ANG PAPEL NI KAREN

774 7 11
  • Dedicated to Kei Issan
                                    

ANG PAPEL NI KAREN

by: 01fah93Yeah28

PARA SA MGA MAMBABASA:

ang istoryang ito ay resulta NG imahinasyon ng manunulat. walang halong katotohanan maliban na lang sa pangalan ng mga karakter na nasa istoryang ito. inuulit ko po. kathang-isip lamang ang istoryang ito. maaring ginamit ko ang pangalan ng mga kaibigan ko dito, pero hindi ibig sabihin nun ay ito ay naka-base sa buhay nila.

ginamit ko lamang ang kanilang mga pangalan sa kadahilanang gusto ko lamang. haha.

i-de-dedicate ko po ito sa kanila kaya naman po ginamit ko ang kanilang mga pangalan. maraming salamat po. sana po magustuhan niyo.

_______________

"oy, ano na naman yang sinusulat mo?" tanong ni Deah sa kanyang kaibigan na si Karen.

"obvious naman di ba?" sarkastikong sagot nito sa kaibigan.

kasalukuyang nasa loob sila ng kanilang silid at nakakaroon ng diskusyon ang propesor. pero tila ata walang ganang makinig si Karen.

"makinig ka nga. 'pag tayo nagkaroon ng surprise quiz...hindi talaga kita pakokopyahin." pagbanta naman nito kay Karen.

"hindi yan bibigay si sir. kay sir ka pa?"

tama nga naman si Karen. ang tanging ginagawa lang ng kanilang propesor ay ang magsalita ng magsalita. ang ibang kaklase nila ay halatang tinatamad ng makinig. kaya naman nagkakaroon na ng ingay sa loob.

"aba! yan pala ang pinagkakaabalahan mo dyan." pabulong na sabi ni Deah. nakita kasi nito na sinusulat ang pangalan ng 'IMAGINARY CRUSH' sa isang buong papel. 

"makinig ka na lang nga dyan." iritang sabi nito sa kaibigan. patuloy pa rin siya sa pagsulat ng pangalan ng 'CRUSH' niya. pinupuno niya iyon sa papel na sinusulatan niya. minsan pa ay inuukit niya ang hugis puso saka isusulat ang mismong pangalan. habang sinusulat nito ang kanilang pangalan ay hindi maalis ni Karen ang ngiti sa kanyang mukha.

"hoy. para ka ng ewan dyan. tumatawa mag-isa." pabirong sabi ni Deah.

"tumatawa ba ako? ngumingiti lang. ngiti." diin naman ng kaibigan. "alam mo kasi, Deah, simula nung napanaginipan ko yung pangalan ng 'IMAGINARY CRUSH' ko pakiramdam ko talaga na totoo siya."

"panaginip lang yun. wag mong damdamin." sita naman niya na tila pinapalabas niya na hinding-hindi magiging totoo ang panaginip ni Karen.

"che. palibhasa kasi ang 'PESSIMIST' mo." sabi naman nito sabay labas ng dila upang maasar si Deah.

"che! palibhasa kasi 'DAYDREAMER' ka." nagkakasagutan na ang dalawang magkaibigan. mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa harapan, kung hindi baka pinaalis na sila ng kanilang propesor.

"at least hindi ako pessimist gaya mo." totoo naman kasi ang sinasabi ng dalawa. si Karen ay mahilig mag-daydream, habang si Deah naman ay puro negatibo na lang ang naiisip. sa likod ng kanilang angking talino ay may natatagong sikreto rin ang dalawa. na tanging sila lang ang nakakaalam.

ANG PAPEL NI KARENWhere stories live. Discover now