwarto. Sumunod agad ako sakanya. Isinantabi ko nalang muna ang fact na hindi siya 'magso-sorry' sa mga sinabi niya kanina. Oh wait, minura ko rin pala siya.

"Psst. Kanina, I meant every word I said except the cuss. So sorry sa pagmumura," sabi ko habang pababa kami ng hagdan.

"Hmm, not angry anymore?" huminto siya sa pagbaba at nilingon ako. Ilang dipa nalang tuloy ang layo namin sa isa't-isa.

"Ano ba ang ginawa mo para magalit ako?" I want him to apologize. Maybe if I push him he would.

"Iniwan kita sa highway at sinigawan kita. Nag-alala lang ako, siguradong sisigawan ka rin ni Dad kung sakaling nasa delikadong sitwasyon ka pala at hindi ka manlang nagtext," seryosong sabi niya. Ganito na talaga siya mag-sorry huh.

"Okay, quits na tayo dahil nag-notes ka. Tara na sa baba para makapagluto na ako."

"Yeah, gutom na ako," diretso kaming dalawa sa kusina. Alam niya siguro na natatakot ako dahil sinamahan niya ako. Nafli-flicker- flicker pa ang ilaw kaya naman mas nakaka-paranoid.

"Takot ka sa kulog at kidlat?"

"Oo, sobra."

"Bakit?"

"Nagsimula one day after Nana's death. 'Yun ang first time na mag-isa ako at puro kulog at kidlat lang ang bumalot sa bahay."

"Paano noong ikaw lang noong nakaraang taon?"

"I'd hide under my blanket. Wala naman kasing— Ouch!" nasagi ng kutsilyo ang daliri ko at nasugat. Tumayo siya agad at lumapit para tignan ang sugat ko. Hinila niya ako papunta sa sink at pinaraanan ng tubig ang daliri kong nasugat.

"Hindi malalim, mag-ingat ka kasi," may nilabas siyang panyo mula sa bulsa niya at ibinalot iyon sa daliri ko.

"Daplis lang naman. Kuhanan mo naman ako ng band aid?"

SHE'S THE GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon