ANG WALLET NI DEAH

320 13 12
  • Dedicated kay Deah Chua Sabulbero
                                    

PARA SA MGA MAMBABASA:

ang istoryang ito ay resulta NG imahinasyon ng manunulat. walang halong katotohanan maliban na lang sa pangalan ng mga karakter na nasa istoryang ito. inuulit ko po. kathang-isip lamang ang istoryang ito. maaring ginamit ko ang pangalan ng mga kaibigan ko dito, pero hindi ibig sabihin nun ay ito ay naka-base sa buhay nila.

ginamit ko lamang ang kanilang mga pangalan sa kadahilanang gusto ko lamang. haha.

i-de-dedicate ko po ito sa kanila kaya naman po ginamit ko ang kanilang mga pangalan. maraming salamat po. sana po magustuhan niyo.

_______________

"ma! aalis na ako!" paalam ng dalaga sa kanyang ina. hindi na niya itong narinig sumagot sa kanya dahil isinara na niya ang pinto.

tuwing umaga ay naglalakad lang si Deah papunta sa kanyang unibersidad na pinapasukan. malapit lang naman kasi ito sa bahay nila. mga sampu hanggang labing-limang minutong paglalakad lang ang itatagal.

lahat ng tao sa kanilang distrito ay kilala siya. isang napakabait na bata. yang ang bansag sa kanya. isang matulungin at mapagbigay. ayaw niya man itong ipagmalaki, hindi naman kasi talaga siya ganoong klaseng tao. minsan rin sa buhay niya, nagkakamali, tulad ng isang normal na dalaga.

habang naglalakad si Deah, nakakasalubong niya ang mga tao sa kanilang distrito, minsan ay binabati niya ito at minsan din naman ay nginingitian niya. ganito na ang naging 'ROUTINE' niya araw-araw simula ng lumipat sila ng bahay ng kanyang ina at kapatid.

ngunit may isang tao na kinaiinisan niya simula ng lumipat sila ng bahay. yun ay walang iba kundi ang anak ng may-ari ng tindahan sa may tapat lang ng kanilang bahay, kung saan laging inuutusan ng ina ni Deah upang bumili ng mga kakailanganin nila.

siya ay walang iba kundi si Dale. kasing-edad lang siya ni Deah at parehong unibersidad ang pinapasakukan. at sa kasamaang palad parehong kurso rin ang kanilang napili. sa isip ni Deah, siya na ata ang pinagkaitan ng mundo.

pero dahil sa sobrang kakulitan ni Dale sa kanya hindi mapigil ni Deah na unti-unti siyang nahuhulog sa lalaking wala namang ibang magawa kundi ang asarin siya buong umaga. kaya naman pinipilit niyang hindi na lang panisinin ang mga asar at kulitan na ginagawa sa kanya ni Dale. gustuhin niya man pigilin ang kanyang nararamdaman, hindi niya magawa. dahil alam niyang wala siyang kawala.

gusto niya man sabihin ang kanyang nararamdam, ngunit may pumipigil sa kanya. takot. hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ni Dale kapag nalaman niyang may lihim na nararamdaman sa kanya si Deah. natatakot siya na baka isang araw hindi na niya makasamang maglakad tuwing umaga ang binata. natatakot siya na baka hindi na niya maramdaman ang pang-aasar at pangungulit nito sa kanya. dahil sa takot na iyon, hinayaan na lamang niyang maging ganoon ang sitwasyon nila.

"hoy! ang bagal mo!" biglang nagulat si Deah sa taong sumigaw sa may tenga niya. napag-alaman niya na si Dale pala iyon.

nagsisimula na naman ang isang buong araw ng kamalasan niya. wala naman siyang ibang pwedeng gawin kundi ang huwag na lamang siyang pansinin.

naglakad na lang siya habang nakayuko ang kanyang ulo. araw-araw rin niyang nakakasama sa paglalakad si Dale. lagi siyang inaasar, kinukulit at kung anu-ano pang kabalastugan ang maisip ng binata. pero sa kabila nun, nananahimk na lang si Deah.

"tahimik mo ata?" tanong ni Dale sa kanya. hindi lang ito pinansin ng dalaga at ipinagpatuloy lang ang kanyang paglalakad. "meron ka ba?" napatigil naman si Deah sa paglalakad ng itanong sa kanya yun ng binata.

"oh...ba't ka tumigil?" ngayon naman si Dale ang nagulat sa kanya. umiling na lang ito sa kanya at nagpatuloy na silang maglakad.

"teka...ay hindi pala...mauna ka na." tumalikod na si Deah kay Dale at nagmadali nang bumalik. nakalimutan niyang meron nga pala siya ngayon at wala siyang dalang extra. kaya naman naghanap siya ng pinakamalapit na tindahan. nang natatanaw na niya, kumaripas siya ng takbo.

"oh...Deah, ikaw pala." bati ng tindera sa kanya.

"pabili po nun." turo niya. "isa po." nilabas na ni Deah ang wallet niya at agad din naman binigay ni Manang ang binili ni Deah. "heto pong bayad." inabot niya sa tindera at tinago na niya ang binili niya.

"hoy! anong binili mo?" biglang sigaw ni Dale sa likod ni Deah na ikinagulat naman ng dalaga. mabuti na lang at natago na niya ito agad.

"w-wala!" utal niyang sagot dito at bigla na lang naglakad palayo sa kanya. 'kainis naman 'tong isang 'to. ayaw akong tantanan.' isip ni Deah.

"hoy!" tawag ulit nito sa kanya. pero hindi na lang ito pinansin ng dalaga. patuloy pa rin siya sa paglalakad.

ang akala niya ay sumuko na si Dale sa kakabuntot sa kanya. pero nagkamali pala siya.

"hoy." ngayon naman nakahabol na si Dale sa kanya.  "hoy," ulit nito pero hindi niya pa rin pinapansin. "hoy sabi eh."

"hindi naman 'HOY' ang pangalan ko eh!" biglang napasigaw si Deah sa kanya na laking gulat niya. bigla naman namula si Deah at tila parang nakonsensya siya sa ginawa niyang pagsisigaw.

"may pangalan naman ako, eh." pag-alala nito sa kanya. "DEAH. D-E-A-H. DEAH"

hindi man halata sa pananalita, kita naman sa mga mata ni Deah na punong-puno na siya. ni minsan hindi nabanggit nito ang pangalan niya.

"drama mo! alam kong may pangalan ka." idinaan na lang ni Dale sa biro ang kanyang sinabi. na siya namang biglang nakaramdam ng masakit sa kanyang loob. ngayon alam na niya na wala na siyang pag-asa dito. "halika ka na nga!" ani ni Dale at nagsimula na ulit silang maglakad.

tahimik na silang naglakad hanggang sa makaabot na sila sa kanilang eskuwelahan nang nagsalita si Dale.

"hoy teka!" tawag niya ulit dito. lumingon naman siya agad. pero may lungkot sa mga mata niya.

"oh! ayan! nakalimutan mo wallet mo! pabaya ka masyado." inihagis ni Dale ang wallet sa direksyon niya at mabuti na lang at nasalo niya ito.

kitang-kita sa mukha ni Deah ang pagkagulat. sinusubukan pa niyang unawain kung paano napunta kay Dale ang wallet niya. bigla naman nasagi sa isip niya at nakuha na ang lohika.

magpapasalamat na sana siya pero pagtingin niya nawala na lang bigla si Dale.

binuksan niya muna ang wallet niya kung may nahulog ba na pero o ano mang importante. maya-maya't pa hindi niya mahanap ang isang maliit na papel. hinanap niya na sa buong wallet niya pero wala pa rin.

"san na ba yun? ba't nawawala?" wika niya sa sarili at patuloy pa rin sa paghanap.

"ito ba?" nagulat naman si Deah sa taong nagsalita. pagtingin niya hawak pala ni Dale ang piraso ng papel. bigla siyang namula ng nalaman niyang si Dale ang humhawak nito.

"Dale, amin na!" sinusubukan niyang agawin iyon sa kanya pero hindi niya nagawa. "amin na sabi!" tuloy niya, pero kahit anong magawa niya hindi niya talaga kayang kunin sa kanya.

"ano ba 'to?" tanong ni Dale sa kanya habang winawagayway sa ere ang papel. kinakagat na ni Deah ang kanyang labi para pigilin ang mga luha na tila nagsisimula ng lumabas. nakita niya na binuksan na ni Dale ang papel at binasa.

biglang nagulat ang binata sa nakasulat. sa sobrang kahihiyan sa sarili, tumakbo na lang si Deah palayo sa kanya, pero hindi niya nagawa dahil bigla siyang hinawakan ni Dale sa may braso niya.

at bigla siyang yinakap ng lalaki. nagulat naman si Deah sa kanya dahil mas lalong hinigpitan ni Dale ang pagyakap na sabay sabing, "ako rin. akala ko ako lang. ikaw rin pala."

pagkasabi nun ng binata ay binalik niya ang yakap nito at tila napangiti na lang.

bigla naman nilipad ng hangin ang papel na may nakasulat:

DEAH <3 DALE.

____________

sorry kung may mga errors. xD

abangan niyo po ang next.

ANG LITRATO NI CHARM.

ANG WALLET NI DEAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon