chapter 7

370 22 30
                                    

 (A/N:

<<<dont forget to vote*vote*and leave some reactions*comment*comment

support din po natin si Reisly at yung story nya na "Long Distance Love Affair")

_______________________________

<Gail POV>

  pauwi na sana ko ng bahay galing kila pao pero napadaan ako sa mga lalaking nag iinuman...

naku po lord, ano ng gagawin ko?? mag lalakad nalang ako?

Tama mag lalakad nalang ako..deadma nalang sila..kaya naman nag lakad ako ng mabilis pero bigla hinawakan nung isang mama yung kamay ko...oh my god eto na ba yung katapusan ko? ganito yung napapanuod ko sa mga korean novela eh..yung may na sasalavage tapos tinatapon sa ilog..oh my god is someone here to help me?

"ba-bakit po?" tanong ko sa lalaki na nakahawak sakin.

"ahmm miss, shamahan *hik* mo naman kami uminom *hik*" sabi nung mamang pangit..nakakatakot yung mukha nya yuck!!

"ah hindi na po, nag mamadali na po ako eh,..sge bye." tapos umalis na ko pero hinarang ako nung isa pang lalaki.

"oo nga miss, saglit lang naman eh, eto oh shot ka muna."iniabot nya sakin yung baso pero tinabig ko.

"ayoko nga sabi eh, paalisin nyo na ko." ngayon takot na talaga ko..hahampasin na nya na sana ko kay pumikit ako pero nagulata ko nung wala akong naramdamang kamay na dumampi sakin...tapos bigla may narinig akong salita na parang familiar..

kaya naman dumilat ako para malaman kung sino at nakita ko si ethan na hawak-hawak yung kamay nung lalaki na sasampal dapat sakin.

"e-ethan." anong ginagawa nito dito? nandito ba sya para iligtas ako, eto ba yung pinadala nyung savior lord?

"hindi nyo ba narinig yung sinabi nung babae?, ayaw nya daw kaya paalisin nyo na sya." ethan

"ano bang problema mo pare?, wag kang makielam dito!!" sabi nung lalaking may hawak sakin tapos nakita kong may kinukuwa syang kutsilyo sa likod ng pantalon nya kaya binitawan nya ko.

sasaksakin na nya sana si ethan pero nakaiwas ito...god hindi ko na kaya, kaya napapikit nalang ako at naiyak..hanggang sa maramdaman kong biglang may yumakap sakin at pinupunasan ang luha ko, kaya dumilat ako.

nakita ko na wala na yung mga lasing na lalaki.

"sshh tahan na, tsk ang bobo mo talaga, bakit gabi ka na umuwi? hindi mo ba alam na dilikado para sa babae na umuwi ng gabi?"

tss ok na sana eh, sinabihan pa ko ng bobo..tsk, panira talaga ng moment to.

"buti nalang at dumating ako." ethan

"oo na, salamat pero teka.. nag aalala kaba sakin kaya hinanap mo ko?" ayieee aheheh ^____^

"pok!!" binatukan nya ko.

"aww naman" /=__=\ habang hinihimas ung ulo ko.

"tsk wag kang feeler dyan, napadaan lang ako  para bumili ng pag kain, wla kasing iniwan na luto sila mama." pinakita nya naman sakin yung plastic bag na may lamang pag kain..oo nga tss umaasa na naman ako eh kanina nga lang sinabihan nya ko na ayaw nya sakin.

"tss sorry." sabi ko

"kumain ka na ba?" tanong sakin ni ethan.

"hindi pa eh." hindi naman talaga dahil puro coke lang naman ininom ko kila pao.

"tara na nga umuwi na tayo, sabay na tayo kumain." ethan

"talaga? aheheh sige, sige"

tapos tumawa ko..tss para kong ewan, kanina lang umiiyak ako dahil sa takot pero nung niyakap ako ni ethan parang wala na lahat ng takot ko .

 pero teka lang, bakit parang ang bait nya ngayon? una tinulungan nya ko tapos ngayon aayain nya ko kumain..wow ha.. eh kanina lang naiinis sya sakin,.. ahahha  tssk kahit pala matalino to my spilt personality rin..yaan na nga, sulitin ko nalang ahehehhe..minsan lang mangyari to eh.:">

tapos pag uwi namin sa bahay hinanda ko na yung pagkaing binili ni ethan kanina tapos tinawa ko na sya, sabi nya kasi tawagin ko nalang sya kapag tapos na ko mag hain.

"ETHAN! BUMABA KA NA, NAKAHAIN NA KO!!" grabi lang ha..halos lumabas na yung tonsils ko sa pag tawag sa kanya..

narinig ko namang bumukas yung pinto ng kwarto nya,..ahehhehe naka ng toots naman para na kaming mag asawa nito PERO mali-mali, ayaw nya sakin..sinampal-sampal ko yung sarili ko habang umiiling..

"oh nangyari sayo?" sabi nya habang ngiti

aissh nakababa na pala sya, hindi ko namalayan, ako siguro pinag tatawanan nyan..

"ah wala, hehe lika umupo ka na, kain na tayo." sabi ko sa kanya,

 umupo naman sya.

"aba, may presentation ka pa ha."

ahahah oo nilagyan ko pa talaga yan ng presentation para naman makabawi ako kahit konti.

"maganda ba?" tanong ko sa kanya

nag isip naman sya saglit at nilagay yung kamay nya sa may baba nya

"uhmm pwede na." tapos ngumiti ulit sya at kumain.

my god may milagro ba?? anong ngyayari? end of this world na ba? first time ko syang nakitang ngumit!! kyaaa mas lalo syang gumagwapo eh, sana lagi nalang sya ganyan.!!:"> 

Sick Of Love:&quot;&gt; (on going-short updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon