[Author's Note]
Like I promised, eto na po yung chapter two. Sana po magustuhan nyo.
Thank you po sa mga bumasa sa previous chapters. I appreciate it po talaga.
____________
CHAPTER TWO
[SHARON]
"Anong baon mo, Randy?"
Tiningnan niya ako habang binubuksan niya yung baunan niya. "Eto, cake. Isang slice."
Napatingin ako sa laman ng baunan. Nanlaki ang mga mata ko. Chocolate cake! "Wow, sarap niyan. Palit tayo ng baon!" Agad kong inagaw yung baunan ni Randy at ibinigay sa kanya yung baunan ko.
"Ano ba ito?" tanong niya.
"Healthy food," sagot ko, sabay dakot sa cake at subo nito.
Napasimangot si Randy. "Ay, ano ito?"
Tumaas ang kilay ko. "Carrots lang hindi mo alam?"
"E bakit ganito? Hindi luto."
Naisip ko, anong problema dun? Kinakain naman yung carrots na hilaw. "Mas healthy yan, sabi ng daddy ko. Kainin mo para lumakas katawan mo. Ang hina-hina mo e."
Bigla siyang nagdabog. "Ayoko nito. Akina yang cake ko!"
Ipinakita ko sa kanya ang walang lamang baunan at ngumanga pa ako. "Aahh.. Wala na."
Masama ang naging tingin niya sa akin. Pero parang paiyak na siya. "Bakit mo inubos?"
Napakamot ako ng ulo. Ito talagang friend ko, ang arte. "Iyan na nga lang yung sa yo. Healthy yan."
"Ayoko! Gusto ko yung cake ko! Bakit mo inubos?"
Naiinis na ko. "Randy, kainin mo na lang yan!"
"Ayoko sabi e!"
Napikon ako. Tumayo ako sa harap niya, dumampot ng isang carrot stick at inilapit iyon sa bibig niya. "Nganga!"
"Ayoko! Isusumbong kita sa mommy ko!"
"E di magsumbong ka! Ikaw na nga pinapakain ng vegetable. Nganga! ISA!"
Natakot yata. Ngumanga rin siya. "Aahh..."
Isinubo ko yung carrot stick sa kanya. "Ayan. Nguya!"
Ngumuya naman siya, pero talagang papaiyak na siya. "Mmmpf..."
Ang ginawa ko ay hinaplos ko ang pisngi niya. "Healthy yan. Kailangan ng katawan mo yan." Kumuha ako ng isa pang carrot stick. "Isa pa."
Umiling siya, saradong-sarado ang bibig.
"Papano kang mabubusog kung isang carrot stick lang?"
Umiling ulit siya. "Ayoko. Masama yung lasa!"
Napailing ako. Ang arte talaga. "Masama ba ang lasa? Teka lang." Lumingon-lingon ako. Nakita kong may hawak-hawak na sandwich si Bobby. "Hoy, Baboy!"
Lumingon naman si Bobby, parang naiinis pa. "Bakit?"
Tinitigan ko siya nang ubod nang taray. "Anong palaman ng sandwich mo?"
"Keso, bakit?"
"Akina yang keso. Huwag ka nang magpalaman."
Kumunot ang noon niya. "Ayoko nga."
Tumaas ang kilay ko at pinandilatan ko siya. "Ayaw mo?!"
Saka lang siya nanliit at napayuko. "Gusto..." Binuksan niya ang sandwich niya. Keso nga ang palaman. Hindi pa nakakagatan."
Kinuha ko iyon. "Ibibigay mo naman pala, dami mong arte." BInalingan ko si Randy. "Eto, Friend. Sabayan mo ng keso."
Umiling na naman si Randy. "Carrots pa rin yan e!"
Nainis na ako. "Subukan mo muna kasi! Gusto mo kong magalit?"
Natakot na naman siya. Ngumanga agad. "Aahh..."
"Sus, nagpasubo pa," sabi ko. "O ayan," sabay subo ng carrot stick na may kasabay na keso.
Nginuya niya naman. Pagkatapos, yung masamang itsura niya, unti-unting naging maayos.
"Ano?" tanong ko.
Ngumiti na siya. "Okey na. Masarap na siya."
Sa tuwa ko, inakbayan ko siya. "Good boy!" sabi ko pa.
"Waaa! Ako, walang palaman!" sigaw naman ni Bobby.
__________
[RANDY]
"Psst... Randy..."
Napatingin ako kay Sharon. Nagte-test kami noon sa Math. "Bakit?" pabulong kong sagot.
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists