Nagsalubong ang dati nang salubong na kilay ng lalaki. Hindi siya makapaniwalang pinangalanan na ng asawa niya ang lalaking anak niya nang hindi man lang kumukunsulta sa kanya. Nasaid na ang pasensya niya. Akma siyang baba’t itatakbo ang bata nang matuling sa malakas na tili’t busina ng paparating na trak.
“Beeeeeeeeeep!”
Mauulinigan sa kalaliman ng gabi ang malakas na pagsabog ng dalawang nagbanggaang mga sasakyan. Ang isa’y nagkapunit-punit na habang ang trak nama’y humahagibis na pinunterya ang direksyon ng isang inosenteng kaluluwa.
HINDI nagawang sumigaw ng batang si Ah-Yue dahil sa pagkabigla. Ni hindi niya nagawang tumakbo o umilag man lang sa trak na nag-aapoy na ang bubungan. Kipit pa rin ang lampin sa gilid ay hinayaan na lamang ng inosenteng si Ah-Yue na kunin ng langit ang kanyang buhay.
MAINIT. Iyon ang unang salitang sumagi sa isip ng tatlong taong gulang na si Shao Lan. Kung kaya’t unti-unti niyang ibinuka ang namamaga niyang mga mata. Nayanig ang kanyang buong sistema sa kanyang nasaksihan. Nasusunog ang munti nilang dampa!
“A-ate! A-ate! A-ate! Nasaan k-ka?” Unti unti nang pinangangapusan ng hininga ang bata.
Unti unti siyang tumayo. Gusto niyang sagipin ang buhay niya ngunit sadyang malakas na ang apoy. Hinagilap niya ang kumot at paika-ikang humakbang. Napatili sa sakit si Shao Lan nang ilang hakbang nalang mula sa kinarorounan niya’y isa isang nahulog ang mga nasusunog na bagay. Hindi na niya kayang depensahan ang sarili kung kaya’t hinayaan niya nalang na tupukin ng apoy ang kanyang buhay.
KINABUKASAN, bulong-bulungan sa buong bayan ang pagkamatay ng buong mag-anak. Marami ang naawa ang iba nama’y ipinagkibit balikat nalang ang nangyari. Binigyan ng maayos na libing ng mga kanayon ng nasawing mag-anak pati na rin ang driver ng trak.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists