Previous Page of 6Next Page

Make a Wish (One shot story)

Dedicated to
daTurtleApe
spinner.gif

 

[A/N]: This short story is dedicated to my "nanay", April Grace Renton!!!

Sana magustuhan niyo!^w^

-------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Napabuntung-hininga na lang ako.

 

Sampung oras na ang lumipas, pero di ko parin nauumpisahan and kinakailangan kong gawin.

 

Cosette Farron ang pangalan ko, at sixteen years old na ako.

 

Or at least, I used to be.


Ang totoo kasi niyan, patay na ako.

 

Oo, patay na talaga ako. Pramis! Peksman! Mamatay ka man!

 

Alangan naming ako, eh patay na nga ko diba?

 

Pero sa totoo lang, hindi nga talaga to trippings lang.

 

Ganito kasi ang nangyari niyan…

 

 

*FLASHBACK!*



“Nnnn…. Anyare? Nasaan na  ba ako?” inaantok kong sabi pagkabangon ko. “Eh? Ano naman bang ginagawa ko sa gitna ng kalsada?”

 

Saktong paglingon ko sa aking harapan, may sasakyan sa harapan ko na napakabilis ang pagtakbo.

 

“Waaaah!” napasigaw ako. Di na ko makagalaw sa sobrang takot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

 

Nang imulat ko uli ang mga ito, nagulat na lang ako’t nandito pa rin ako. Ni wala manlang akong galos. Wala nga talaga akong naramdaman eh.

 

Napatingin ako sa mga kamay ko at nagulat na lang ako nang makita kong….

 

“Aaaah! Ba’t transparent na ako?!”

 

“Eh kasi po, patay ka na.” sabi ng isang boses sa likod ko.

 

Hinarap ko siya. Isa lang pala siyang batang babae. Mayroon siyang mahabang buhok at nakasuot siya ng dress na kulay pink na abot hanggang sa tuhod niya.

 

“Weh, di nga?”

 

“Ba’t ayaw mo maniwala?”

 

“Kasi kung patay na ako, ba’t di ko matandaan ang nangyari? At tsaka, baka pinagtitripan mo lang ako eh.”

 

“Natural lang yan, pero mamaya-maya, maaalala mo rin yan. At tsaka hindi kita pinagtitripan no! Ano bas a tingin mong mapapala ko kung gagawin ko yun, aber?”

 

“Haaaay…Kung sabagay….” Napayuko ako sa kabiguan. “Sayang naman, patay na pala ako. Andami ko pa sanang gustong gawin. Andami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pa sanang grumaduate, maging mayaman, maging boyfriend yung crush kong si Loki, at kung anu-ano pa…. Sayang nga lang at di ko na magagawa pa ang mga bagay na yun…”

 

“Teka nga pala…. Sino ka? Ikaw ba ang susundo sa akin? “ tanong ko sa bata.

 

Umiling siya. “Eh sino ka? Paano mo ako nakikita?”

 

Tumingala siya sa langit at pumikit. “Sabi ng iba, anghel daw ako. Pero sabi naman ng iba, demonyo daw ako.” Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at ngumiti.

 

“Ikaw? Ano sa tingin mo?”

 

“Ha? Di kita magets eh.” ?__?

 

Nakangiti pa rin sya. “Kilala ako sa tawag na Anghel ng Kahilingan.”


Lumapit ako sa kanya’t nilagay ang kamay ko sa noo niya. “Bata, nilalagnat ka ba? O baka gutom lang yan? Di kaya…. Takas ka sa mental no?!”

 

“Tanga!” Binatukan niya ako. “At tsaka hindi na ako bata! Mas matanda pa kaya ako sa lola ng lola ng nanay mo!”

 

“Aray!” hinimas ko yung ulo ko. Lakas din ng tama ng batang to eh no? Ang angas! “Eh kung totoo yan, ano ka, lolang na-trap sa katawan ng isang bata para sa isang misyon? Ano to, tv show?”

 

“Wag ka ngang pilosopo! Kaya lang ganito ang itsura ko kasi alam kong mas kumportable kang makipag-usap sa bata.”

 

“Psh, sige na nga. Paniniwalaan na kita.” Kahit hindi naman. “Ba’t nandito ka? Nagbabakasyon grande?”

 

“Ayan ka na naman eh. Nandito ako kasi alam kong gusto mong gumawa ng kahilingan. Mahirap bang intindihin yon?”

 

“Ay, porke’t ayaw lang maniwala, bobo na kaagad? Di ba pweding skeptical muna?”

 

“Ah, ewan ko sa yo!” tumalikod siya mula sa akin.

 

“Uy, teka lang!” hinila ko yung kamay niya. “Grabe naman temper mo, parang nagbibiro lang eh. Sige, ipagpalagay na nating totoong kaya mong magbigay ng kahilingan-“

Previous Page of 6Next Page

Comments & Reviews (9)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended