Kabanata 47

156K 3.1K 563
                                    

Dedicated kay @eniallej , comment niya po >>> Nakakapangilabot ang chapter na to. Imagine how God works in our lives. Sometimes we wish for things that we thought are impossible but God will always make his ways.

Thank you sa comment mo! Mahaba yung comment mo kaya hindi ko na kinopy lahat hehe. Thanks ulit! ;)



Kabanata 47

DRAKE'S P.O.V

Mahirap ipakitang ayos ka lang, kahit na ang totoo hindi. Sinong nagsabing purket lalaki ka hindi ka dapat matakot sa lahat ng bagay? Isang kalokohan yon. Dahil ito na yata ang pinaka-kinatatakutan ko sa lahat.

Natatakot akong mawala siya, natatakot ako na baka sumuko siya. Dahil ako muntik na akong sumuko pero pinigilan ko, mahirap ipakita na masaya ako kahit hindi. Masakit kasi. Putang ina masakit kasi yung katotohanan na isusugal ko ang buhay niya para lang matupad niya yung matagal ko ng hiniling sakanya, ang magkaanak kaming pareho. Oo hiniling ko na magkaanak kami, dahil gusto ko siyang makita bilang ina ng magiging anak ko. Pero hindi ko hiniling na maging kapalit na mawala siya.


"Ayaw mo talaga siyang samahan?" Tanong saakin ni Tito Drew, ito na yung araw. Manganganak na ang asawa ko at nangangamba pa rin ako.

"Ayaw niya." Bulong ko, para akong gago na iyak ng iyak. Tinapik niya ang balikat ko.

"Gagawin namin ng Tita Jessica mo ang lahat Drake." Paninigurado niya saakin, tumango ako. "Salamat Tito."


Gusto ko siyang samahan pero sinabi niya na ayaw niyang makita kong nahihirapan siya. Napakadaya ni Kei Marie, sa hirap at ginhawa nga diba? Pero itinutulak niya ako palayo sa paghihirap niya.

"Magiging maayos din ang lahat anak.." Bulong saakin ni Mama, hindi ko sila magawang makausap ng maayos ngayon. Tinignan ko ang kwarto kung saan manganganak ang asawa ko, may dalawang nurse na nag aassist kay Tito Drew at Tita Jessica, sana maging maayos.

Lord please. Naniniwala ako na pagbibigyan niyo kaming mag asawa para sa isang miracle.


"Kuya Drake..pinabibigay ni Ate Marie, sabi kasi niya kapag pumasok na siya sa kwartong yan iabot ko sayo, basahin mo daw ito sa may beach." Iniaabot saakin ni Miracle ang isang papel na nakatupi, marahan kong kinuha iyon at pinat ko ang ulo niya bago ako lumabas ng bahay.


Umupo ako sa pampang ng beach, gabi na, alam kong karamihan sa mga tao ngayon nagsasaya para salubungin ang pasko. Pero ako, hindi ko kayang maging masaya hangga't hindi siya nagiging maayos.

Napatingin ako sa hawak kong papel, binuklat ko iyon at dalawang papel iyon at mahabang sulat kamay ng asawa ko ang nandoon, bumagsak doon sa sulat ang ibinigay ko sakanyang kwintas noon, na may pendant na shell. Nak ng putcha naman, sa ginawa niya parang nagpapaalam siya. Ito siguro yung gabing nagsusulat siya pero pilit niyang itinatago saakin dahil wala lang naman daw yun, wala lang daw pero ito ngayon yung nagpapasikip ng dibdib ko.

"Tangina ka Drake." Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko lang din. Kahit hilam na hilam na ang mata ko sa luha, pilit ko pa ring binasa ang sulat ng asawa ko para saakin. Ginawa niya 'to kaya kahit alam kong parang namamaalam siya sa sulat pinilit ko pa rin basahin ng maayos.


Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon